CHAPTER 34: LOVE IS SO GOOD

0 0 0
                                    

*kinagabihan, sa kwarto ni Vincent, hindi sya makatulog kakaisip kay Abby...

(VINCENT POV: Bwiset hindi ako makatulog. Ano ba ang ginawa mo sa akin?..)

*kinaumagahan ng Lunes, nang dumating na si Abby sa apartment na naka-proper equipment na saka naman sya nakita ni Vincent na nagtitimpla ng kape...

Vincent: Oh. Andito ka na? Ang aga mo naman.

Abby: Hindi naman masyado. Masyado lang talaga akong nagising ng maaga ngayon.

Vincent: Ah. Magkape ka muna.

Abby: Ok lang ako. Hindi naman ako nagkakape eh.

Vincent: Eh may chocolate milk ako dyan. Gusto mo ipagtimpla kita?

Abby: Pwede ba?

*nang nagtitimpla na si Vincent ng chocolate milk ni Abby, nakatingin naman ito si Abby sa kanya na nakaupo sa upuan at pinagmamasdan nya si Vincent...

Abby: Grabe. Nag-abala ka pa.

Vincent: Hindi. Ayaw ko lang talaga na masayang ang energy mo sa pagtitimpla ng kap...I mean ng choco mo hihihi.

*natapos na si Vincent sa pagtimpla at ibinigay nya na kay Abby ang kanyang choco...

Abby: Thank you.

Vincent: Welcome.

*saka na umupo si Vincent at uminom ng kanyang kape. Kinuha nya ang wafer sa lalagyanan sa tabi nya at ibinigay nya kay Abby...

Abby: Thank you.

Vincent: Nalaman ko kasi na wafer pala ang gusto mong tinapay.

Abby: Ha? Paano mo nalaman?

Vincent: Doon sa kina Ate Rachel. Doon ko nalaman.

Abby: Ah hihihi. Masyado ata akong nagpahalata.

*saka sila ngumiti sa isa't-isa bago nagsalita...

Abby: Oo nga pala. Nasaan pala yung tatlo?

Vincent: Wala. Tulog pa sila eh. Alam mo naman yun, mga tulog-mantika.

Abby: Ah.

Vincent: Oo nga pala, diba sa Biyernes na ililibing ang tatay ni Ate Rachel?

Abby: Oo. Bakit?

Vincent: Pupunta kayo dun?

Abby: Oo naman syempre. Dahil magiging bayaw ko na din si Ate Rachel at parang pamilya na rin ang turing namin sa kanila. Kayo, paano kayo nagkakilala ni Ate Rachel?

Vincent: Ah. Wala. Para nya na rin kaming mga alaga dati eh.

Abby: Ah. Alaga saan?

Vincent: Wala hihihi.

Abby: Eh.

Vincent: Wag ka nang puro tanong at inumin mo nalang yang gatas mo habang hindi pa malamig yan.

Abby: Oo na nga.

*saka na uminom si Abby ng kanyang gatas at napangiti naman si Vincent sa kanya. Nang matapos na silang dalawa ay pumunta sila sa sofa...

Vincent: Hayst tulog-mantika talaga ang mga yun.

Abby: Bakit?

Vincent: May susundo kasi dito sa amin para sa lalakaran namin. Eh baka anong oras naman gigising ang mga yan eh magbabalot pa kami ng mga gamit namin eh.

Abby: Tutulungan na kita.

Vincent: Ha?

Abby: Tulungan nalang kita na magbalot. Saka nalang natin sila gigisingin kapag magbabalot na din tayo ng mga gamit nila sa kwarto.

Vincent: Pwede rin. Salamat na din dun ha?

Abby: Naku. Wala yun.

*nagsimula na silang magbalot ng mga gamit sa sofa at sa iba pang bahagi ng bahay. Habang nagbabalot sila...

(ABBY POV: Ewan ko, pero pag kasama ko sya parang nawawala ang katamaran ko. Para ba namang willing ako na gawin ang lahat basta kasama ko sya. Sino ka ba talaga, Vincent? Bakit ginaganito mo ako?...)

*nang nakita ni Vincent na nakatingin si Abby sa kanya ay agad namang umiwas ng tingin si Abby sa kanya...

Vincent: Huli ka?

Abby: Huli ang ano?

Vincent: May dumi ba sa mukha ko?

Abby: Dumi? Wala naman ah.

Vincent: Tingnan mo nga ulit.

Abby: Wala nga. Ang kulit mo!

*saka na umalis si Abby para umakyat sana sa hagdan nang nakita nya si Ferdie na pababa din sa hagdan. Medyo nagulat pa silang dalawa kay Ferdie...

Ferdie: Oh nagbabalot na kayo?

Vincent: Tulog-mantika ka kasi.

Ferdie: Wala. Napasarap lang kasi ang tulog ko eh.

Abby: Magbihis na daw kayo. At babalutan na namin ang mga gamit nyo.

Ferdie: Hindi. Tulungan na kita.

Vincent: Gisingin mo muna kasi ang dalawa, bago ka tumulong sa amin.

Ferdie: Okay. Ang sungit aga-aga eh.

*saka na bumalik si Ferdie sa itaas. Habang pabalik na sya sa hagdan...

(FERDIE POV: Ano yun? Magkasama na naman sila hay naku...)

*****FLASHBACK*****

*kinagabihan, habang papasok na sina Davin, Frits at Vincent dala-dala ang mga cleaning materials, saka naman lumabas si Ferdie mula sa hagdan...

Ferdie: Oh andito ka na?

Vincent: Oo ngayon lang.

Davin: Tulog-mantika ka na naman kasi eh kaya hindi ka na namin ginising.

Ferdie: Ha? Eh nakipag-usap ako kay Ate Frenzy eh.

Frits: Oh akala namin tulog ka.

Vincent: Bilisan nyo na ang bigat-bigat ng mga dala ko eh.

Ferdie: Tulungan na kita.

Vincent: Hindi na kaya ko na to.

*saka na silang umalis tatlo dala-dala ang mga gamit nila. Nang binuksan na ni Vincent ang inorder nyang pizza sa mesa at pinalibutan na nila itong apat...

Frits: Wow pizza. Galing to kina David noh?

Vincent: Oo. May duty sya kasi ngayon kaya nakalibre kami dun sa kanya.

Davin: Wow galing.

(FERDIE POV: Wow. Nakakainggit...)

*saka nila pinaghati-hatian ang pizza na dinala ni Vincent para sa kanila...

*****PAUSE FLASHBACK*****

PS: The story is fictional and nothing of this happened in real life. If any of this happened in real life, this is unintentional and it was just a coincidence.

BOYFRIENDS NEXT DOORWhere stories live. Discover now