CHAPTER 17: FERDIE'S FEELINGS

0 0 0
                                    

*lumabas na sina Zach at Rachel sa kwarto. Paglabas nila...

Vincent: Ma'am Rachel...

Rachel: Oh, andito ka na pala Vincent. Sino kasama mo?

Vincent: Sina Ferdie, Davin, at Frits.

*saka naman nagpakita ang tatlo kay Rachel...

Ferdie, Davin at Frits: Condolence po, Ma'am Rachel.

Rachel: Thanks. Kumain na kayo? Maghapunan muna kayo.

Vincent: Ok na. Nakapaghapunan naman po kami bago po kami dumating dito eh.

Rachel: Sige. Maupo muna kayo saglit at para mapaghandaan ko kayo ng maiinom.

Vincent: Sige.

*saka naman pumasok si Abby...

Abby: Tutulong po ako, ate.

Zach: Naks! Sumisipag na itong kapatid ko ah.

Abby: Nauuhaw na din ako Kuya.

Zach: Ikaw talaga. Wala ka talagang ibang iniisip kundi ang sarili mo.

Abby: Bahala sila dyan kuya. Anong pinakain nila sa akin na paghahandaan ko sila ng juice ha? Diba wala?

Rachel: Tara na, Abby.

*saka na umalis sina Abby at Rachel papuntang kusina upang maghanda ng juice...

Zach: Pasensya na kayo ha? Wala talagang kwenta yang kapatid ko kahit saan mo sya dalhin. Hindi ba sya sakit ng ulo sa inyo sa apartment ha?

Ferdie: Hindi naman po. Actually masaya po syang kasama eh.

Zach: Ah ganun ba? Mukhang hindi sang-ayon ang mga kasama mo kasi eh.

Frits: Hindi. Okay naman po syang kasama.

Davin: Oo nga.

Vincent: Oo.

Zach: Ah buti naman. Sige. Pupuntahan ko muna ang dalawa. Baka kasi kailangan nila ng tulong eh.

Ferdie: Sasamahan ko na po kayo.

Vincent: Hindi po. Ako nalang po ang sasama.

Zach: Hindi. Mga bisita namin kayo dito so please. Stay put, okay?

Silang apat: Okay.

Zach: Good. Tawagin nyo lang ako kapag kailangan nyo ng tulong okay?

Silang apat: Okay po.

Zach: Good.

*pinuntahan na ni Zach sina Rachel at Abby sa kusina. Umupo na ang apat sa kani-kanilang mga upuan. Pagkaupo nila...

Davin: Wow. Ganyan pala pag may girlfriend ano? Kahit saan man sya mapunta, hahanap-hanapin mo pa rin sya.

Frits: Oo. Nakakainggit nga noh? Sana ay magkagirlfriend na din tayo soon.

Davin: Habang itong dalawang to, ang eepal. Di ko pala alam na may paligsahan pala ngayon ng kaepalan. Sana pala nagpa-epal din ako noh?

Frits: Tumahimik ka nga. Yung bibig mo talaga eh walang may magandang dulot sa lipunan.

Davin: Aba grabe ka.

*habang sina Ferdie at Vincent...

Ferdie: Bakit ka nag-offer na samahan si Kuya Zach sa paghahanda ng maiinom? May crush ka ba kay Abby ha?

Vincent: Ha? Wala noh. Bakit? Masama bang umalok ng tulong? Tsaka ako ang lider nyo. Dapat ay maging isang magandang ehemplo ako sa inyo.

Ferdie: Ah. Good naman.

Vincent: Eh ikaw?

Ferdie: Ha?

Vincent: Bakit nag-alok ka na tutulong ka kina Abby? Siguro ikaw ang may crush sa kanya.

Ferdie: Maybe...

Vincent: Ano?

Davin at Frits: Ano?

Ferdie: Shhh. Ano ba? Lahat ng sikreto ko nabubunyag nang dahil sa inyo eh.

Davin: Wala. Eh nagulat lang kami.

Frits: Since when pa?

Ferdie: When nga ba? Maybe when we first meet in the convenience store.

Davin: Wow. Di ko akalain na magkakacrush ka pala sa kanya.

Frits: So anong balak mo? May balak ka bang ligawan sya?

Ferdie: I don't know.

Frits: Bakit naman?

Ferdie: Kasi nung nakita ko si France, di ko alam kung liligawan ko pa sya o hindi eh.

Davin: Bakit si France?

Frits: Di mo ba alam? Ang pagkakaalam ko, naging sila daw ni Abby since elementary days up to high school days.

Davin: Ikaw talaga. Fake news ka din ano.

Frits: No. Hindi ito fake news. Totoo ito. Hindi lang ako nagsasabi kasi di pa ako sure. Pero ngayon sure na sure na ako.

Davin: Wow. It really is a small world after all.

Frits: Pero bakit ka naman titigil nang dahil sa kanya? Prove yourself. Tapos na din naman sila. Ano pa ang kinakaba ng puso mo ha? Fighting.

Davin: Oo nga. Fighting.

Ferdie: Laban lang?

Davin at Frits: Oo laban lang.

Ferdie: Nice. Thanks, guys.

Vincent: Magpapahangin muna ako. Itira nyo na ang isang basong juice para sa akin.

Frits: Ok. Sige.

*umalis na si Vincent sa kanyang kinauupuan upang lumabas at magpahangin...

Frits: Bakit kaya lumabas yun?

Davin: Hindi mo ba narinig? Magpapahangin lang.

Ferdie: Siguro napakaingay natin, yun na naging komportable sya.

Frits: Oo nga noh? Ayaw nya pa din naman sa mga maiingay.

*saka naman dumating sina Rachel, Abby at Zach na may dalang juice...

Rachel: Oh, nasaan si Vincent?

Frits: Ah. Nagpahangin po sya sa labas.

Rachel: Ah. Sayang naman itong juice. Pinagtimpla ko pa naman sya ng iced tea na favorite nya.

Davin: Sana all de iced tea.

Frits: Nagtatampo na ako tuloy.

Rachel: Sorry ha? Sa susunod kayo naman ang ipagtitimpla ko ng paborito nyo.

Davin at Frits: Yes.

Ferdie: Ako na po ang magbibigay sa kanya.

Abby: Hindi. Ako na.

*napatingin ang lahat kay Abby...

Rachel: Ok. Kunin mo na.

Abby: Ok.

*kinuha na ni Abby ang isang baso ng iced tea at dinala na ito kay Vincent sa labas...

Davin: Is there something going on with those two?

Zach: Wala naman siguro. Sige. Inumin nyo na ang mga juice nyo...

*kumuha na sila isa-isa ng tig-isang basong juice at uminom na sila...

(FERDIE POV: Sana nga wala...)

BOYFRIENDS NEXT DOORWhere stories live. Discover now