CHAPTER 12: WHO'S RACHEL?

0 0 0
                                    

*kinabukasan, sa apartment ng apat naglilinis si Abby habang pinagmamasdan si Vincent...

(ABBY POV: Hayst ano ba talaga kasi ang problema mo? Maaari ko bang malaman kung ano yun?)

*pumasok si Davin sa apartment at naabutan nyang minamasdan ni Abby si Vincent...

Davin: Naks! Sana all pinagmamasdan.

Vincent at Abby: Ha...

*nagkatiningnan ang tatlo...

Davin: Tol, lalo ka bang gumwapo ngayon?

Vincent: Anong ibig mong sabihin.

Davin: Lakas kasi ng tama ni Abby sa'yo eh. Kanina ka pa nya siguro pinagmamasdan.

Vincent: Ha? Abby, may problema ba?

Abby: Ah...Wala Wala. Pasensya na kayo. Mamaya ko nalang tapusin dito. Salamat.

*nagmamadaling umakyat si Abby sa taas...

Vincent: Teka sandali...

*di na sya narinig ni Abby...

Vincent: Nagsisinungaling ka naman eh.

Davin: Nagsisinungaling ka dyan. Kitang-kita ng dalawang mga mata ko eh. Parang kakainin ka na nya sa sobrang titig.

Vincent: Loko. Saan ka nga pala galing?

Davin: Wala. Namasyal-masyal lang ako. Oo nga pala tol. Natandaan mo ba si Ma'am Rachel na nagtrain sa atin dati?

Vincent: Oo. Bakit? Ano naman ang tungkol sa kanya?

Davin: Dadating daw sya ngayon galing sa airport.

Vincent: Talaga? Edi good.

Davin: Di ka ba masaya dude na uuwi na sya?

Vincent: Masaya naman. Pero magagalit yun sa akin.

Davin: Bakit naman?

Vincent: Dahil pinabayaan ko kayo.

Davin: Tol naman. Sinisisi mo pa ba ang sarili mo dahil sa nangyari?

Vincent: Tol naman. Di naman pwede na di ako magsisi. Ang dami kong binigo dahil sa ginawa ko. Pati kayo binigo ko rin. Sana sikat na tayo ngayon. Pero inuna ko talaga ang katangahan ko.

Davin: Tol, okay lang yan. Paulit-ulit mo yang sasabihin sa amin at paulit-ulit ko din itong sasabihin sa'yo. Hindi ka namin sinisisi tol. Mahal ka namin. Magtropapits nga tayo diba? Kaya tama na yan okay? Para kang bata.

Vincent: Salamat tol ha? Maaasahan ka talaga.

Davin: You're welcome tol.

*habang si Abby naman ay pumasok sa isang kwarto at sinira nang mabilis ang pinto...

Abby: Whoo jusko. Bwiset yun. Inakalain pa na may crush ako sa kanya. Ano nalang sasabihin ng ibang tao nun sa akin? Na ang taas-taas ng pangarap ko? Pati yung taong imposible naman maging akin aangkinin ko pa?

*may tumawag sa phone ni Abby...

Abby: Pabigat ka lang sa mga problema ko Kuya eh.

*sinagot ni Abby ang tawag...

*sa phone

Abby: Oh bakit?

Zach: Abby, Abby. Nasa apartment ka pa ba?

Abby: Oo. Bakit? May ginagawa pa ako dito bakit?

Zach: Pwede ka bang makapunta dito sa airport saglit?

Abby: Bakit? Langhiya ka. Bakit naman?

Zach: Eh kasi nalimutan ko yung singsing na ibibigay ko sana kay Rachel eh. Nawaglit ko sa kama ko. Pwede pakidala dito sa akin? Saglit lang talaga kasi padating na sya eh.

Abby: Lunukin mo yang singsing mo. Hinding-hindi ko yun ihatid para sa'yo.

Zach: Ah ganun ha? Walang chocolate galing kay Ate Rachel mo ha?

Abby: Ah. Sandali lang kuya. Papunta na ako dyan. Sa kama mo, diba? Bye.

*binaba na ni Abby ang cellphone nito  at nagmamadaling bumaba sa hagdan upang umuwi sa kanilang bahay nang nagkasalubong sila ni Vincent...

Vincent: Oh, saan ka pupunta?

Abby: Kailangan ko lang talagang umuwi. Importante na kasi eh.

Vincent: Ayoko.

Abby: Ha?

Vincent: Hindi ka pa tapos maglinis dito tapos meron ka pang hindi natatapos dyan sa baba. Kaya ibig sabihin wag ka munang umalis.

Abby: Grabe ka. Importante naman talaga yun eh.

Vincent: Bakit? Ano pa ba ang mas importanteng bagay na gagawin mo kaysa sa trabaho mo dito ha?

Abby: MAY REGLA AKO!!!

*nagulat ang apat na boys sa lahat ng sulok ng bahay dahil sa sigaw ni Abby. Nagulat naman si Vincent sa narinig...

Vincent: Ah ganun ba?

Abby: Bakit ha? May sanitary napkins ka ba ha?

Vincent: Wala. Sige na. Umalis ka na. You're free.

*umalis na si Abby. Saka naman pinuntahan nina Davin at Ferdie si Vincent...

Davin: Legit yun? Sinabihan ka nya na may regla sya?

Ferdie: Bakit? Ano na naman ba ang iniisip mo ha?

Davin: Wala. Ito kasi si Vincent eh.

Vincent: Ako? Eh hindi ko naman alam na nagmamadali na yung tao eh.

*pagdating ni Abby sa kwarto ni Zach...

Abby: Hayst kakahiya talaga yung excuse ko. Bakit ko pa ba sinabi yun sa harap nya? Sinigawan ko pa tuloy. Ah basta ewan ah. Kailangan kong mahanap ang singsing na yun.

*scinan ni Abby ang buong kwarto ng Kuya nya Zach at...

Abby: Sa wakas...

*hinablot na ni Abby ang singsing mula sa kama ni Kuya nya at nagmamadaling pumunta ng airport upang ibigay ito sa Kuya nya. Di nya namalayang nakita pala sya nito ni Vincent na umalis...

Vincent: Davin?

Davin: Ha?

Vincent: Ihanda mo ang sasakyan. May pupuntahan tayo saglit.

Davin: Ano? Pupuntahan na natin si Ma'am Rachel?

Vincent: Sort of. Tara na.

Davin: Sure.

*inihanda na ni Davin ang sasakyan at umalis na sila ni Vincent papuntang airport...

BOYFRIENDS NEXT DOORWhere stories live. Discover now