*sa higaan ni Vincent, habang kinapa ni Frits ang higaan nito...
*sa tawag
FRITS:
What the..hindi dito nakatulog si Vincent kagabi?DAVIN:
What? Paano mo nasabi?FRITS:
Malamig yung higaan nya eh.DAVIN:
Hala.*sa kusina, habang nagtitimpla ng kape si Ferdie at nakaupo sa mesa si Davin, may kumatok sa kanilang pintuan...
Ferdie: Sino yun? Ang aga-aga ah.
Davin: Ako na ang magbubukas.
Ferdie: Sige.
*saka na pinuntahan ni Davin ang pinto at binukas. Pagbukas nya...
Davin: Oh, Kuya Zach.
Zach: Nasaan ang kapatid ko?
Davin: Kapatid mo? Si Abby?
Zach: Oo. Sino pa nga ba?
*saka na dumating si Ferdie sa eksena ng dalawa...
Ferdie: Kuya anong ibig mong sabihin?
Zach: Hindi nakauwi ang kapatid ko kagabi. Alam kong sa inyo lang sya huling pumunta kahapon. Hindi ugali ng kapatid ko na hindi umuwi sa bahay. Hindi sya natutong magsleep-over sa bahay ng iba. Kaya sabihin nyo sa akin kung nasaan sya kasi kung hindi ko pa sya makita mamaya, hahalungkatin ko talaga yang apartment nyo.
Ferdie: Wala kaming alam kung asan sya, pero ipapaalam namin kaagad sa'yo kapag nakita na namin sya.
Zach: Siguraduhin nyo lang.
Ferdie: Opo Kuya.
*saka na umalis si Zach at sumakay sa kanyang sasakyan at humarurot na paalis. Habang sina Ferdie at Davin naman...
Davin: Ano? Hindi rin nakauwi si Abby kagabi? Hala ano kaya ang nangyari sa dalawang yun? Bakit hindi man lang sila nagpaalam sa atin na aalis sila?
Ferdie: Sige. Baka malamig na ang kape ko eh. Aalis na ako.
*saka na umalis si Ferdie at binalikan ang kape nya...
Davin: Tol ano ka ba? Hindi pa nga ako tapos magsalita dito oh.
*hindi na sya narinig ni Ferdie at tuluyan na itong nakalayo. Habang si Davin naman...
Davin: Anyare dun?..
*sa secret room, nakasandal si Abby sa balikat ni Vincent at si Vincent naman ay nakasandal sa mesa habang natutulog sila na nakaupo sa sahig. Nang naunang magising si Abby, napatingin sya sa natutulog na si Vincent at napaisip...
(ABBY POV: Di ko akalain na ikaw na pala itong kaharap ko. Pinagtagpo pala tayo ulit nang hindi ko namamalayan. Bakit ba kasi ang tanga-tanga ko? Pero di bale na. Ngayon alam ko na ang totoong nangyari sa'yo, hinding-hindi na kita hahayaan pa na mag-isa. Andito na ako kapag kailangan mo ako palagi. Pupuntahan kita kaagad kung kailangan mo ako. Hinding-hindi na tayo maghihiwalay. Pangako yan...)
*saka na napamulat ng mata si Vincent at napasandal ulit at nagtulog-tulugan si Abby sa balikat ni Vincent. Nang napalingon si Vincent kay Abby...
Vincent: Wow. Ako lang ba o may naririnig akong nagsasalita dito kanina?
*nang hindi pa rin kumikibo si Abby ay kiniliti ni Vincent ang ilong ni Abby hanggang maya-maya...
Abby: Ugh...ano ba...
Vincent: Kunwari ka pang tulog dyan eh sumandal ka lang ulit sa akin eh. Ang sakit kaya ng balikat ko.
Abby: Wow. Edi ikaw na yung masakit ang balikat.
*saka naman napangisi si Vincent kay Abby. Maya-maya...
Vincent: You know, I really would remember this forever. The day that you finally remembered me, in my grandfather's secret room, in just one night.
Abby: Forever ka dyan. Baka forever tayong mastuck dito oh.
Vincent: Ok lang. At least I am stuck here with you, and I'm fine with it.
Abby: Oo. Fine ka nga dyan. Pero yung Kuya ko naman ang hindi.
*sa office ni Zach, habang sinasapo nya ang kanyang ulo nang dahil sa pagkawala ng kanyang kapatid, pinuntahan sya ni Rachel upang kamustahin...
Rachel: Hi baby. Have you had lunch yet?
Zach: Wala pa. Wala akong gana.
Rachel: Ha? Bakit naman?
Zach: Hindi kasi umuwi si Abby kagabi eh. Nag-aalala na ako baka kung ano na ang nangyari sa kanya.
Rachel: Bakit? Saan ba sya huling pumunta kahapon?
Zach: Nagduty lang naman sya dun sa apartment kahapon. Yun lang. Doon ko na sya huling nakita kahapon.
Rachel: Ah. Tumawag nga din sa akin yung mga bata kanina. Nawawala din kasi si Vincent eh hindi nila mahanap.
Zach: Ano? Anong sabi mo?
*saka na umupo si Rachel sa mesa ni Zach at hinimas-himas ang likod ni Zach...
Rachel: Tumawag din kasi sa akin sina Frits kanina. Nag-aalala na din sila para kay Vincent eh. Kahapon din nila huling nakita si Vincent.
Zach: Oh.
Rachel: Zach, I think it's time for you to know how strong Vincent and Abby's connection was.
Zach: All of a sudden?
Rachel: You see, alam kong iniisip mo na baka magkasama silang dalawa ni Vincent ngayon.
Zach: Hindi ko iniisip yan.
Rachel: Kahit hindi mo sabihin sa akin yan. Alam ko na ganyan ang iniisip mo ngayon. Kilala kita, Zach. Wag kang mag-alala. Hinding-hindi papabayaan ni Vincent si Abby.
Zach: Paano ka naman nakakasigurado?
Rachel: There I'll tell you. Pero first, kumain ka muna. Hindi magugustuhan ni Abby kapag nagpapalipas ka ng gutom.
Zach: Ok. Let's go.
Rachel: Sige.
*saka na umalis sina Zach at Rachel na magkaakbay upang mananghalian sa cafeteria ng opisina ni Zach...
PS: The story is fictional and nothing of this happened in real life. If any of this happened in real life, this is unintentional and it was just a coincidence.
YOU ARE READING
BOYFRIENDS NEXT DOOR
Chick-LitCast of Characters: Vincent Abby Ferdie Frits Davin Supporting Characters: Corinne Zach Manager France Rachel Zei Mina PROLOGUE: A 21-year old Abby, is a very lazy lady. Her mom Corinne and her older brother Zach always scolds her for being so lazy...