CHAPTER 42: FAMILY UNITED

0 0 0
                                    

*****CONTINUE FLASHBACK*****

*sa hapagkainan, habang kumakain ng hapunan ang mag-anak nina Corinne at Zach...

Lola ni Bensoy: Kumain pa kayo dyan. Eto at naghanda pa ako para sa inyo.

Corinne: Naku. Nag-abala pa po kayo. Kumain na din po kayo oh.

Lola ni Bensoy: Naku. Wag nyo na kaming intindihin at kumain na kami. Damihan nyo pa ng kain.

Lolo ni Bensoy: Hindi na yan mauubos ng dalawa. Wag mo nang dagdagan pa ang pagkain nila. Tingnan mo at dalawa lang sila na kumakain. Tingin mo hindi puputok ang tyan ng mga yan kapag nasobrahan sa kain ha?

Lola ni Bensoy: Eto naman. Hindi mo kasi naiintindihan eh. Palagi akong tinutulungan ng magandang ginang na ito sa pamimili sa palengke. Kasi bukod sa hindi ko pinapatulong si Bensoy sa pagbubuhat ng mga pinamili ko eh puro ka lang din naman reklamo pag sinasama kita sa palengke. Pasalamat pa nga ako kasi naging kapitbahay ko to eh dahil kung sa ibang ruta pa ito dumadaan, eh aba ewan ko nalang sa mga pinamkli ko na maiiwan nalang sa daan...

*napatawa naman ng bahagya sina Corinne at Zach sa sinabi ng matanda...

Lola ni Bensoy: Kaya kumain pa kato ng madami. Wag nyo nang pansinin ang magaling kong asawa na yan at kumain pa kayo ng madami. Walang uuwing gutom ngayon, okay?

Corinne/Zach: Okay po Lola.

Lola ni Bensoy: Good.

*saka naman ngumiti ang matanda at napatawa nalang ang dalawa habang masayang kumakain sa hapag-kainan. Habang sina Bensoy at Abby naman na naghihintay sa kanila sa sofa...

Bensoy: Grabe sila. Matagal na pala silang magkakilala eh wala man lang silang pasabi sa atin.

Abby: Oo nga. Akala ko nga eh susugurin na kanina ni mama yung lola mo kanina at susumbatan eh kasi nakita nya na andito ako sa into at gabi na pero hindi pa rin ako umuuwi.

Bensoy: Oo nga eh hahaha.

*saka na sila muling nakinig sa usapan sa may hapag-kainan. Sa hapag-kainan naman...

Corinne: Hay salamat at tapos na rin.

Lola ni Bensoy: Dagdag pa kayo?

Zach: Naku hindi na po Lola. Busog na po kami.

Lolo ni Bensoy: Jusko...

Lola ni Bensoy: Nagbibiro lang naman ako eh. Joke lang...

Zach: Ah hahaha hindi ko pala alam Lola na mahilig po kayong magbiro hihihi.

Corinne: Naku pagpasensyahan nyo na po ang anak ko dahil sa pamamalagi nya dito. Ewan ko talaga kunv ano ang pumasok sa kokote ng batang yan at naparitk oa sya at di na naisipan pa na umuwi ng maaga.

Lola ni Bensoy: Alam mo, kanina pa namalagi dito ang anak mo.

Corinne: Ano? Totoo ba yun Lola?

Lola ni Bensoy: Oo. Totoo yun.

Corinne: Kita mo lang yung batang yun. Natuto nang maglakwatsa sa murang edad. Naku mapapagalitan ko talaga ng husto yun mamaya. Grabe...

Lola ni Bensoy: Eto naman. Wag mo namang pagalitan ang bata. Pasalamat nga ako at may nakakasama na kaibigan itong apo kong si Bensoy sa bahay eh. Alam nyo ba, ngayon lang yan nagdala ng kaibigan dito sa bahay namin ang apo kong si Bensoy? Palagi kasi syang binubuyo ng ibang bata dyan sa kanto eh kaya tuwang-tuwa talaga ako at nagkaroon na din sya sa wakas ng isang kaibigan.

Corinne: Po? Ano po ang ibig nyong sabihin?

Lola ni Bensoy: Eto kasi ang nangyari sa kanilang dalawa kanina. Ang sabi nila kasi sa akin, binubuyo daw yung anak mo ng mga batang nambubuyo din sa apo ko. Nang dahil daw sa sobrang...katabaan. Sorry kung na-offend kita if ever.

Corinne: Ok lang po. Naiintindihan ko po.

Lola ni Bensoy: Tapos nakita daw nv apo ko na pinagtutulungan nila ang anak mo, kaya nilapitan nya ito at ipinagtangg. Pinagtawanan pa nga daw sila eh, kasi yung apo ko daw ang night...night...ano nga yun ulit?

Lolo ni Bensoy: Knight-in-shining-armor...

Lola ni Bensoy: Ah yun. Knight-in-shining-armor. Tama ako noh?

Lolo ni Bensoy: Oo.

Lola ni Bensoy: So yun nga. Hihihi tapos eh ano naman ang laban ng apo ko dun eh ang dadami nila tapos ang lalaki pa ng mga katawan nila? Eh yung apo ko matapang nga naman, pero kulang kang naman sa pisikal na katangian?

*habang sina Bensoy at Abby naman na nakikinig pa rin sa kanila sa sofa...

Bensoy: Wow. Puring-puri ako ni Loal dun ah. Grabe...

Abby: Pero in fairness ah, detalyadong-detalyado talaga ang pagkakakwento mo ng nangyari sa atin kay Lola mo. Humanga ako dun sa'yo sa totoo lang.

Bensoy: Sus. Dapat lang na humanga ka sa ginawa ko. Ang hirap kaya magtapat kay Lola ng nangyari with a straight face and a calm heart.

Abby: Sus. Nagmamayabang ka lang eh.

Bensoy: Hindi noh. Teka lang. Bakit ba palagi nalang ang tingin nyo sa aming mga lalaki puro mayabang ha? Pare-preho lang ba ang lahat ng mga lalaki para sa inyo? May kuya ka din ha?

Abby: Kaya nga. Pare-preho naman talaga kayo eh. Parehong mayabang.

*saka naman napatawa ng malakas si Abby habang hawak-hawak nya pa ang tyan nya pero inirapan nalang sya nito at nagpatuloy nalang si Bensoy sa pakikinig sa usapan sa kainan...

*****PAUSE FLASHBACK*****

PS: The story is fictional and nothing of this happened in real life. If any of this happened in real life, this is unintentional and it was just a coincidence.

BOYFRIENDS NEXT DOORWhere stories live. Discover now