CHAPTER 24: INTRODUCTION TO HOTTIES

1 0 0
                                    

*sa kwarto ni Rachel, habang nagtatawagan sina Abby at Mina...

*sa tawag

ABBY:
Hotties ka dyan. Hotties lang naman sa mukha yan eh.

MINA:
Hey! Balita ko daw masaya ang trabaho mo sa kanila ha? Baka Bess. Baka i-sideline mo naman ako dyan oh. Wala na din akong money, honey eh.

ABBY:
Sideline ka dyan. Eh pasalamat ka nga na anak ka ng isang event organizer eh. Buti ka pa. May money kaya ang mga parents mo. Ms. Anak ng Businessman at Event Organizer.

MINA:
Hey! Ayaw ko naman na palaging sumandal sa kanila in case of money diba? Gusto ko ding magkatrabaho na ako din. Yung nag-eeffort ako.

ABBY:
Tss. Gusto mo lang na makasama sila sa iisang bubong eh.

MINA:
So what is it like ha? Na magtrabaho sa kanila. For sure, naglalaway ka din kapag makita mo sila na nakatopless eh noh?

ABBY:
Yuck! Eh hindi ko pa naman sila nakita na nakatopless eh. At bakit magkakainteres ako dun sa kanila ha? Hindi ako interesado sa mga katawan nila eh noh?

MINA:
Tss. Asa ka pa. Eh babae ka din naman eh. Hindi naman natin mapipigilan ang paghanga natin sa mga gwapong lalaki na yan eh.

ABBY:
Tss. Tumigil ka na nga. Andito ako sa lamay baka mahawaan pa ako ng kalandian mo. Matawanan ko pa ang patay.

MINA:
Ha? Ano ang ibig mong sabihin? Sinong namatay ha? Ano? Yung isang member ng hotties na yun, namatay na kaagad? Bakit? Ano ang sakit nya ha? Bakit?

ABBY:
Tumahimik ka nga. Hindi sila ang namatay noh? Baliw ka talaga.

MINA:
Good. Good. Eh sino ang namatay?

ABBY:
Kilala mo yung jowa ni Kuya Zach na si Ate Rachel?

MINA:
Ah. Yung junior ni mama na event organizer din? Oo. Kilala ko sya. Bakit?

ABBY:
Yung papa nya kasi ang namatay eh.

MINA:
Hayst kawawa naman sya. Sige sasabihan ko si mama na pupunta kami dyan.

ABBY:
Sige. Isama mo ako ha? Sunduin mo ako sa bahay.

MINA:
Sure. I'll tell you the date soon.

ABBY:
Sure.

MINA:
At tsaka...

ABBY:
Ha?

MINA:
Yung mga hotties...

ABBY:
Ayan ka na naman...

MINA:
Ipakilala mo naman ako sa kanila plz. Kahit konting introduction lang.

ABBY:
Hayst hindi ba naman kita matatanggihan...

MINA:
Yes, baby. I like it!

ABBY:
Pero pumili ka beh, ipapakilala ko sila sa'yo ng personal o bibigyan kita ng introduction tungkol sa kanila pero hindi ko na sila ipapakilala sa'yo ng personal?

MINA:
Ang harsh mo naman beh. Pwede both beh?

ABBY:
Please lang bessy, andami-dami ko nang gawain sa kanila tapos dadagdagan mo pa nang dahil sa kalandian mo ha?

MINA:
Abby naman. Parang hindi tayo magkaibigan eh. Hayst...Sige nalang. Konting introduction nalang. Kahit wala na kita-kits ng personalan. Hay naku..

ABBY:
Good. Here I start.

MINA:
Oo na. Start na.

*agad na dumungaw si Abby sa bintana, dahilan upang makita nya sina Vincent na naglalaro sa baba...

*sa tawag

ABBY:
Etong mga apat na lalaking ito. Sila ang umuupa sa apartment namin. Apat silang lalaki and I must say, napakaangas ng dating nila. Magsisimula ako sa leader nila. Si Vincent. Ewan ko nga kung bakit may leader sila eh. Baka mga gangster sila siguro, I think.

MINA:
Hey! Sa mga mala-anghel na mukha nila, pagsususpetsahan mo sila na gangsters? Sigurado ako, nagkakamali ka dyan sa inaakala mo. As in!

ABBY:
Malay ko ba. Hindi naman lahat ng maamong mukha ay hindi gangsters diba?

MINA:
Ah. Sa bagay tama ka.

ABBY:
Si Vincent ang pinakabipolar sa lahat. Sa umpisa, he will act like a cold person kung hindi pa kayo lubos na magkakilala. Pero pag magkaibigan na kayo, para syang bata na nagpapakipot kung pagbibigyan mo sya at nagtatantrums naman kapag ginagalit sya. But I must say, he is a very caring person.

MINA:
Aww. So sweet...

ABBY:
Si Ferdie naman, sya naman yung una kong naging close sa grupo. Why? Because he is a very helpful person. And he is a great dancer as well. Jusko naman. Para syang si Kai ng EXO kung sumayaw. Nuot na nuot sa mata beh.

MINA:
Sheda. Parang naiimagine ko palang ay parang nalulusaw na ako sa kilig beh. Sige lang beh. Magpatuloy ka pa.

ABBY:
Eto namang dalawang to, para silang ChanBaek ng EXO beh. Sina Davin at Frits. Si Davin, I don't know a lot about him pero sheda. Parang manyak kung makatingin sa mga babae. Eto chick magnet siguro to eh. Buti nalang at hindi nya ako napapagdiskitahan. At ang partner nya namang si Frits. Wow! A great serenader indeed. Naririnig ko sya palagi sa kanyang kwarto. Gumagawa sya ng mga kanta. At napakagaling pang tumugtog ng iba't-ibang instruments.

MINA:
Wow! Ang galing naman huhuhu...

ABBY:
Ayan na ha? Wag mo na akong susubukan pa na lapitan ako ng personal tungkol sa mga lalaking yan ha? Kung hindi kakalimutan ko nalang talaga na naging magkaibigan tayo.

MINA:
Thank you bessy. I love you so much uwu. Goodbye my bessy. Mwah³

*agad na pinatay ni Mina ang tawag...

Abby: Aba bwiset yun. Yun talaga ang tinawag nya sa akin.

*nagmasid-masid sya sa paligid ng kwarto ni Rachel...

Abby: Malibot nga itong buong kwarto ni Ate Rachel...

*saka na naglibot-libot si Abby sa kwarto ni Rachel...

PS: The story is fictional and nothing of this happened in real life. If any of this happened in real life, this is unintentional and it was just a coincidence.

BOYFRIENDS NEXT DOORWhere stories live. Discover now