*sa labas ng agency, habang papalabas na ang apat kasama ang kanilang manager...
Ferdie: Thank you talaga Manager ha? Kasi ginawan mo talaga ng paraan upang pagbigyan kami ni CEO ulit ng isa pang pagkakataon upang itama ang mga pagkakamali namin.
Manager: Basta ha? Wag na kayong gumawa pa ng iba pang kabulastugan. Minsan lang maging mabait si CEO sa atin kaya wag nyo syang abusuhin. Lalo ka na Vincent. Well in fairness, masyado kang mabait kanina ha? Are you trying to be cool or something?
Vincent: Bakit ko naman gagawin yun, kung kahit wala pa naman akong ginagawa eh cool na ako?
Frits: Eww hahaha.
Davin: Kadiri ka tol.
Vincent: Kadiri nyo mukha nyo.
Manager: Vincent...
Vincent: Oo Manager. Wag kayong mag-alala. Hindi ko na uulitin yung ginawa ko nung nakaraan.
Manager: Sige. Aalis na ako. Madami pa akong aasikasuhin. Sigurado ba kayo na kaya nyo na ang mga sarili nyo? Baka magkaroon kayo ng exposure ulit.
Ferdie: Don't worry, Manager. Kaya na namin ang mga sarili namin.
Frits: Mag-iingat naman po kami eh.
Manager: Sige. Ingat kayo ha?
Davin: Sige. Salamat po, Manager.
*saka na sumakay sa sasakyan ang kanilang manager at tuluyan nang umalis sa agency. Habang ang apat naman...
Davin: Oh sige. Magcelebrate na tayo.
Vincent: Pass muna ako.
Frits: Bakit?
Vincent: Medyo masama ang pakiramdam ko eh.
Ferdie: Eh patingin nga.
*saka naman idinampi ni Ferdie ang kamay nya sa ulo at leeg ni Vincent...
Ferdie: Tol, mainit ka nga. Magpahinga ka na muna sa bahay.
Frits: Eh kaso baka hindi pa tapos si cleaning lady dun na maglinis.
Ferdie: Eh mabuti nang matingnan natin. Tol, gusto mo samahan na kita pauwi?
Vincent: Oo. Kaya ko. Pakitawagan nyo nalang ako ng cab. Medyo masama na talaga ang pakiramdam ko eh.
Davin: At tsaka andun naman si cleaning lady eh. Sigurado akong aalagaan sya ni cleaning lady dun sa apartment.
(FERDIE POV: Yun nga ang inaalala ko eh...)
Vincent: Oo. Konting pahinga lang siguro at gamot ang kailangan ko. Sigurado gagaling na ako bukas.
Ferdie: Sige. Mag-iingat ka tol ha? Davin, pakitawagan muna sya ng cab. Ako na ang magbabayad sa kanya.
Davin: Sige. Taxi!
*pagpara ni Davin ng isang taxi ay huminto kaagad ang isang taxi sa harapan nila. Agad na binuksan ni Frits ang pinto sa likod at inalalayan nilang dalawa ni Ferdie si Vincent na ngayon ay hinang-hina na. Habang nag-aalalay silang dalawa...
Ferdie: Dahan-dahan...dahan-dahan...yan...
*nakaupo na kaagad si Vincent sa upuan at napasandal nalang sa salamin ng taxi sa sobrang hina nya. Habang si Ferdie naman na kausap ngayon ang taxi driver...
Ferdie: Sa may Villeza Subdivision lang po sya. Apartment No. 13 po. Masama po kasi ang pakiramdam nya eh.
Taxi Driver: Sige po sir.
*agad na iniabot ni Ferdie ang bayad sa taxi driver...
Ferdie: Medyo pakihinaan din po sana yung aircon nyo kasi baka po mas lalo po syang mahilo pag nagkataon eh.
Taxi Driver: Sige po sir.
Ferdie: Ingat ka tol ha?
Vincent: Sige. Thank you.
Frits: Ingat ka par.
Davin: Sana makauwi ka sa atin ng ligtas.
Vincent: Sige. Ingat din kayo.
Ferdie: Sige.
*saka na umalis ang taxi na lulan nina Vincent habang ang tatlo naman ay naghanap na rin ng masasakyan papuntang mall upang magcelebrate ng kanilang nalalapit na comeback. Pagdating ng taxi sa apartment, dahan-dahang bumaba si Vincent sa taxi. Parang hindi pa sya makalakad ng maayos kaya naman bumaba ng kotse ang taxi driver upang sundan sana ito pero...
Vincent: Hindi na kuya okay lang ako.
Taxi driver: May kasama po kayo ba dyan sa loob? Baka kasi mapaano kayo dyan kapag wala kayong kasama dyan sa loob eh.
Vincent: Oo. Meron. Mamaya ay lalabas din yan. Sige manong ha? Thank you talaga sa paghahatid.
Taxi driver: You're welcome.
*saka na umalis ang driver ng taxi lulan ang taxi nito. Habang si Vincent naman ay kahit na paika-ika na sya kung maglalakad ay sinusubok nya pa rin na mapaupo man lang sa sofa ng sala nila. Habang si Abby naman, nang may maramdaman sya na may tao na dumating...
(ABBY POV: Hala. Baka andyan na sila. Jusko hindi na pwedeng makita na andito ako...)
*saka naman nagmamadali si Abby na umalis sa secret room at kinuha nya ang kanyang sweater sa wooden coat rack na sya namang pagkasara ng pader. Nang dumating na sya sa sala ay nakita nya si Vincent na hinang-hina na nakahiga sa sofa...
Abby: Yah. Hindi ka man lang ba makaakyat sa kwarto mo bago ka makapagpahinga ha?
*maya-maya ay inilahad naman ni Vincent ang dalawang kamay nya kay Abby na sya namang ikinagulat nito...
Abby: Yah. Bakit?
Vincent: Gamutin mo ako.
Abby: Ha?
Vincent: Nilalagnat ata ako eh. Pwede bang gamutin mo na ako?
*napabuntong-hininga nalang si Abby sa sitwasyon ni Vincent ngayon...
PS: The story is fictional and nothing of this happened in real life. If any of this happened in real life, this is unintentional and it was just a coincidence.
YOU ARE READING
BOYFRIENDS NEXT DOOR
ChickLitCast of Characters: Vincent Abby Ferdie Frits Davin Supporting Characters: Corinne Zach Manager France Rachel Zei Mina PROLOGUE: A 21-year old Abby, is a very lazy lady. Her mom Corinne and her older brother Zach always scolds her for being so lazy...