*kinabukasan, habang papunta na si Abby sa apartment...
(ABBY POV: Hayst I need to see it for myself. Kailangang bantayan ko ang mga galaw nila, gestures nila lahat na. May makuha lang talaga akong pruweba na dati sila isang boyband...)
*habang papunta na si Abby sa kanyang apartment ay may nakasalubong syang mga estudyanteng fangirls na may dala-dalag merch at nagmamadali...
"Tara na baka mahuli na tayo..."
"Hayst gusto ko pa naman makita si Wonho oppa sa front row..."
"Tara na at baka maubusan pa tayo ng upuan doon dali!"
"Make sure to get good seats guys ha? At para naman makapagpicture tayo ng malinaw..."
"Sure, sure, sure..."
"Ang mga banners ba dala-dala nyo na? Ang mga lightsticks nyo..."
"Eto na dala-dala na namin..."
"Sige. Tara na..."
"Sige..."
*hindi na narinig ni Abby ang usapan ng mga babae dahil nakalayo na ito sa kanya. Napaisip sya...
(ABBY POV: Ano nga yun? Oppa? Merch? Banners? VIP? Good seats? Teka kailangan ko muna itong ma-finalize sa isip ko bago ko sila...)
"Yah Abby! Ano pa ang ginagawa mo dyan?"
*paglingon ni Abby sa nagsalita...
(ABBY POV: Si Davin...)
Davin: Pumunta ka na dito at baka masagasaan ka pa ng mga sasakyan dyan.
Abby: Sige.
(ABBY POV: Hayst hindi pa nga ako ready eh...)
*magsisimula na sanang maglakad si Abby pero hindi nya nahawakan ng maayos ang mga cleaning materials na dala nya kaya nagsibagsakan ito lahat sa lupa. Agad naman syang nilapitan ni Davin at tinulungan sya na pulutin ang mga gamit nya...
Abby: Akin na yan. Kaya ko naman lahat ng yan eh.
Davin: No. Ihahatid na kita doon sa loob bago kita iwanan.
Abby: Hindi. Okay lang talaga promise.
Davin: Yah! Just do as I say okay? Boss mo din ako eh. Wag ka ngang ganyan.
Abby: Ok po boss.
Davin: Good.
*saka na binuhat ni Davin ang halos lahat ng cleaning materials na dala ni Abby patungo sa loob ng apartment. Habang sumusunod naman sa kanya si Abby na may dala pa rin cleaning materials. Habang paakyat na sila sa hagdan ng kanilang apartment...
Davin: Bakit ba kasi dinadala mo pa rin to lahat-lahat papunta dito kung pwede mo lang din namang iwanan dito ang iba?
Abby: Ginagamit din namin tong lahat bilang panglinis din sa aming bagay kasi wala kayong panglinis din dito sa apartment eh. Ayy sorry nasabi ko tuloy.
Davin: Ok lang. Pagsasabihan ko din naman sina Vincent na bumili ng cleaning materials din namin dito at para di ka na mahirapan na magdala nito dito ng paulit-ulit. Ok na ba sa'yo yun?
Abby: Ok lang po yun. Pasensya na po at nasabi ko pa po sa inyo. Nakakahiya naman po sa inyo.
Davin: Hindi. Okay lang. At least alam na namin ang problema ng prinsesa namin dito. Kung may problema ka, wag kang mag-atubili na magsabi sa amin ha? Kahit sino lang sa amin. At para hindi ka namin mapahirapan dito okay?
Abby: Okay.
*nang nakapasok na sila sa apartment ay inilatag na ni Davin ang mga cleaning materials ni Abby sa sulok...
Davin: Eto na. Pwede ka nang maglinis.
Abby: Thank you, oppa.
*at nagsimula nang magtatakbo patungo sa kusina si Abby. Habang si Davin naman...
(DAVIN POV: Oppa? Ibig sabihin gusto nya ako? Wow...This woman really is...hay naku...)
*pagdating ni Abby sa kusina ay napabuntong-hininga agad ito na para bang nawalan sya bigla ng energy at napasandal pa sya sa mesa sa sobrang pagkadismaya...
(ABBY POV: Hayst lupa lamunin mo na nga ako ngayon. Hay naku...pero nakita ko nga ba ang reaksyon nya kanina pagtawag ko sa kanya ng oppa? Siguro gulat na gulat sya. Baka hindi na maguhit ang kanyang mukha sa sobrang gulat hahaha...First step succeeded...)
"Yah anong inaasta-asta mo dyan?"
Abby: Ayy jusko!!
*nagulat si Abby sa biglang pagsalita ni Vincent na nasa ref lang pala at kumukuha ng tubig...
Abby: Yah! Hindi ko pala alam na andyan ka.
Vincent: Bakit? Kailangan ko bang magpaalam sa'yo ha?
Abby: Pero...bakit ka naman sumusulpot ng biglaan? Hihimatayin ako kaagad sa'yo eh.
Vincent: Wow. Hihimatayin talaga? As in?
Abby: Oo naman. Yah. Bakit nga pala ako nakikipag-usap sa'yo? Eh diba hindi tayo good terms nang huli tayong nag-usap?
Vincent: Hindi nga. Pero di ko mapigilan na pansinin ka eh. Lalo na kapag weird ang inaasta mo.
(ABBY POV: Weird ka dyan? Kayo nga ang weird eh...)
Abby: Um...pwede ka bang matanong saglit?
Vincent: Maglinis ka nalang.
Abby: Yah. Isang tanong lang naman eh.
Vincent: Ano yun?
*bigla namang humarap si Vincent kay Abby...
Vincent: Ano ang gusto mong itanong sa akin?
(ABBY POV: Tingnan mo oh. Para lang syang bata kung umasta...)
Abby: Um Vincent?
Vincent: Ha?
Abby: May kilala ka ba na boyband na muntikan nang sumikat pero nadisband ng maaga?
Vincent: Ha?
(VINCENT POV: Paano mo nalaman...)
PS: The story is fictional and nothing of this happened in real life. If any of this happened in real life, this is unintentional and it was just a coincidence.
YOU ARE READING
BOYFRIENDS NEXT DOOR
ЧиклитCast of Characters: Vincent Abby Ferdie Frits Davin Supporting Characters: Corinne Zach Manager France Rachel Zei Mina PROLOGUE: A 21-year old Abby, is a very lazy lady. Her mom Corinne and her older brother Zach always scolds her for being so lazy...