CHAPTER 15: THE GRIEF

0 0 0
                                    

*pagdating ng apat sa lugar nina Rachel ay bumaba na sila sa kotse at tinulungan Nina Zach at Vincent si Rachel na magbaba ng mga gamit...

"Luh! Si Ate Rachel nyo andito na..."

"Yehey!"

*nagsilabasan ang mga tao at ang pamilya ni Rachel upang salubungin si Rachel...

Nanay ni Rachel: Naku, anak. Namiss talaga kita.

Rachel: Mama...

*napayakap si Rachel sa nanay nito...

Zei: Sister...

Rachel: Oh, sis. What's up?

*napayakap si Rachel sa kapatid nitong si Zei...

Rachel: Nasaan si papa, ma?

Nanay ni Rachel: Pasensya ka na talaga, anak. Hindi na sya makatayo dahil nagkakomplikasyon na yung paa nya dahil sa diabetes.

Rachel: Ano po?

*agad na pinuntahan ni Rachel ang tatay nito na nakaratay nalang sa kanilang sofa. Sinundan naman sya ng mga tao at ng nanay nito. Pagdating ni Rachel sa loob ng kanilang bahay...

Rachel: Papa? Papa, andito na ako.

*napaiyak nalang at lumapit sa kanyang ama si Rachel. Ang kanyang ama ay nabulag na at naputol na ang isang paa dahil sa sakit nito na diabetes. Umiiyak si Rachel habang yakap-yakap ang ama nito. Kinapa naman ng kanyang ama si Rachel...

Ama ni Rachel: Rachel...Rachel anak...

Rachel: Papa. Papa, andito na ako. Si Rachel. Diba ang sabi mo sa akin masisilayan nyo pa ang inyong mga apo ha? Andito na si Zach oh. Ang makakasama ko habang buhay.

*lumapit si Zach sa ama ni Rachel...

Zach: Tito...

Ama ni Rachel: Wag...

Zach: Po?

Ama ni Rachel: Papa na ang itawag mo sa akin... Baka hindi ko na yan ulit marinig mula sa'yo...

Rachel: Papa naman. Nagsasalita ka na naman ng ganyan.

Ama ni Rachel: Hindi anak...alam ko na kasi eh...sinusundo na ako ng mga magulang ko...pati na ng mga tito mo...

Rachel: Bakit papa? Sasama ka ba sa kanila ha? Papayag ka ba na iwan mo kami dito ni mama? Pati ni Zei?

Ama ni Rachel: Wala na akong magagawa anak eh...

Rachel: Papa naman eh.

*umiyak pa lalo si Rachel at pinapatahan naman ito ni Zach. Kinapa at hinawakan ng ama ni Rachel ang pisngi nito...

Ama ni Rachel: Lagi kang mag-iingat anak ha...mahal na mahal kita...

Rachel: Opo papa. Mahal na mahal ko po kayo.

Ama ni Rachel: At ikaw Zach...

*hinawakan ni Zach ang kamay ng ama ni Rachel...

Zach: Papa.

Ama ni Rachel: Sa'yo ko na ipapaubaya ang anak ko...lagi mo syang aalagaan ha?..mahal na mahal ko yang anak ko...

Zach: Opo, papa. Aalagaan ko po si Rachel. Makakaasa po kayo sa akin, papa.

Ama ni Rachel: Hay sa wakas natapos na rin ang pagbilin ko...

Zach at Rachel: Po?

Zei: Papa?

Nanay ni Rachel: Mahal?

Ama ni Rachel: Hay makakatulog na rin ako ng mahimbing nito...

Rachel: Papa?

*bigla nalang nawalan ng malay ang tatay ni Rachel...

Rachel: Papa?

Nanay ni Rachel: Mahal?

*biglang sinuri ni Zach ang pulso ng ama ni Rachel pero wala na itong maramdamang pulso...

Zach: Vincent, tulungan mo ako dali!

Vincent: Bakit Kuya?

Zach: Dalhin natin sya sa ospital. Wala na syang pulso.

Nanay ni Rachel: Jusko.

Rachel: Papa!

*binuhat nina Zach at Vincent ang tatay ni Rachel upang dalhin sa sasakyan...

Zach: Padaanin nyo kami, dali!

*pinadaan ng mga tao sina Zach at Vincent...

Rachel: Sasama kami ni mama.

Nanay ni Rachel: Zei, dumito ka na muna. Bantayan mo ang bahay. Tatawagan ka namin.

Zei: Opo, mama.

Abby: Sasamahan ko na po sya dito.

Rachel: Sige salamat. Tara na, mama.

Nanay ni Rachel: Sige.

*sumama na sina Rachel at ang nanay nito kina Zach at Vincent upang dalhin ang ama ni Rachel sa ospital. Umalis na ang sasakyan ni Zach lulan ang pasyente. Pagkaraan ng ilang minuto ay di pa rin nakatawag sina Rachel kina Zei kaya alalang-alala na ito. Sa bahay nina Rachel, habang nakaupo si Abby sa sofa ay naglalakad nang pabalik-balik si Zei sa pag-aalala nito sa kanyang ama...

Zei: Sana ok lang si papa.

Abby: Wag kang mag-alala. Magdasal nalang tayo na magigising pa ang ama mo.

*maya-maya ay may tumawag sa cellphone ni Zei at sinagot nya ang tawag...

*sa phone

Zei: Hello, mama. Kumusta na si papa?

Nanay ni Rachel: Anak, wag ka sanang magugulat. Wala na ang papa mo.

Zei: Ano? Bakit? Hi...hindi ko maintindihan...

Nanay ni Rachel: Di na sya nakaabot sa ospital.

*napaiyak nalang ang nanay ni Rachel sa phone...

Nanay ni Rachel: Sorry, anak...tatawag nalang ako dyan mamaya ha...magpakatatag ka...

*pinatay na ng nanay ni Rachel ang phone. Napabagsak nalang sa sahig si Zei kaya nagulat si Abby at napatayo. Agad nyang pinuntahan si Zei...

Abby: Zei? Zei? Anong nangyari?

*napaiyak nalang si Zei...

Zei: Wala na si papa...

Abby: Oh jusko.

*napaiyak nalang ng todo si Zei at pinapatahan naman ito ni Abby. Nalungkot ang lahat sa nangyari sa papa ni Rachel...

"CONDOLENCE TO RACHEL'S FATHER.
REST IN PARADISE...👼🕊️

BOYFRIENDS NEXT DOORWhere stories live. Discover now