*****THROWBACK*****
*sa isang park, napabagsak si Abby sa lupa at pinagtawanan ito ng grupo ng mga batang babae at lalaki...
"Hala! Akala ko talaga lumindol eh."
"Akalain mo yun. Bumagsak lang sya eh lumindol na kaagad. Paano pa kaya pag lumundag-lundag sya na parang kuneho eh noh?"
"Naku wag mo nang hingin. Baka gawin nya at mahilo tayo hahaha."
Abby: Bakit nyo ginagawa sa akin to? Ano ba ang kasalanan ko sa inyo ha?
"Ikaw. Ikaw ang problema namin. Ang taba-taba mo kasi eh. Kaya naman gigil na gigil kami na pagtawanan ka."
"Oh. May teddy bear ka pala."
Abby: Hindi. Wag ang teddy bear ko.
*pero hindi sya pinakinggan ng mga bata at inagaw sa kanya ang kanyang yakap-yakap na teddy bear...
Abby: Ano ba? Ibalik nyo sa akin yan. Ibalik nyo ang teddy bear ko...
*mangiyak-iyak na si Abby dahil hindi nya makuha ang teddy bear nya sa mga bata na nagpapasahan ng kanyang teddy bear habang patuloy pa rin syang pinagtatawanan ng mga ito...
"Agawin mo dali!"
"Ang bagal mo naman."
"Natural. Mataba kasi eh kaya mabigat ang katawan nya kung kumilos hahaha."
"Wala ka pala eh hahaha puro ka palya..."
"Sakto lang yan. Para pumayat ka hahaha."
"Pasalamatan mo kami kapag pumayat ka ha?"
*saka naman nagtawanan ang mga batang nambubuyo kay Abby nang maya-maya...
"Hoy! Anong ginagawa nyo ha?"
*napatigil silang lahat sa pagtawag ng isang batang lalaki na lumapit sa kanila...
"Sus, tol! Magpataba ka muna bago mo kami labanan."
"Wait. Ito din yung binubuyo dun sa school natin dahil sa sobrang payat nya. Ano nga ang pangalan mo? Di ko kasi maalala eh."
"Si Bensoy ako. Si Bensoy. Di nyo ba ako natatandaan eh kayo ang nambubuyo sa akin eh. Tapos ngayon ay may binibiktima naman kayo?"
"Binibiktima ka dyan. Eh naglalaro lang naman kami ng agaw-agawan. Sya yung taya."
Bensoy: Naglalaro. Eh mangiyak-iyak na nga oh.
"Ano ka ba? Tingin mo ba may ibubuga ka sa amin ha?"
Bensoy: Ayaw ko nang makipaglaban pa sa inyo. Ayaw ko nang manlaban. Gawin nyo na ang lahat ng gusto nyo sa akin. Basta wag na wag nyo lang sasaktan ang batang to.
"Wow, Prince Charming ba kamo?"
"Bagay nga kayo. Mataba tapos lampayatot."
"Ibigay mo kaya ang ibang taba mo sa kanya. At para mapakinabangan din."
*agad namang tinupi ni Bensoy ang manggas ng kanyang sweater papunta sa kanyang braso bilang pag-aaklas...
Bensoy: Tara na oh. Teddy bear at kalayaan nya, kapalit ko. Kung hindi isusumbong ko na talaga kayo sa prinsipal okay?
*saka naman napaisip ang mga bata at maya-maya ay inihagis na nila ang teddy bear sa gawi ni Abby. Agad namang itong pinulot ni Abby, pero nakita nya kaagad ang papalapit na mga bata kay Bensoy at nakita nya na takot na takot si Bensoy. Habang si Bensoy naman...
Bensoy: Tol, nagbibiro lang naman ako eh.
"Ngayon mo pa nakuhang magbiro ah. Lampayatot ka talaga kahit kailan."
"Oo nga. Eh ano naman ang ilalaban mo sa amin. Nag-iisa ka lang, at madami kami."
"Hindi sya nag-iisa."
*saka naman nagulat ang lahat sa biglang pagsulpot ni Abby sa tabi ni Bensoy...
Bensoy: Yah. Ano pa ang ginagawa mo dito? Tumakbo ka na. Pwede ka nang tumakbo.
Abby: Loko. Eh takot na takot ka nga sa kanila eh. Tingnan mo nga yang katawan mo. Baka mag-ihip ng malakas ang hangin mamaya eh tangay ka na eh.
"Awws. Matatakot na ba kami sa inyo?"
"Mas ok nga to eh. The more, the better."
"Kyah!"
"Kyah!!!!"
*at saka na sila nagbangayan. Nang pauwi na sina Bensoy at Abby na puro galos at dumi sa katawan...
Abby: Thank you nga pala kanina ha? Dahil niligtas mo ako kahit na ganyan ka lang.
Bensoy: Ano? Anong ganyan lang? Ako kaya ang black belter ng taekwondo class namin.
Abby: Sus. Nananaginip ka lang ng gising eh.
Bensoy: Hindi ah. Totoo ang mga sinasabi ko. At isa pa, dapat din naman akong magpasalamat sa'yo eh.
Abby: Bakit naman?
Bensoy: Dahil tinulungan mo din ako sa mga nambubuyo sa atin kanina, kahit na dehado pa rin pala tayo sa kanila.
Abby: Sus. Wala yun. Way ko lang yun ng pagbabalik ng utang na loob ko sa'yo. Hala teka!
Bensoy: Bakit?
Abby: Hindi ako pwedeng umuwi ng ganito.
Bensoy: Ha? Bakit naman?
Abby: Mapapagalitan ako nina Mama at Kuya nito pag ito ang inabot ko.
Bensoy: Ako nga din eh.
Abby: Ha? Pinapagalitan ka din?
Bensoy: Hindi naman nila ako pinapagalitan masyado. Wala kasi ang parents ko sa bahay eh, kaya grandparents ko ang kasama ko.
Abby: Bakit? Nasaan ba ang parents mo?
Bensoy: Hindi ko na nakilala pa ang daddy ko. Wala na rin kaming communication sa isa't-isa. Yung mommy ko naman, nasa ibang bansa at nagtatrabaho. Kaya ayun, sina lola at lolo nalang ang kasama ko sa bahay.
Abby: Ah.
Bensoy: Doon ka muna sa bahay. Magpalipas muna tayo ng galit bago ka bumalik sa inyo.
Abby: Ha? Eh hindi ka ba nila papagalitan ha?
Bensoy: Hindi. Promise. Ako'ng bahala sa'yo.
Abby: S-sige...
*saka na sila tumuloy sa bahay ni Bensoy, na katabi lang pala ng bahay nina Abby. Kaya naman todo tago si Abby para hindi sya makita ng pamilya nya, na sya namang naiintindihan din ni Bensoy...
*****PAUSE FLASHBACK*****
PS: The story is fictional and nothing of this happened in real life. If any of this happened in real life, this is unintentional and it was just a coincidence.
YOU ARE READING
BOYFRIENDS NEXT DOOR
ChickLitCast of Characters: Vincent Abby Ferdie Frits Davin Supporting Characters: Corinne Zach Manager France Rachel Zei Mina PROLOGUE: A 21-year old Abby, is a very lazy lady. Her mom Corinne and her older brother Zach always scolds her for being so lazy...