Hi. So I started to revise some of the chapters already. Especially yung mga chapters na nasa 20 below, sobrang pangit ng pagkakasulat ko haha. I was cringing all the time while I was reading it ew. At may mga chapters na sobrang ikli, ewan ko nga ba kung ba't inupload ko pa iyon. I will delete them and put them in another chapter, kaya huwag ho kayong magtataka kung iikli ang BMB. I'll upload all the revised chapter as soon as I finish them, so wait for them! That's all I have to say for now. Thank you for reading!!!
COMMENT, VOTE AND FOLLOW. PLS HEHE.
Xx,
Elle
--
Dylan's POV
I was staring at the clock at the top of the white board while Ms. Anne was giving a lecture. Grabe ba't ang tanggal ng oras? Hanggang ngayon alas kwatro pa rin? I scratch the back of my neck and look out at the window impatiently. Bigla kong naisip yung mama ni Chase.
Excited akong makita siya ngunit kinakabahan rin ako. Alam mo yung pakiramdam na alam mo na ngang pasado ka sa isang subject ngunit kinakabahan ka pa rin? Yun. Yun yung nararamdaman ko ngayon. Alas singko kami magkikita ni Chase sa pier, mag-ooff daw siya ng maaga sa ojt niya. Pakiramdam ko nga nasa pier na nga siya ngayon eh. And while I'm here still stuck in the classroom. Grrr. Nakakainis.
"Dylan?" Tinawag ni Ms. Anne yung atensyon ko. Bigla naman akong napatingin sa kanya. "Po?" Tanong ko. "Kindly pay attention." She said and then she wrote something on the board. Napabuntong-hininga na lang ako at pinilit kong makinig sa discussion niya.
Pagkatapos ng isang oras tumunog na rin yung bell. I quickly ran out of the classroom para maiwasan ang stampede ng mga estudyante. Dali-dali akong bumaba ng hagdan and Riley approach me at the end of the stairs. "Kanina ka pa ba?" I asked her. Umiling siya, "Kakatapos lang ng lecture namin. Let's go. Naghihintay na siguro si Chase sa'yo." Mabilis kaming naglakad papunta sa exit ng uni. Bigla akong napatigil ng may makita ako sa canteen. I frown when I saw Will and... Chenille!? Bumababa sila ng canteen habang nag-uusap.
"Akala ko sumusunod ka. Kwento naman ako ng kwento eh wala naman pala akong kausap." Riley said a bit annoyed. "Ley, tignan mo o." Tinuro ko sina Will and Chenille. "Ba't sila magkasama?" Tanong ko sa kanya. "Close na sila noh?" Riley said sarcastically. "Sabi ni Will business stuff daw." She said with a hand gesture. I looked at her confusedly, "Business stuff?" Umirap siya at hinawakan ang kamay ko sabay kaladkad sa akin. "I'll explain later. Tara na nga! Baka ma traffic tayo!"
Tumakbo kami papuntang parking lot at mabilis akong pumasok sa sasakyan ni Riley. "So what's with Will na?" Tinanong ko siya. She fasten her seatbelt and start the car. "Ewan ko nga rin. Sabi niya gusto raw ng mama niya kunin si Chenille bilang empleyado sa kanilang kompanya." Sagot naman ni Riley. That makes sense, business ad kasi si Chenille. She would definitely make a great addition to Chase's company. Hindi tipikal na mean girl si Chenille. Oo masama nga yung ugali niya and she's a total flirt. Pero matalino siya academically and non academically. When I mean non academically hindi yun extracurricular activities, non academically means humanap ng paraan para sirain ang buhay ng ibang tao.
While we're on the road, tinext ko na si Chase na papunta na ako ng pier. Nag-reply naman siya na nandoon na raw siya. "Kinakabahan ka ba, Dyl?" Tanong ni Riley. "Oo naman." I snickered. "I'm sure na magugustuhan ka ng mama ni Will. You're a sweetheart." Aniya. "Sana nga." Sagot ko. Habang papalapit ng papalapit kami ng pier mas lalo akong kinakabahan.
BINABASA MO ANG
Boy Meets Boy(BoyXBoy)
RomanceIs it possible for a two boys to fell in love with each other? Warning! BoyXBoy! Read at your own risk.
