This is still the continuation of the last chapter, hihi.
---
"Tara?" I looked up at him.
"Saan?"
"Manila bay?"
"Bilisan mo na. Malapit na mag sunset o!" He whines, I rolled my eyes grabbed my backpack at dali-dali kaming lumabas ng coffee shop.
Tamang-tama ang pagdating namin hindi pa lumulubog ang araw. Umupo kami sa isang bench habang pinagmamasdan ang dagat, araw at ang mga ulap. Hindi ito date. Hindi ito date. Hindi ito date. I chanted on my mind. Mahirap mag-assume ulet, friendly date lang ito.
"Alam mo noong bata ako lagi kong iniisip na patag ang mundo, natatakot ako sa mga namamangka dahill kapag hindi ko na sila nakikita baka nalaglag na sila." Tahimik na sabi ko. Narinig kong tumawa si Chase, "Patag?" Aniya. "Kasing patag ng chest mo."
Sapak. "Aray! Biro lang! Ikaw talaga o!" He pouted while massaging his head na kakasapak ko lang.
"Chase?"
"Op?"
"Salamat ha." Sabi ko as I clutch the strap of my backpack. "Salamat saan?" He gave me a funny look. "Salamat dahil... Ipinagkatiwala mo sa akin ang nakaraan mo. Alam din ba ito ni Chen--"
"Hindi." Sagot niya. "At sana huwag mo itong ipagkakalat."
"Oo naman!" I raise my right hand. "Honest to! Pramis!"
"Alam mo noong inaway mo ako nagkabati kami ni papa." Sabi ko habang nakatingin sa magandang paglubog ng araw. "Nag-away? Hmmm... Bakit naman?"
Napatingin ako sa kanya at ngumiti, "Hindi niya kasi matanggap ang pagiging bakla ko eh. His expression softens at tumingin ulit siya sa dagat. "Siguro isa lang yun sa mga positibong nangyari sa akin. Pero masayang-masaya ako." Sabi ko.
"Naiinis ako sa sarili ko sa ginawa ko sa'yo." He said silently. "Napakababaw kong mag-isip."
"Kalimutan mo na yun." I chuckled. "Ang mahalaga ngayon, maayos na ang lahat." Tumingin siya sa akin at ngumiti.
Napagdesisyunan ni Chase na umuwi na kami at pumayag naman ako, nag-insist siya na ihatid ako. How can I resist his oh so adorable face? The rest of the ride back home was silent, siguro komportable na kami sa katahimikan.
"Salamat sa lahat ah." Sabi ko, bababa na sana ako ng bigla siyang magsalita.
"Hindi..." Napatingin ako sa kanya. "Salamat." I gave him a small smile at tuluyan ng bumaba ng kotse.
Napasandal ako sa pinto na may malaking ngiti sa mga labi ko. Para akong high ngayon, high na high sa Chase-ness hihi. Parang lahat ng ginawa sa akin ni Chase ay naglaho na, it feels like we're starting a fresh new page sa relationship namin. Relationship? BIG WORD! Masaya lang talaga ako eh, ito pala ang pakiramdam ng pagpapatawad. Siguro ganito rin ang naramdaman ni papa ng magkabati kami. Alam ko medyo OA na ako, pero who cares!
"Bati na kami ni Chase! Bati na kami ni Chase! Bati--!" I chanted in whisper, ng may engot na bumukas ng pinto. "Anak ng--!" Muntikan na akong mahulog ngunit nakahawak ako sa haligi ng pintuan. "Ano ba!?" Naiinis kong sabi at tumingin sa epalots na bumukas ng pinto, I squeak ng makita ko ang pagmumukha ni papa.
BINABASA MO ANG
Boy Meets Boy(BoyXBoy)
RomansaIs it possible for a two boys to fell in love with each other? Warning! BoyXBoy! Read at your own risk.
