Chapter 32~

4.6K 100 16
                                        

Hi! Ang daming comments sa last chappy ah. Keep it up goise, trololol. They keep me motivated:3

I've put a link on the song that I've used for this chappy. Kung meron man sa inyong intresadong mapakinggan yun haha.

Salamat sa pagbabasa!

Comment, vote and follow:)

xx,

Elle

---

     Isang linggo na kaming hindi nag-uusap ni Chase. Pero patuloy pa rin siya sa pagbibigay sa akin ng mga regalo. Candies, chocolates, cupcakes and lollipops. Name it and he'll give it.

     Pero ang nakapagtataka ay imbes na magalit ako o ma irritate sa ginagawa niya ay natutuwa pa nga ako dahil nakikita ko na nag-eeffort siya para maibalik ang dati naming pagsasama. 

     Hindi na ako nagulat ng pumasok ako sa classroom ng araw na yun at may nakita na naman akong kulay pink na box sa armchair ko. Dali-dali ko namang binuksan ito at napangiti ako sa nakita ko. Isang vanilla souffle ang nasa loob ng box tas' nakalagay naman sa likurang bahagi ng takip nito ay,, 

"There's only 1 thing

           2 do

           3 words

           4 you.

           I LOVE YOU<3"

     Kinilig ako dun ah. At siyempre the souffle looks mouthwatering kaya kakainin ko yan mamaya bwahahaha! Naramdaman kong may nakatayo sa gilid ko, agad kong isinara ang box at tinignan kung sino ito. Si Maine pala. "Bakit?" Nagtatakang tanong ko. I saw that her gaze was on the box that I'm holding. Agad ko itong tinago sa likod ko, "Cupcakes ba yan, Dyl?" Nagpapa-cute na sabi niya. Dali-dali akong umiling and eyed her suspiciously. "Bakit ba, ha?" Tanong ko.

"Akin na lang. Pleaaase." Waw. Ano ako? Cupcake factory?

"Hindi cupcake ito, kaya umalis ka na nga Maine." I wave her off para umalis na siya. She walked away with a sad look haha.

     For the past few days kay Maine ko kasi pinapasa lahat ng ibinibigay sa akin ni Chase. Kaya lang huwag muna ngayon, medyo naawa na kasi ako sa tao eh. Pagkatapos ng klase agad ko namang tinikman ang ibinigay sa akin na souffle. 

     Napa-mmm naman ako sa sarap. Mukhang pinaghirapan ni Chase ang lahat ng ito. Is giving another chance worth a shot? Ayoko ng masaktan. Ever. Ano kaya ang dapat kong gawin? Mahal ko pa ba siya?

     Maybe.

     Oo.

     Argh!

     Ang hiiiiiirap teh! Nakaka-istress sa brain cells kooo!

     Naisipan kong lumabas ng classroom at hanapin si Riley. Pumunta ako ng canteen para hintayin siya dun at mabuti naman mga sampung minuto lang ako naghintay at dumating din siya. Nilagay niya ang bag niya sa mesa, "Teka. Teka. Bago tayo mag-usap, bili muna ako ng kape." Aniya. Tinignan ko siya habang nag-oorder siya ng kape sa usual naming binibilhan at may inabot ang tindera sa kanya. Yung pink na cup na palagi nilang binibigay sa akin at may kasabay din itong paper bag.

Boy Meets Boy(BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon