THANK YOU FOR READING!
PLEASE COMMENT, VOTE & FOLLOW..
—-
Palabas na ako ng klasrum ng tinawag ni Ms. Anne ang pangalan ko. "Bakit po?" Nagtatakang tanong ko. "Dylan, nagawa mo na ba ang photoshoots mo?" Tanong niya sabay baba ng kanyang glasses. Tumango ako, "Ummm... Gusto niyo po bang makita? Sa tingin ko meron ako dito sa phone—"
"It's ok. Nagtatanong lang naman ako eh, anyways how about the editing?"
"Nasa kalagitnaan pa lang po ako. Ang hirap po kasing pumili ng best photo eh."
She smiled at me. "Dalawa ang best photos. I hope you don't disappoint me, Dylan. Alam mo naman na isa ka sa pinakamagaling dito sa university." Medyo nag-blush ako ng sinabi niya iyon. "H-Hindi naman po," pinilit kong tumawa. "Next week na ang pagpipili ng pinakamagandang litrato, maraming propesyonal na photographers ang dadating . Kaya galingan mo sana." Napalaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
"Ano po ang ibig niyong sabihin Ms. Anne?"
Takang-taka na ako ngayon. Best photo means, best grades eh. Pero ano ang ibig niyang sabihin na maraming dadating na professional photographers? "Your photos will not only be judged by eyes. Pero limang panel of judges ang magbibigay ng comments about you photos. Yung mananalo makakatanggap ng cash prize at bagong camera."
Bagong camera...
Bagong camera...
Wala akong pake sa cash prize. Biglang nag-perk up ang tenga ko ng madinig ko ang 'bagong camera.' "B-Bagong camera?" I repeated. Tinignan ako ni Ms. Anne na nagtataka, "I explained na this diba?" Aniya. Napaisip ako, masyado siguro akong busy sa pag-iisip kay Chase ng ipaliwanag niya ito. Nagpaalam na ako kay Ms. Anne at lumabas na rin ng klasrum.
Paglabas ko may dalawang brasong umakbay sa akin. Sina Will at Riley, "O?" Sabi ko habang naglalakad kaming tatlo. "Since busy-busyhan tayo sa mga buhay natin nag-decide kami ni Will na mag hang-out tayo ngayong hapon." Napatingin ako kay Riley. "Hang-out?" Tanong ko. "Oo, mag-bobonding tayo ngayon Baby Dyl," kinurot ni Will ang pisngi ko at tinapik ko naman ang kamay niya. "Hang-out eh araw-araw naman tayong nagkikita ah?" Sabi ko. Hindi naman sa ayaw makipag 'bonding' o makipag 'hang-out' sa kanila. Hindi ko lang kasi makuha ang punto ba't kelangan. Una, magkapit-bahay kaming tatlo. Pangalawa, iisa pa ang university na pinapasukan namin.
So what's the need?
Kinuha ni Riley ang kamay niya na nakaakbay sa akin. "Duh! College na tayo ngayon. It's not like nag-bobonding tayo araw-araw. Oo, nagkikita nga tayo pero ayaw mo bang mag-spend ng time sa barkada mo?" Sabi niya na naka-cross arms. Pag si Riley ang nangaral huwag ka ng umayaw pa kung ayaw mo masaksihan ang muling pagputok ng Mt. Pinatubo. "Tama si Riley, Dyl. Huwag ka na ngang nega!" Wala akong choice kundi umo-o, anyways wala naman akong gagawin ngayong hapon eh. Maybe it's time for us to catch up with each other. At matagal-tagal na ring hindi kami nag-sasama.
"Then, off we go!!!" Excited na sabi ni Will habang bumababa kami ng hagdan.
Nakarating kami sa shady side ng football field. Pumwesto kami sa ilalim ng isang malaking Acacia tree. Wala naman kaming ginawa dun eh. Pero masaya ako na nagsasama kaming tatlo. Napag-kuwentuhan namin tungkol sa school. Alam mo na mga chismis at kung ano pang ka echusan, hanggang sa love life nga ng mga teachers hindi nakaligtas.
"Narinig kong nag-sex daw yang si Ms. Anne sa isang engineering student," bulong sa akin ni Riley sabay pasa ng isang bag ng potato chips.
"Weh?" Napataas ako ng kilay at nag-subo sa bibig ko ng potato chips.
BINABASA MO ANG
Boy Meets Boy(BoyXBoy)
RomanceIs it possible for a two boys to fell in love with each other? Warning! BoyXBoy! Read at your own risk.