Chapter 4~

8.7K 130 6
                                    

“Huy!”

     Nagulat ako ng tinapik ni Riley yung braso ko. “Nakikinig ka ba? Kanina pa ako dada ng dada dito,” sumimangot siya at tinignan ako. “Naka-drugs ka ba? Kasi, argh! Hindi kita maintindihan, Dyl ah. Ilang araw ka ng ganyan and it makes me mad!” Nagdabog si Riley papalayo sa akin, agad ko naman siyang hinabol. Kahit ilang araw na ang nakalipas hindi pa rin ako maka move on sa ginawa namin ni Chase. Yung nagkakilala kami at kumain ng sabay sa Jollibee? Ang hirap kasi e-convince ang sarili ko na nangyari talaga yun.

“Ley, nakikinig naman ako eh. Kaya lang…” Napakamot ako sa ulo ko dahil hindi ko na alam ang sasabihin.

Tinignan ako ni Riley at tinaasan ng isang kilay, “Kaya lang…?”

“Basta… Marami lang kasi akong iniisip eh.” Sabi ko.

Napabuntong-hininga naman siya at sabay na kami nag-lakad papuntang pradahan ng jeep.

     “Ano ba kasi ang nangyayari? Tungkol na naman ba ito sa papa mo?” Umakyat na kami ng jeep at umupo ako sa tabi niya. Umiling ako, hindi ko pa kasi nasasabi kay Riley ang nangyari sa amin ni Chase eh. “Ano kasi eh… Ummm, baka ayaw mo namang marinig” tinignan ko siya at umirap naman siya. “Alam mo Dyl. Napaka-inconsiderate mo. Ever since na baby pa tayo mag best friends na tayo. O baka naman, hindi mo lang talaga ako pinagtitiwalaan” aniya. Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya, agad kong ni-wave ang dalawa kong kamay. “Hindi, hindi! Ano ka ba? Masyado lang kasing ummm, ano ba tawag dun? Personal?” Mahinang sabi ko.

“Personal? My god! Alam ko lahat patungkol sa’yo, Dyl! Wala na tayong personal-personal sa isa’t-isa. Naalala mo ba nung nagpatulu ka sabi mo parang hinihiwa ang-”

“Waaah! Stop, stop! Ayoko ng marinig yun! Okay, alam mo na… tungkol kay Chase” Pabulong na sabi ko sa kanya. Especially yung last part ng sentence ko.

     Yung bibig niya nag-pormang ‘o’ at tumango siya, umusog siya sa akin ng konti. “Ano naman tungkol sa kanya? Don’t tell me type mo? Kaya ka tunganga buong araw?” Sabi niya. Nagkibit-balikat ako, “Ewan. I mean, siya yung model ko sa project namin this sem. Kaya palagi kaming magkasama,” sabi ko. Sa pagkakataong ito nanlaki yung mga mata niya, “Si Chase Ortega? Yung mukhang diyos-diyosan ng mga babae sa campus ang modelo mo? “ Pag-caclarify niya. Tumango ako at tinignan siya.

“OMG! I mean, OMG talaga! Makikita mo siyang maghubad. Titignan ka sa camera na para bang… Inaakit ka niya! Waaaah!” Siniko ko si Riley dahil nakatingin na sa amin ang ibang pasahero ng jeep. “Alam ba niya na-”

“Hindi.”

     Natigil ang enthusiasm ni Riley sa sagot ko. “He doesn’t know that you’re gay?” Mahinang tanong niya. Napabuntong-hininga ako, “Ayokong ipaalam sa kanya. Dahil… dahil baka mag-iba ang pakikitungo niya sa akin,” paliwanag ko. Nilagay ni Riley ang kamay niya sa balikat ko, “Pero malalaman din niya, Dyl. Alam naman ng buong campus kung ano ka, diba? He probably knows it, hindi niya lang pinapakita” napatingin ako kay Riley sa sinabi niya. “No… Hindi, hindi niya alam. Sana man lang sinabi niya sa akin na, ‘Para lang toh sa project ah,’ or ‘Wag na wag mo akong chachansingan!’” Nilagay ni Riley ang dalawa niyang kamay at tinabunan ang mukha niya.

“Argh! Ang complicated ng life mo, Dyl!”

Tumingin na lamang ako sa bintana ng jeep. Tama si Riley. My life’s complicated, especially with Chase.

“So ummm… Ano naman kaya ang magandang gawin natin?”

     Nasa veranda na namin kami ni Chase at nagpaplano kung ano ang magandang concept at design na gagawin namin sa aming photoshoot. “Ummm, ikaw? Ano bang gusto mo?” Tanong ko sa kanya. Nag-pout siya at nag-isip. Sabihing cute siya is an understatement, ang sexy niya at cute at the same time. Tinignan ko lang siya at tinignan. “Paano kaya kung sa may falls tayo mag-photoshoot?” Sinulat ko ito sabay tango ng ulo ko.

Boy Meets Boy(BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon