Chapter 27~

5.2K 97 7
                                        

Heeeey! Kahapon pa dapat avail ang UD na 'to kaya lang tinamad ako mag-upload, ahahaha who cares on what I say anyway. So this chappy is dedicated MrLoverBoy29:) dahil nga nag-eeffort siya talaga para mag-vote and comment. You're amazing bro *high five!*

---

Settle down with me

Cover me up
Cuddle me in

Lie down with me
And hold me in your arms

And your heart's against my chest, your lips pressed to my neck
I'm falling for your eyes, but they don't know me yet
And with a feeling I'll forget, I'm in love now

     Tahimik akong kumakanta ng Kiss Me ni Ed Sheeran sa dorm ko ng biglang bumukas ang pinto at bumuluga sa akin ang isang Vincent na may malapad na ngiti. Hindi ko siya pinansin habang patuloy lang sa pag-strum ng gitara ko at pagkanta. "Kumain ka na?" Tanong niya sabay lagay ng paper bag na bitbit niya sa mesa. "Oo, kanina pa." Sagot ko. Narinig ko ang pagbukas ng plastic at tinabihan ako ni Vincent na may plato na ng pagkain sa kamay niya, kinuha niya ang remote at pinaandar na ang tv.

"Kumuha ka na dun. Bigay sa akin ni Maya." Tinuro niya ang mesa gamit ang nguso niya.

"Busog pa ako. Ba't binigyan ka niya ng pagkain?" Sinandal ko ang gitara sa mesa para hindi ito matumba.

"Nag-ppraktis kasi siya eh. Kaya ito, binigyan niya ako."

     Si Maya ay girlfriend ni Vincent, isang second year HRM student sa university namin. Mag-iisang taon na ata silang mag-on. Ang kuwento kung paano naging mag-nobyo yang si Maya at Vincent ay dahil sa bridge-ing, that's what I describe it. Si Maya kasi may gusto sa akin yan dati at yung best friend naman ng Maya ay gusto ni Vince. Nag-plano silang dalawa kung papano makuha ang taong gusto nila, pero ang ending naging sila pa. Haha.

     "So, ano'ng balita sa'yo? Wala kang dini-date ngayon?" Nasa genes na ata ni Vincent ang pagiging chismoso, pero good thing naman kahit na chismoso siya hindi siya nagkakalat ng chismis. Mahilig lang talaga siya sa intriga.

"Wala." Bumuntong-hininga ako at pinatong ang dalawang paa ko sa coffee table. 

     "Talaga lang ah? Alam mo may irereto ako sa'yo." Uminom muna siya ng Mountain Dew na nasa can bago tapusin ang dialogue niya. Umirap ako at nilagay ang dalawang kamay ko sa likod ng ulo ko, ito na naman si Vincent. Ba't hindi na lang siya kumuha ng mascom para naman mapakinabangan niya yang matchmaker skills niya?

"Naku, Vincent huwag na. Nagsasayang ka lang ng oras eh." Sabi ko sa kanya habang nililipat ang channel.

     "Pagbigyan mo na ito, pre." Aniya. "Maganda ang isang 'to, sexy!" He put down his plate at gumawa ng Coca-Cola figure sa hangin gamit ang dalawang kamay niya. "Fine arts ata ang kurso niya. Ito, ito... Tignan mo ang picture niya." Kinuha niya ang cellphone niya sa bulsa ng pantalon niya.

"Vincent." I said sternly and give him the 'I don't give a fuck look.'

Nakuha naman niya ito kaagad at hindi na pinakita sa akin ang picture. "Okay, okay." Sabi niya. "I'm just trying to lighten your love life." Ano bang pake mo sa love life ko?

Boy Meets Boy(BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon