—-
"H-Hindi kasi bak—"
"Sunoooooog!!! Waaaah!!!! Sunog!!!!" Napatigil ako sa mga sinasabi ko ng marinig ko ang nakakabinging sigaw ni Chenille.
"S-Sunog?" Yun lang ang nasabi ko napatingin ako kay Chase."Mabuti pa lumabas—"
Nagulat ako ng binuksan ni Will ang cabinet at tinignan kami ni Chase.
"May sunog sa baba. Halika na," tinulungan niya akong tumayo. Hinawakan niya ang braso ko para makaalis na kami, I turn my head at nakita kong tinulungan ni Chenille si Chase. "Tara na! May sunog sa baba eh!" She wrapped her arms on Chase's bicep at sumimangot naman ako. "Huy," Will tug my arm. "Ano ba kasing tinitignan mo jan? Halika na!" Ngayon ko lang na realize na kami na lang, plus sina Chenille at Chase ang tao sa kwarto. Tumakbo kami papunta sa pintuan at bumaba na sa ground floor.
Nakita ko na pinapatay na nina Riley at ng isa ko pang classmate na si Ian ang sunog malapit sa may kusina. Pati si Ms. Annie umiigib ng tubig. Pagkatapos ang ilang minuto binitiwan ni Riley ang fire extinguisher at umupo sa isang plastic na upuan. "Oh my god, I am so sorry Will! Nasira namin ang rest house mo!" Hingal na hingal si Ms. Annie, may mga dumi pa siya sa mukha niya para ata siyang nanggaling sa Ati-Atihan Festival hehe. "Babayaran ko nalang ang damage."
Umiling si Will. "Huwag na lang ho. Maliit lang po yan eh, madali naman pong ayusin," aniya. Ambaet talaga nitong si Will. Ba't di pa siya kaya kunin ni Lord? Este, wag naman sana. Nagbibiro lang naman ako eh. Patuloy pa ring kinukumbinse ni Ms. Annie na babayaran nito ang danyos na nagawa ng sunog, ngunit patuloy ring tumatanggi si Will.
Nilapitan ko naman si Riley. Kung si Ms. Annie parang pumunta lang ng Ati-Atihan Festival si Riley naman parang sumali ata sa dance competition nito.
Kinuha ko ang panyo na nasa bulsa sa likod ng pantaloon ko at pinahiran ang maduming mukha ni Riley. Iniangat niya ang ulo niya at ngumiti, "Salamat ha," kinuha niya ang panyo ko at pinahid ito sa buong mukha niya tas' binalik niya sa akin. "Waw. Ano ba yang pawis mo? Gasolina o diesel?" Tinignan ko kulay puti kong panyo na ngayon nangingitim na. Bigla niyang inagaw sa akin ang panyo ko, "Edi akin na muna. Lalabhan ko nalang, wagas ka din kung maka panglait noh?" Umirap siya at tumawa naman ako.
Binigyan ni Ms. Annie si Riley ng tubig at ininom naman niya agad ito. Hindi ko na muna siya kinausap, ang tahimik niya rin eh. Napagod siguro sa pagpapatay ng sunog kanina.
Tatayo na sana ako para makapag-banyo, "Anyare sa inyo?"
"Ha?" Tinignan ko siya na nagtataka. Umirap siya at nilapit ang bibig niya sa tenga ko. "Ano yung narinig namin kanina sa cabinet ha? Yung sabi mong masakit tas... Tas... Ano pa nga yun?" Napakamot si Riley sa ulo niya at sinapok ko naman siya. "Waaah! Aray! Kanina si Chenille! Ngayon ikaw naman? What's wrong with you guys?" Nag-pout siya at minaseha ang ulo niya. "Chika ka naman o."
"Walang nangyari noh. Nabunggo kasi ako, tanga-tanga ko naman kasi palagi eh."
"Yun lang?"
"At... Aaminin ko na sana na bakla ako."
Riley's eyes almost popped out from its sockets. Tinakpan niya ang bibig niya at tumalon-talon. "Shit! Shit! Ansabe niya? Inamin mo!?"
Tumawa ako at pinaupo siya. "Umupo ka ngang bruha ka!" I hissed. Umupo si Riley, "Inhale... Exhale..." Sabi niya. She fan herself at tinignan ako, "H-Hindi naman natuloy eh. Nandoon na talaga ako! Kaya lang sumigaw si Chenille na sunog eh."
"Asan yang walanghiyang babaeng yan!? Ang epal niya ah! E-P-A-L! EPAAAAAL!!!" Sigaw niya.
"Umupo ka nga!" Sabi ko. Agad naman siyang umupo, she began to stomp her foot wildly. "Bwisit lang kasi!" Sabi niya. Bumuntong-hininga ako, sa totoo lang. Medyo thankful pa nga ako kay Chenille eh. I wasn't really that prepared, hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko at hindi rin ako handa kung ano ang magiging reaksyon ni Chase. Pagtatabuyan niya ba ako? Kaiinisan? Magkunyaring hindi kami nagkakilala?
![](https://img.wattpad.com/cover/9356428-288-k315776.jpg)
BINABASA MO ANG
Boy Meets Boy(BoyXBoy)
RomanceIs it possible for a two boys to fell in love with each other? Warning! BoyXBoy! Read at your own risk.