THANK YOU FOR READING!
PLEASE COMMENT, VOTE AND FOLLOW..
—-
Kinabahan ako ng makita ko ang mukha ni Chase. "Tama ba ang narinig ko, Dylan?" He clench his teeth. Ano'ng sasabihin ko? 'Oo, Chase. Tama ang narinig mo sa letcheng Chenille na yun. Bakla ako! Heyaaa I'm gaaaay!' Bumuntong-hininga ako at tumango. "Grabe..." He let out a sigh and run a shaky hand through his hair. "Grabe ka..." Tinignan ko siya. "Sasabihin ko naman, Chase eh! Naghihintay lang ako ng magandang timing!" I blurted out. "Magandang timing!" Sigaw niya, mabuti na lang at walang tao sa paligid namin. "Niloko mo ako, Dylan. Sana sinabi mo!" Aniya and my heart broke ng sabihin niya yun. Tahimik lang ako at naghihintay ng mga salitang ibabato niya sa akin, ayaw kong pigilan siya. Tinignan ko ang kamao na pumuporma sa kamay niya.
"Chase, magpapaliwanag—"
Wrong choice of words, natumba ako sa sahig ng makatikim ako ng suntok niya sa mukha ko. I wince when I taste blood coming out of my mouth. I looked up at nakita kong nanggagalaiti sa galit si Chase, pinipilit niya lang ang sarili niya huwag akong bugbugin. Tumayo ako at pinahiran ang tumutulong dugo sa bibig ko gamit ang likuran ng kamay ko. "Come on, Chase." I said helplessly. "Bugbugin mo ako kung ito ang makapagpakuha ng galit..." Umirap siya. "Bugbugin?" He scoffed. "Pagkatapos kokonsensyahin ako at babalewalain ko lang yung ginawa mong kagaguhan sa akin?"
Pinili kong huwag na lang magsalita, it makes the things worse than it is. "Niloko mo ako!" He shouted. "I trusted you!" Sigaw niya. "A-Akala ko isa ka na sa magiging matino kong kaibigan. Pero hindi pala! Isa kang walang kwentang manlolokong bakla!" Kanina ko pa pinipigilan ang pag-iyak ngunit hindi ko na ito maiwasan, bigla na lang tumulo ang mga luha ko. "I-I'm sorry, Chase. Sasabihin ko naman talaga eh." Bulong ko.
"I'm sure you took advantage of the time we spent together."
Nanlaki ang mga mata ko ng sinabi niya yun. "Pasimpleng chansing ka rin siguro noh?" He raise an eyebrow mocking me. "H-Hindi ganun, Chase! Gusto lang kita makilala!" Pagdedepensa which is totoo naman. "Pffft." He scoffed. "Bakit sa tingin mo kapag hindi nangyari ito kung sasabihin mo sa akin na gusto mo ako, papatulan kita?"
I bit my lip at tuloy-tuloy pa rin ang pag-iyak ko, but I don't dare to make any sound or movement. Tinitignan ko lang si Chase. Tinitignan ko kung ano siya kagalit sa akin. "Makinig ka." Aniya. "Hinding-hindi ko papatulan ang mga baklang kagaya mo."
He spit on me and gave me a disgusting smile.
"Mga salot sa lipunan." Tas' umalis na siya.
Naiwan ako sa hallway na mag-isa. Sinundan ng mga mata ko ang likod na ni Chase na umaalis. Umaalis siya... Iniwan niya ako. Iniwan niya ako... Hindi ako nagsalita o naglakad. Nandoon lang ako umiiyak. I licked my lips at natikman ko and dugo at luha. I wiped my eyes with my hands. At umiyak pa. I don't know what to do... Hindi ko alam ko ano'ng gagawin ko.
Chase... I am so sorry. Sana mapatawad mo ako...
Pakiramdam ko parang sasabog ang dibdib ko at parang nabibingi ako. I cough and choke on my own tears. Ano'ng gagawin ko? Mamamatay na ba ako? Nag-umpisa akong maglakad kahit na hindi ko alam kung saan ako pupunta. Maliligo naman ako sa tanong kung uuwi ako sa amin. Habang bumaba ako bigla na lang ako nadulas at natumba which made me cry more. My cheek hit the pavement at hindi ako gumalaw. Napaka walang kwenta ko talaga kahit kelan. I hugged my knees and curl in to a ball. Kahit kelan talaga wala na akong nagawang tama.
"Niloko mo ako!"
"I'm sure you took advantage of the time we spent together."
"A-Akala ko isa ka na sa magiging matino kong kaibigan. Pero hindi pala! Isa kang walang kwentang manlolokong bakla!"
BINABASA MO ANG
Boy Meets Boy(BoyXBoy)
Storie d'amoreIs it possible for a two boys to fell in love with each other? Warning! BoyXBoy! Read at your own risk.