Chapter 10~

6.1K 84 3
                                    

—-

     Nang maka-park na si Will sa labas ng fast food, agad akong lumabas at dumretso sa loob. Hindi sapat na sabihin na naiinis lang ako sa kanya, as a matter of fact gigil na gigil ako sa kanya. Hindi ko alam ba't siya ganun, hindi naman siya babae eh. Baka hermaphrodite siya at may buwanang dalaw? O di kaya naman menopausal lang siya talaga dahil wagas kung makapag-shift ng mood. Hinding-hindi ko talaga alam kung bakit badtrip siya kay Chase. Wala namang ginagawang masama sa kanya si Chase ah, at lalo na hindi sila nag-uusap. Kasi everytime na mag-sisimula si Chase na kausapin siya dinidedma niya ito o di kaya naman naghahanap ng rason para di kausapin.

Weirdo.

     Umupo na ako sa isang table at hinintay sila na makapasok. Kung pwede ko lang sana basagin ang upuan para di makaupo si Will sa tabi ko ginawa ko na. Tinabihan niya ako at napasinghap naman ako sa inis. "Ummm... Mag-oorder na ako hehe. Ano'ng gusto niyo?" Tumayo na si Riley. Ibinigay na namin an gaming order at umalis na si Riley. Lumabas rin ng fast food si Rimi dahil tumatawag si mama niya sa kanyang phone. So, sa kasawiang palad kaming tatlo ang naiwan. Dahil hinding-hindi ko talaga kaya ang atmosphere pumunta ako ng restroom.

     Naghilamos ako at tinignan ang mukha ko sa salamin. Haggard ang feslalu ko. Malaki ang eyebags ko at namumutla ako. Bumuntong-hininga ako at kumuha ng paper towels sa dispenser. Pinahiran ko nito ang mukha ko. Lalabas na sana ako ng biglang bumukas ang pinto. Walang iba kundi si Will.

"Palabasin mo nga ako," I muttered. Bubuksan ko na sana ang pinto pero tinabunan niya ito ng matangkad niyang pangangatawan. "Will." Sabay ko na may tono ng pagbabanta sa boses ko.

"Ano bang problema mo?" Tanong niya. "Kanina mo pa ako sinusungitan at di kinakausap?"

"Ano ba ang problema mo?" Binato ko sa kanya ang tanong niya.

     Kumunot ang noo niya. "Ngayon, pwede ba tumabi ka na jan at para makalabas na ako." I pushed him aside pero ni wala man lang epekto. "I want to talk." Sabi niya. "Kausapin mo sarili mo," sagot ko. Nag-akma akong buksan ang pinto ngunit inalis niya ang kamay ko sa doorknob. Hinawakan niya ang mga balikat ko and he pinned me on the door. "Will! Ano na naman ba ito!?" Reklamo ko. Nagpumiglas ako ngunit hindi niya talaga ako binitiwan.

"Dyl," he sighed. Siguro napapagod na rin siya sa away naming dalawa. "Ano na naman ba ang problema?"

I shifted my gaze to the side at hindi siya sinagot.

"Dyl! Ano ba ang problema!?"

"Ikaw!"

     At... Umiyak na naman ako. Oo, inaamin ko iyakin akong tao. Konting problema lang bibigay na ako. "Ikaw..." I whispered. His face soften at binitiwan niya ako, tinabunan ko ng mga kamay ko ang mukha ko at umiyak. "Naiinis ako sa'yo... Will." I sobbed. Naramdaman ko na bumilis ang paghinga ko dahil sa pag-iyak ko. Napalunok ako at patuloy sa pag-iyak. Alam ko para akong gradeschooler na inagawan ng lollipop, but I can't help it. Hindi ko lang talaga ma-kontrol ang sarili ko sa ngayon dahil punong-puno na ako kay Will.

Hinawakan niya ang dalawang kamay ko, "I'm sorry." Binaba niya ito.

"I'm sorry... Dylan, pagpasensyahan mo na ako." Aniya.

     Pinahiran ko ang ngayong madumi ko ng mukha gamit ang t-shirt ko. "Ba't mo ba ko ginaganito? Nang dahil lang ba kay Chase? Ba't ba ayaw mo sa kanya?" Pagbabato ko sa kanya ng mga tanong. Narinig ko ang malalim niyang paghinga. "It's not like na ayaw ko sa kanya... Pakiramdam ko kasi hindi siya dapat pagkatiwalaan eh. Lalong-lalo ka na," Tinignan ko siya and I can tell na nag-aalala siya. "Hindi mo ba alam gaano kasakit sa akin ng sinabi mo na assuming ako? At parang ayaw mong magkaroon ako ng mga bagong kaibigan eh."

     "Hindi naman sa ayaw kong magkaroon ka ng mga bagong kaibigan, kahit sino huwag lang ang Chase na yun." Sabi niya. Tumahimik na lang ako at yumuko, "Pasensya ka na kung may sinabi man akong masama. Ayaw ko kasing masaktan ka ng dahil lang sa Chase na yun."

Nang sinabi niya yun medyo napangiti rin ako.

     "Hoy bakla ka, niloloko mo naman ako eh. Pangiti-ngiti ka pa jan o," tinapik niya ang braso ko at tinignan ko siya na naka poker face. He sighed at iniwasan ako ng tingin, "Ok fine..." He breath. "I'm sorry." Yan lang naman ang magic word sa akin eh, at alam kong sincere talaga si Will. Kung kanina mala-demonyo ang nakita ko aba ambilis maging santo ah!? "Pinpatawad na kita. Pero kelangan mo ding humingi ng despensa kay Chase."

He looked at me dumbfounded, "Ano!? No way! Ayaw, ayaw!"

"Ayaw mo? Babawiin ko na ang pagtanggap sa sori mo. Bahala ka sa buhay mo." I attempted to go out pero hinawakan niya ang pulso ko at binaba ito.

"Fine..." Sabi niya.

"Kelangan sincere ah. Ayaw ko ng plastik." Sabi ko tas' lumabas na kami ng restroom.

     Paglabas namin sa restroom nakita ko na si Chase pa lang ang nandoon, good timing. Nag-aalangan pa si Will kung hihingi siya ng pasensya o hindi. Tinakot ko naman siya na kung hindi niya gagawin ito, I will never ever speak to him again. Aba don't underestimate me, kaya ko yun! Eh ang tanong siya, kaya niya ba? "Ayaw ko, Dyl. Magmumukha akong gago!" Babalik sana siya sa restroom ngunit itinulak ko siya papunta kay Chase. "Huwag ka ngang ma-pride! Ikaw yung nagsimula nito eh, kaya tapusin mo!" Kinamot niya ang ulo niya at bumuntong-hininga.

     Sabay kaming umupo sa table. "Ummm... Chase, excuse me ah? May sasabihin daw sa'yo si Will." Chase look up from his phone at tinignan ako tas' inilipat niya ang tingin niya kay Will. "Ano ba yun, Will?" Nagtatakang tanong niya. "Errr... Uhmmm... Bro ano ummm..." Nag-iisip pa ata ang isang 'to eh! Kaya kinurot ko na siya sa hita niya. Sisigaw sana siya ngunit kinagat niya ang labi niya at sinimangutan ako, I wiggled my brows at him na sinasabing bilisan niya.

"Chase... P-Pasensya ka na kung medyo nababadtrip ako sa'yo ah. I mean, pasensya ka na kung iniinis kita o ano man." Mahinang sabi niya. Mag-rerequest sana ako na lakasan niya ngunit nagsalita na si Chase.

"Huh? Ano'ng ibig mong sabihin?"

Napanganga ako sa sinabi niya, "H-Hindi mo ba feel, Chase? Na medyo hindi maganda ang timpla niya sa'yo?"

     Nag-isip muna siya tas' umiling. I almost slapped my face. Napaka-dense naman ng tao na ito! "Para sa akin normal naman ata ang trato ni Will sa akin. Palagi lang siya sigurong bad mood kaya ganun." Mukhang nag-iisip pa ata siya ng sasabihin niya. Huminga nalang ako at umupo, ang gulo nila kasing dalawa.

Bumalik na si Riley kasama si Rimi na bitbit ang mga trays. Tinulungan na sila nina Chase at Will. Masaya kaming nagkuwentuhan habang kumakain.

...

     Dumating na kami sa tapat ng bahay namin at nakita kong bumaba na si Riley, Rimi at Chase sa sasakyan at kinuha ang mga gamit ko sa compartment ng kotse. Bababa na sana ako ng hawakan ni Will ang braso ko. Tinignan ko ito at nilipat ko ang tingin ko sa mga mata niya. Iniwasan niya ako ng tingin, "P-Pasensya ka na Dyl ah. Masyadong immature ang pinakita ko sa inyo ni Chase, I'm sorry." His eyebrows slanted as he apologizes. Ngumiti ako at dahan-dahan na ibinaba ang kamay niya, "Aaminin ko, nabwisit talaga ako sa'yo ngayong araw." Nag-pause ako at sinandal ang likod ko sa upuan tas' tinignan siya. "Apology accepted, Will." Napangiti rin siya sa mga sinabi ko.

Nag-paalam na ako sa kanya.


     Umalis na rin si Chase kaya tinulungan ako ni Rimi't Riley na ipasok ang mga gamit ko sa bahay. Nang makaalis na sila humiga ako sa sofa. Mabilis rin akong nakatulog dala na siguro ng pagod.

Boy Meets Boy(BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon