THANK YOU FOR READING!
PLEASE COMMENT, VOTE AND FOLLOW..
—-
Chase's smexy POV(Yeeey!)
Napatakbo ako sa parking lot ng university at dali-daling pumasok sa loob ng kotse ko. Grabe ang sakit ng mukha ko. Tinignan ko ang sarili ko sa rearview mirror at napasimangot ako ng makita ang namumuong pasa sa ilalim ng mata ko. Haaay, nakakabwisit talaga.
"Alam mo..." Sabi ni Will. "Napakagago mong tao. Ang babaw ng ikinagagalit mo. Nagagalit ka dahil nakipagkaibigan ka sa isang bakla! Wala kang kwenta!"
Bumalik sa isipan ko ang sinabi ni Will at napapikit ako. Nagagalit ako kasi tama ang sinabi niya. Napakababaw kong tao at wala akong kwenta. Mabait naman si Dylan eh, ang problema ko lang sa kanya ang peste niyang kabaklaan. Marami na akong naririnig na mga chismis na bakla daw siya, ngunit hindi ko na lang pinansin ito dahil alam kong hindi naman totoo. Lalake naman siya kung kumilos, mag-salita at manamit.
"Argh!" Sumigaw ako at ipinagsusuntok ang manebela sa harapan ko hanggang sa mapagod ako. Bakit ba napakahirap sa akin na tanggapin na bakla si Dylan?
Napabuntong hininga ako at nagmaneho na para makauwi.
Nang makarating ako sa dorm, pinark ko na ang kotse ko sa usual kong parking space at pumasok na sa loob. Umakyat ako hanggang third floor at pumasok na sa kwarto ko, "O anyare jan?" Napatingin sa akin si Vincent, roommate ko. Hindi ko siya pinansin at dumiretso na sa mini-ref namin. Kumuha ako ng yelo at ibinalot ito sa isang towel. Umupo ako sa sahig at nilagay ang yelo sa pasa ko.
"Sinuntok ako ni Will." Sagot ko.
Hininaan ni Vincent ang volume ng tv at napatingin sa akin. "Will? Will Ignacio?" Tanong niya, umirap ako. "May iba pa bang Will sa university?" Sagot ko. Nagkibit-balikat siya. "Eh bakit ka naman niya sinuntok?" Tanong niya. "Tinulak ko kasi si Dylan eh, malay ko ba na nanjan pala siya."
"Lemme guess... Nagmamakaawa na naman siya na patawarin mo siya?"
"May iba pa ba?"
He put his hands behind his head at nagbuntong hininga. "Hay naku, Chase. Bakit hindi mo na lang kasi patawarin ang tao. Sa ginagawa mo parang may krimen na ginawa si Dylan sa'yo, palagi mong pinaiiyak at sinasaktan." Sabi niya, sumimangot naman ako. "Hoy, Vincent. Siya ang habol ng habol sa akin, sinabihan ko na siya na huwag na akong kausapin ang kulit eh! At hindi ko siya pinaiiyak, siya mismo ang umiiyak." Sagot ko.
"Para kang bata, Chase. It's a very small issue, pinalalaki mo eh! Para kayong nasa relasyon. I'm sure may rason naman yang si Dylan eh."
"He's taking our friendship for granted! I'm sure masayang-masaya yun kapag inaakbayan ko, palibhasa bakla eh... At bakit mukhang kampi ka pa sa kanya ha? Bakla ka rin ba?"
Sa pagkakataong ito pinatay niya na talaga ang tv at tinignan ako. "Una, wala akong kinakampihan nagsasabi lang ako ng totoo at pangalawa, hindi ako bakla alam mo naman na may girlfriend ako." Umirap ako sa sagot niya. "Huwag ka dapat magpapaapekto sa nakaraan mo," dagdag niya.
Ang nakaraan ko?
Kasing drama ng mga teleserye sa tv, hindi biro lang.
Iniwan kami ng papa ko noong walong tanong gulang pa lamang ako, palagi silang nag-aaway ni mama. Palaging may sigawan at minsan nagkakasakitan na rin. Pag nag-aaway sila nasa kwarto lang ako, pero dinig na dinig ko ang mga sigawan nilang dalawa. Wala akong nagawa kundi umiyak at magkunyari na wala akong naririnig. Pero ng makita kong nag-aaway sina mama't papa, sinasampal at sinusuntok ni mama si papa pero hindi pinagbubuhatan ng kamay ni papa ang mama ko. Tinatanggap niya lang ang sakit na binibigay ni mama.
BINABASA MO ANG
Boy Meets Boy(BoyXBoy)
RomanceIs it possible for a two boys to fell in love with each other? Warning! BoyXBoy! Read at your own risk.
