Chapter 19~

5.4K 97 5
                                        

Salamat sa pagbabasa! Vote, comment and follow!

Xoxo,

CHiZUMi

---

     Makalipas ang dalawang linggo nakalabas na si ate ng ospital. Nag-leave na muna siya sa trabaho, nabali kasi yung kaliwang paa niya eh at maghihintay pa siya ng isang buwan bago ito gumaling at makapagtrabaho siya ulit.

     Hindi na rin kami nag-uusap ni Chase, pero pagkatapos niya akong tulungan-- kapag nagkakasalubong kami sa hallway nginingitian namin ang isa't-isa. Parang good sign na rin ata yun na medyo nakapag-relax na yung utak niya.

May klase ako ngayong umaga, usually isang araw lang naman ang schedule ko ng morning class sa isang linggo and the rest ay nasa hapon na. Habang nag-aayos ako ng gamit at naghahanda papuntang school, nakuha ang pansin ko ng isang sweatshirt at jogging pants na nasa ibabaw ng dresser ko. "Kelangan ko itong ibalik kay Chase..." Bulong ko sa sarili ko. Nalabhan ko na ito eh, nakakalimutan ko lang talaga isauli sa kanya dahil sobrang busy namin noong nakaraang dalawang linggo.

Pagbaba ko nakahanda na yung almusal. Tinulungan ni mama na makaupo si ate sa silya, dahan-dahan siyang umupo rito at bumuntong-hininga. "Ang hirap pala maging pilay." Reklamo niya. "Hindi naman permanente yan eh." Sagot ko at umupo na sa tabi niya. Nag usap-usap kami at nagpaalam na rin ako.

Nag-cocommute na lang ako papuntang university, kahit na nag-iinsist si papa na ipag-drive ako-- ako naman itong masipag na tumanggi. Pagkatapos ng nangyari kay ate na trauma na ata ako kapag may humatid o sumundo man lang sa akin na kotse. Kaya mabuti na rin itong nag-cocommute ako, tipid pa sa gasolina.

Natandaan kong may klase rin pala si Chase tuwing umaga. Medyo maaga natapos yung klase namin, nagdesisyun akong maghintay sa labas ng classroom nila. Mabuti na lang at makalipas ang sampung minuto, nakalabas rin sila. Nagulat siya ng makita ang pagmumukha ko na sumalubong sa kanya.

"Chase!" Bati ko.

"O? Andito ka pala." Aniya.

Sinabihan niya ang mga kasama niya na mauna na. "Kamusta yung ate mo?" Tanong niya. Nag-aalala din pala siya, "Ok naman siya... Pinipilit niyang maka-recover ng mabilis." Sagot ko. Nagsimula na kaming maglakad ng mabagal, "Mabuti naman yun." Nilagay niya ang dalawa niyang kamay sa bulsa ng kanyang pantalon. "Ay nga pala!" Tumigil ako sa paglalakad at kinuha ang isang paper bag sa backpack ko, "Yung ginamit kong damit ng matulog ako sa dorm mo. Ito na... Huwag kang mag-alala, nilabhan ko yan ng todong-todo." Inabot ko sa kanya ang paper bag. "Nag-abala ka pa talaga." He snickers. Nagsimula kami ulit na mag-lakad. 

"Dylan?"

"Uh-- bakit?"

"Labas tayo. I mean, kumain lang sa labas at... Mag-usap?" He offered. Napatingin ako sa kanya, kitang-kita ko sa mata niya na medyo naiilang siya t natatakot. "H-Huwag na." Sagot ko, pinilit kong ngumiti. Baka masaktan na naman ako pag-sumama ako sa kanya. "B-Baka... Baka sayangin ko lang yung oras mo." Tahimik na sagot ko. Tinignan ko siya sa mga mata, "Bye... Alis na ako..."

When I was about to walked away, napatingin ako sa kamay niya na hawak-hawak ang pulso ko.

"Sige naman o." Pagmamakaawa niya. "H-Hindi ako magiging gago! Pramis."

I slide my eyes to the side para iwasan ang tingin niya. "Hindi ko alam eh." Nagkibit-balikat ako. "Baka saktan mo na naman ako." Mahinang sabi ko. Magsasalita pa sana ako ng kaladkarin niya ako sa hallway. "O-Oi, Chase! Teka lang!" Sabi ko. Wala siyang sinabi at nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa parking lot, pumasok na lang ako sa kotse at pinaandar niya naman ito. "Hindi mo naman siguro ako papatayin, diba?" I squeak habang nag-ddrive siya. Napatingin siya sa akin at tumawa ng mahina, "Grabe ka naman. Mukha ba akong mamamatay sa'yo?" Aniya. Sumimangot ako, "At bakit hindi? Sinuntok mo naman ako nun diba? Dinuraan, tinulak at sinaktan." Nawala ang ngiti niya sa mga sinasabi ko.

"Kaya nga tayo mag-uusap."

"Itigil mo na ang kotse, bababa ako. Baka pinagttripan mo lang ako." I said sternly.

"Ano!? H-Hindi! At bakit ko naman gagawin yun?"

Umirap ako, "Para gantihan ang mga walang kwentang bakla kagaya ko. Ibababa mo na ngayon ito, idedemanda na talaga kita pag pinagpatuloy mo pa ito." Pagbabanta ko sa kanya.

Sa totoo lang hindi ko naman talaga magagawa yun. Tinatakot ko lang siya dahil natatakot na ako ngayon sa kanya, all those memories na sinaktan niya ako emotionally and physically ay bumabalik na sa alaala ko.

"Ibaba mo ako."

"Hindi. Ayoko."

"SABI NGANG IBABA MO AKO! KUNG AYAW MONG ITIGIL 'TONG KOTSE MO TATALON TALAGA AKO!" Binuksan ko ang pinto ngunit patuloy pa ring tumatakbo ang kotse niya.

"Dylan, ano ba!?" He reach for the door and closed it.

Tinigil niya ang kotse niya sa tabi ng daan at bumaba na ako. Hindi ko kayang manatili sa tabiniya, natatakot ako at nasasaktan. Balewala lang yung pananakit niya sa akin? Konting usap lang at sorry, babalik na ang lahat sa dati. Naglakad na ako paalis ng kotse niya, "Dylan, teka sandali!" Hinawakan niya ang braso ko para harapin ko siya.

 "Ano ba!?" Sigaw ko. "Ano ba ang gusto mo, Chase!? Mura? Suntok?" I grabbed his hand at diniin ito sa mukha ko. "Gawin mo na! P-Pero pagkatapos nito... Tigilan mo na sana ako." Sabi ko. Nagulat siya sa rekasyon ko. "Ano bang gusto mong gawin ko para tigilan mo na ako?" I wipe my eyes with the back of my hand para punasan ang mga luha kong hindi ko namalayan ay tumutulo na pala. Kinuha niya ang kamay niya, "Ang kapatawaran mo." Sagot niya.

Natigil ako sa pag-iyak at tumingala sa kanya. "A-Ano?" Gusto ko lang marinig ulit yun, yung sinabi niya. Baka nagkamali lang ang tenga ko ng pagrinig. "Sabi ko gusto ko yung kapatawaran mo." Sabi niya. "I'm sorry." He says breathlessly. "I-I'm sorry kung naging gago ako these past few weeks. Nabigla lang ako, Dyl. I'm very sorry, sana mapatawad mo ako." He blurted out. I looked at his pleading eyes, "So ganun lang yun?" I scoffed. 

Ganun-ganun lang? Sorry, tas' ok na kami? "Sa tingin mo, Chase... Bakit pa kaya may mga pulis sa mundo kung lahat naman ng kagaguhan ng tao pwede idaan sa sorry?" Sabi ko, hindi niya ako sinagot. "Alam--" Natigil ko ang dila ko sa pagsasalita, it's now or never dapat niya lang malaman kung gaano naging miserable ang buhay ko sa ginawa niya sa akin. "Alam mo ba kung ano'ng pinagdaanan ko noong nakaraang linggo?" Sabi ko. "Napakababa ng tingin ko sa sarili ko, Chase.... Sana... Sana namatay na lang ako. Sana... Hindi na lang ako nabuhay pa." My lips are quivering when I said that. "P-Pero salamat sa pamilya at mga kaibigan ko... Nabuhayan ulit ako ng loob para mabuhay pa, they made me realize kung gaano kasaya mabuhay."

"Sana naging masaya ka ng maging miserable ako, Chase..."

     Hindi siya makapagsalita pagkatapos kong sabihin iyon, he took a deep long breath and said "Alam ko na hindi ko na maibalik ang panahon, Dyl. Ngayon ko lang nalaman na mali ang ginawa ko at pinagsisisihan ko yun, Dylan. Sana paniwalaan mo ako dahil nagsasabi ako ng totoo." Paliwanag niya. "Gagawin ko ang lahat para mapatawad mo ako. Kahit na hindi na tayo mag-usap o magpansinan, ayos lang sa akin... Basta mapatawad mo ako sa ginawa ko, Dylan. Naguguluhan lang kasi ako noon."

     Sa boses niya pa lang alam ko na na nagsasabi siya ng katotohanan. Pero hindi pa ito ang tamang oras, kelangan ko pa ng mas maraming panahon na makapag-isip. Hindi madaling magpatawad, at alam ko na nagiging misirable rin ngayon si Chase sa ginawa niya sa akin. Pero wala naman akong magagawa nangyari na, nasaktan na niya ako.

"K-Kelangan ko lang ng oras, Chase..." Bulong ko. "Kailangan ko lang mag-isip."

I heard him sigh, "Naiintindihan ko... Pero sana, Dyl. Mapatawad mo ako." Sabi niya.

Tinignan ko siya and I walked away from him.

Naguguluhan ako.

Ano ba talaga ang gagawin ko?

Boy Meets Boy(BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon