"Dylan..."
Nagulat ako ng may biglang yumakap sa likuran ko. Hinawakan ko ang kamay niya. "C-Chase?" Tanong ko. I turn around to look at him. Puro puti lang ang kulay sa paligid namin tumingin-tingin ako. "Nasaan tayo?" Nagtatakang tanong ko. He shrugged, "Huwag ka ng magtanong pa..."
Hinawakan niya ang kamay ko at nagsimula na kaming mag-lakad.
"Saan naman tayo pupunta?"
Ngumiti siya sa akin, "Uuwi na tayo."
...
Meanwhile...
"Ate!!! Kuya Chase!!! S-Si Kuya Dylan po! Nahulog po dun sa may falls!" Sigaw ni Rimi.
Kinuha ni Chase ang lubid na nasa ibabaw ng lamesa at tumakbo sila ni Riley't Rimi papunta sa falls. Muntikan pang madapa si Riley ngunit nahawakan ni Chase ang braso niya. "S-Salamat!" She breath. "Mag-ingat ka. Madulas ang mga bato," sabi ni Chase.
"Oh my god! Nasaan si Dylan!?" Lumuhod si Riley sa gilid ng falls. "Nasaan siya!?" Sigaw niya.
Agad na hinubad ni Chase ang damit niya at tumalon sa rumaragasang tubig na galing sa falls.
"Ate..." Tumabi si Rimi sa ate niya at umiyak. "P-Patay na po ba si Kuya Dylan?" Niyakap siya ni Riley. "H-Hindi ko alam. Pero... Huwag sana." Sabi ni Riley as she place her chin on Rimi's head. Nagulat siya ng biglang lumitaw si Chase sa tubig. "Nakita mo na siya?" Nag-aalalang tanong ni Riley. Umiling si Chase at pinahiran ang mga mata niya gamit ang likuran ng kamay niya. "Hanapin mo siya Chase. Please!" Pagmamakaawa ni Riley. Muling sumisid sa ilalim ng tubig si Chase.
"Diyos ko po... Iligtas niyo po sana si Dylan. Please lang po," bulong ni Riley.
Tumingin si Chase sa paligid para mahanap ang nalunod na kaibigan. Ngunit ang nakikita niya lang ay mga bato. "Dylan naman o! Nasaan ka na bang bata ka?" He thought. He swam further, ng maramdaman niyang mawawalan na siya ng hininga agad siyang lumangoy pataas para makakuha ng hangin at muling sumisid.
"Dylan, magpakita ka naman! Parang awa mo na!" Sigaw ni Chase sa utak niya.
Lumangoy siya ulit at may nakita siyang isang figure na palutang-lutang. Lumangoy siya papunta rito at natuwa naman ng makita niya ang hinahanap niya. Si Dylan, nakapikit ang mga mata at nakasabit ang damit sa isang sanga ng kahoy na lumubog. Ito ang dahilang kung bakit hindi na siya naanod ng rumaragasang tubig. Lalapitan sana siya ni Chase ngunit nagtaka naman ito kung bakit may pumipigil sa kanya. Napatingin siya sa lubid na nakatali sa paa niya. Dali-dali niya itong hinubad at nagpaanod sa tubig.
He grabbed Dylan on the arm at lumangoy pagilid habang ang isang kamay nakahawak sa sanga para hindi maanod ng tubig. "P*ta naman o! Kung bibitawan ko ang sanga pareho kaming mamatay! Bwisit!" He told himself. Pinilit niyang lumangoy pataas.
"RILEY!!!! RILEY!!! ANDITO KAMI!!!!!!" He shouted with full force at muli siyang bumalik sa ilalim ng tubig. "Ligtas ka na Dyl. Wag mo muna kaming iwan, please..." Niyakap niya ang nakapikit na kaibigan.
Narinig ni Riley ang sigaw ni Chase ilang metro lang sa kintatayuan nila. Tumakbo siya papunta rito, inabot sa kanya ni Rimi ang isang mahabang kawayan. Inilagay niya ang dulo ng kawayan sa tubig. "Chase!!!" Sigaw niya. Agad na lumitaw si Chase sa tubig habang nakahawak ang isang kamay sa kawayan, "Kunin mo si Dylan!" Aniya. Iniabot niya si Dylan kay Riley, tinulungan naman siya ni Rimi at pinahiga si Dylan putikan.
"Dyl! Dyl! Gumising ka!!!" Hinawakan ni Riley ang pisngi ni Dylan habang umiiyak. "Please gumising ka!" Niyakap niya ang kaibigan at umiyak.
Chase immediately pull himself out of the water at tinignan ang isang walang malay na Dylan. "Chase, dalhin natin siya sa ospital!" Riley cried. Tinignan siya ni Chase at ibinalik ang tingin sa nakahigang kaibigan. Umiling si Chase at tinabihan si Dylan. He ripped Dylan's shirt at nilagay ang dalawang kamay sa dibdib ni Dylan and he started to pump it. "Come on... Gumising ka Dyl..." Bulong niya. "Rim, kumuha ka ng tuwalya dali!" Utos niya. Agad namang tumayo si Rimi at tumakbo papuntang tent.
BINABASA MO ANG
Boy Meets Boy(BoyXBoy)
RomanceIs it possible for a two boys to fell in love with each other? Warning! BoyXBoy! Read at your own risk.
