Salamat sa pagbabasa! Comment, vote and follow :)
Xoxo,
CHiZUMi
---
"O? Mukhang ang lalim ng iniisip mo ah?" Will asks as his body sways on the water.
"Pano hindi lalalim? Eh na friend zone eh." Riley snickers and jumps on the pool.
Umirap ako at bumuntong-hininga. Ito pala ang pakiramdam ng infamous 'friend zone' feeling. Yung masaya ka nga dahil nandiyan siya palagi sa tabi mo. Palagi mo siyang nakikita, palagi mo siyang nakakasama. Pero hindi na lalagpas dun, hanggang 'friend' ka lang talaga. I'm happy but I'm also devastated.
"Friend zone? Kanino? Don't tell me kay Chase?" Sumimangot si Will.
"Alangan naman kay Karen diba?" Tumawa ng malakas si Riley.
Grrr. Kung hindi lang ako hydrophobic, humanda talaga sila sa akin. Pasalamat sila may tubig na nag-desperate sa kanilang dalawa. Dahil kung lupa yang tinatapakan nila, kanina ko pa sila nasampal. Hmp.
Nakaupo lang ako sa gilid ng pool habang nagmamasid sa kulitan ni Riley at Will. Seriously, nasa kolehiyo na ba sila? Katawan lang ata nila ang lumaki, pero ang maturity level nila naiwan pa ata sa grade school. I move my feet which is dipped down on the water.
"Andito lang ang pagkain ha." Sabi ni Tita Anna habang nilalagay ang sari-saring prutas at tinapay sa ibabaw ng mesa. Nginitian ko siya at tumango.
I'm getting hopeless.
---
Chase's POV
"Wahahaha! Akalain mo talo ka na naman!?" Pangungutya sa akin ni Vincent. Katatapos lang naming mag-laro ng Capcom vs. Megaman. Sa limang beses naming itong laruin, iisa lang ang panalo ko. Hinagis ko sa kanya ang controller at nasalo naman niya ito.
"Ano ka ba?" Medyo naiinis niyang sabi habang tintinitignan ang controller kung may sira ito. Humiga ako sa kama at nag-isip. Ewan ko pero medyo nalulungkot ako para kay Dylan, masakit siguro sa kanya na marinig na hanggang kaibigan lang talaga kaming dalawa.
"Kanina ka pa nag-iisip." Nakasimangot na sabi ni Vincent habang pinup lot ang kalat namin na lalagyan ng chips na nakakalat sa sahig.
"Vince." Sabi ko. "Gustong-gusto pala ako ni Dylan. Nalaman ko noong party ni Francis at hinalikan niya ako doon." Binilisan ni Vincent ang pagpulot ng mga kalat at tumabi sa akin. "Ha!? Seryoso ka, pre!? Eh ano ba talaga ang nangyari?" Nagtataka niyang tanong.
"Nalasing siya eh. First time niya atang uminom ng todo, tinulungan ko siyang umakyat para makapagpahinga. Pero ng nasa taas na kami medyo naging over-emotional ata siya. Kung ano-ano ang pinagsasabi niya at hinalikan niya ako." Paliwanag ko. "Ohhh..." Sabi ni Vincent. "Tapos?"
"Ayun nag-away na naman kami. Nagpapaliwanang ako pero ayaw niyang makinig kung ano-ano'ng konklusyon iniisip niya. Pero nag-bati na kami noong isang araw at sinabi ko sa kanya na hanggang magkaibigan lang talaga kami, wala ng hihigit pa dun."
"Ayun naman pala eh! Edi wala ka ng problema!" Nakangiting sabi ni Vincent. "At least klaro na sa kanya na hanggang pagkakaibigan lang talaga ang pwede mong maibigay sa kanya."
Eh yun na nga ang problema eh. Nakokonsensya ako. Hindi ko alam kung bakit ko ito nararamdaman, yung tipong naawa ako sa kanya tsk.
...
Nakaupo ako sa pinakadulo ng classroom at nakikinig sa guro ko habang nagbibigay siya ng lecture. Ilang araw ko na ding hindi nakikita si Dylan, aaminin ko namimiss ko siya. HOY! Ayan na naman kayo! Namimiss ko siya bilang 'kaibigan' ha! Baka kung ano-ano naman yang nasaisip niyo!
BINABASA MO ANG
Boy Meets Boy(BoyXBoy)
Storie d'amoreIs it possible for a two boys to fell in love with each other? Warning! BoyXBoy! Read at your own risk.