So last week has been a blast kasi ang daming votes na na-receive ko. So here is the update! Hope you enjoy it goise!
---
“Pa!” Bulalas ko at nilapitan ko siya. “K-Kanina ka pa ba diyan?” Kitang-kita ko sa mukha niya na seryoso siya.
“Oo.” Patay.
Pumasok na kami sa loob ng bahay at inabutan niya naman ako ng tuwalya. "Sino ba yung kasama mo, anak?" Nakahinga ako ng maluwag. Haaay... Mabuti naman hindi niya nakita ang pagmumukha ni Chase. "Si Will ba yun? Ba't ampanget naman ata ng sasakyan niya?" Grabe naman itong si papa, pag luma na panget agad-agad? Huwag naman ganyan. "Hindi po iyon si Will." Magalang na sagot ko at umupo na sa sofa. "Si ano po iyon..." Isip, Dyl! Mag-isip ka dali!!! "Si Paul po."
"Paul?"
"Ummm... Kaklase ko po. Nag-offer kasi siya na ihatid ako. Gusto ko ho sanang tawagan kayo, dahil magpapasundo ako. Pero dahil na rin siguro sa sobrang lakas ng ulan, nawalan ho ng signal ang cellphone ko." Paliwanag ko, tumayo na ako para makapag-shower naman at makaiwas sa sakit. "Ah, ganun ba." Narinig kong sabi niya.
"Anjan na ba si Dylan?" Pagtatanong ni mama.
"Oo. Maliligo lang siguro sandali." Sagot naman ni papa.
"Dylan, anak?" Tawag ni mama. "Po?" Sagot ko. "Bilisan mo diyan para makakain tayo."
"Oho."
Pumunta na ako ng kwarto ko at naligo. I smile as the cold water hit my face and my body, ang sarap sa pakiramdam ng marinig ko ang sinabi ni Chase kanina. Sana pwede ko iyon ma rewind.
I touch my lips with the tip of my hand. S-Second kiss? I never thought of getting one, at kay Chase pa nanggaling ah. Paano kaya kung walang bumusinang sasakyan kanina? I shake my head just thinking about it. Masyadong adance ang utak mo, Dyl. Kalma lang. Nanlaki naman ang mga mata ko ng yumuko ako.
Na excite naman ata ang buddy-buddy ko, enebeyen.
---
"Hallo...? Dylaaan? Yohooo?"
Riley wave her hands in front of me and I snapped back to reality. "Napapansin ko palagi kang tulala ah?" Nagtatakang tanong niya. "At palagi ka ng nakangiti? Anyare ba? Chika ka naman o? Ako lang kasi ang dumadaldal rito." Aniya sabay sara ng laptop niya, nasa library kasi kami ngayon. Sinamahan ko si Riley para tapusin ang mga assignments and reports niya. "Kuwento ako ng kuwento, hindi ka naman pala nakikinig." Naka-pout na sabi niya, ito talaga si Riley ang bilis mag-tampo.
"Sorry ah."
"Ano kasi eh..." I smiled a little and scratch the back of my head. Nahihiya ako na sabihin sa kanya, kasi everytime na kinukwento ko o e-rereplay man lang nangyari sa utak ko. Kinikilig ako hihi. Sino ba namang normal na tao ang hindi kikiligin pag nalaman niya na gusto pala siya ng taong gusto niya din, aber?
BINABASA MO ANG
Boy Meets Boy(BoyXBoy)
Roman d'amourIs it possible for a two boys to fell in love with each other? Warning! BoyXBoy! Read at your own risk.
