Chapter 2~

10.5K 168 10
                                    

     Nakatingin ako sa labas ng bintana habang pinagmamasdan ang mga varsity players ng athletics siguro na nag-wawarm up. Sino kaya yung lalake kanina? Yung bumangga sa akin. Grabe, ang gwapo. Freshman kaya siya? O di kaya naman kakalipat lang niya this sem? Hindi ko alam. At gusto kong alamin.

“Mr. Alegre,”

Saka ko nalang naramdaman na tumibok ulit si heart ko pagkatapos ng pagkasawi ko kay Will.

Wow, ha. Pagkasawi talaga? BIG WORD!

“Mr. Alegre,”

Biruin mo yun? Ang OA ko pagdating kay Will ah kasi naman-

“MR. ALEGRE!!!”

     Napatayo ako ng tinawag ni Sir Barcelona ang pangalan ko. “Nakikinig ka ba?” Tanong niya. Tumango ako, “O-Opo, Sir Barcelona,” pagsisinungaling ko. Third year student na ako pero mukhang hindi talaga namin matapos-tapos ang history ng arts & photography ah. In-adjust ni Sir Barcelona ang salamin niya na kasing kapal na siguro ng isang notebook ang lense.

“Ha! Nag-iimagine siguro yan na kahalikan ang crush niya, sir,” napatingin ako kay Michael. Lintek din ang isang ‘to eh. Wagas kung makapagmura at maka-tukso sa akin.

Tumawa ang buong klase.

“Haha, Michael. Tignan mo muna yang mala-airport mong noo,” umirap ako at umupo. Binigyan ako ng matalim na ngiti ni Michael.

“Bakla,”

“Airport,”

“Bakla! Bakla ka! Kadiri!”

“Airport! Gusto mo tawag ako ng eroplano para landingan yang noo mo?” Tumawa ng malakas ang buong klase.

     “Tama na! Ikaw Mr. Alegre! Basahin mo ang chapter twenty-five third paragraph at iexplain sa buong klase!” Nagalit si Sir Barcelona. Benelatan ako ni Michael at inirapan ko naman ito. Impakto talaga yang lalakeng yan. Grrr…

     Mag-isa ako ngayon na kumakain dito sa canteen. Palibhasa kasi, si Riley may appointment sa kanyang professor at may group project naman si Will kaya nasa labas siya. Tumingin-tingin ako sa paligid. Halos puno lahat ng mesa sa canteen ah. Bawat mesa kasi para ng may naka-assign para umupo dun. Meron sa mga gwapings, puro lang gwapo ang nakaupo dun. Gwapings diba? Meron din sa mga cheerleaders. Eww, kadiri at nandun si Karen. Cheerleader kasi ang bruhang yun. Meron ding mga varsity players o mga jocks. Meron din sa nerds, ewan ko kung kumakain pa ang mga yan. Sa nakikita ko puro libro kasi ang nasa mesa eh, biruin mo ginawang library ang canteen. May mesa din sa mga sosies, sila yung mga di kotse papuntang school at nag-oorganize ng parties. Meron din sa mga selfies. Kapag kumain, selfie. Kapag, bibili selfie. Kapag mananalamin, selfie. Haaay, spell vain nga naman.

Kung nagtatanong kayo kung saan ako nabibilang.

Wala. Katamad kaya yung mga ganun. Grades naman ang basehan sa pag-aaral ah. Hindi naman sa estado mo sa buhay o sa pananamit at mukha mo.

 Nginunguya ko ang inorder kong fries habang tumingin-tingin sa paligid ng canteen.

“Hi, pwede bang umupo?” May nagtanong.

     Nang tumingala ako nahulog yung nakabitin na fries sa bibig ko. Si… Si… Si skateboard guy! Jusme! Ano’ng ginagawa niya rito? Kinaway niya ang kamay niya sa harap ng mukha ko. “Hello. Pwede bang umupo? Tulala ka kasi eh. Hehehe,” medyo tumawa siya at napakurap naman ako. “Ah, eh… Oo naman!” Kinamot ko ang likod ng ulo ko. Che! Nakakhiya naman ‘to! “Salamat ah. Ngumiti siya saken at umupo sa harapan ko. “Ang tahimik mo noh? At tulala ka pa palagi,” aniya. Yumuko ako at kinain na lang yung fries ko. Para akong matutunaw kapag tinignan ko siya!

Boy Meets Boy(BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon