Omg. Tignan mo nga naman chapter 29 na ako. Usually, kapag sumusulat ako hanggang chapter 5 lang ako or chapter 10. Himala na ito na umabot pa ako ng chappy 29 haha. At dahil yun sa inyo! Yes! Ikaw na bumabasa ngayon nito.
Thank you so much for reading! I estimated that this story will span to have fifty or sixty chapters. Comment, vote and follow:)
Oh! Baka nagtataka kayo kung bakit iniba ko ang username ko. Wala langs hehe. Ayaw ko na kasi ng CHiZUMi eh lol. Don't worry, permanent na ito. I'm not going to change it na.
---
Chase's POV
Pumasok na ako ng bahay and I let my eyes roam around the area. Wala namang nagbago, maliban lang sa bagong sofa na binili siguro ni mama. Binitbit ko na ang bags ko at tinungo na ang kwarto ko na nasa second floor ng bahay.
Napangiti naman ako ng makapasok ako rito. Parang lahat ng alaala ng bata pa ako ay bumalik. I looked at the decorations and everything. Mabuti naman at hindi iniba ni mama ang ayos ng kwarto ko. I let my body fall on the bed at bumuntong-hininga.
For the first time in a few days naramdaman ko na medyo nakapag-relax ako. Siguro tama ang desisyon ko na umuwi muna para pagpahingain ang utak at katawan ko sa maingay na siyudad at sa mga problema.
I heard footsteps approaching my room, "Chase?" Binuksan ni mama ang pinto. "Anak ikaw ba yan?" And poke her head in my room.
Agad naman akong tumayo at niyakap siya. "Ma!" Sabi ko na tuwang-tuwa. Niyakap niya din ako ng mahigpit. "Hindi ka man lang nag-sabi na uuwi ka!" She pulled back at maluha-luha akong tinignan. "Sana nakapaghanda man lang ako o di kaya nakapag pa reserve ako sa paborito mong kainan." Umirap ako at nginitian siya, "Ayos lang ho yun. Biglaan naman po ang pag-uwi ko eh."
"Teka. Ba't ka nga ba umuwi?" Nagtatakang tanong niya.
"P-Para ho makapag-isip."
She covered her mouth with both hands. "Don't tell me may nabuntis ka!" She gasps and I gape at her. Si mama talaga o, kung ano-ano ang iniisip!
Tumawa ako at inakbayan siya, "Hindi po! Wala po akong girlfriend!" Lumabas na kami ng kwarto. "Miss ko na ho kasi kayo eh at wala naman pong masama kapag dinadalaw ng anak ang ina di po ba?" Ok this might work. Ayaw ko naman sabihin kay mama na, 'Yo, ma! Andito ang anak niyo dahil naguguluhan siya. Your son likes peepee rather than vajayjay!'
Uh no.
Bumaba na kami at dumiretso na kami sa kusina, "Grabe na touch naman ako dun, anak!" Nginitian niya ako. "Nakakain ka na ba? Ipaghahanda kita ng meryenda kung gusto mo. Oh! And may ni rekomenda ang office mate ko na resto na malapit lang. Dun na lang tayo kumain mamaya." Tumango na lang ako. Hindi naman ako makaangal ke mama pagdating sa food trip eh.
BINABASA MO ANG
Boy Meets Boy(BoyXBoy)
Storie d'amoreIs it possible for a two boys to fell in love with each other? Warning! BoyXBoy! Read at your own risk.
