So this is it. Naka-UD na rin ako sa wakas:) Busy kasi for the exams last week eh kaya ngayon ko lang naisulat ito. Enjoy:D
Dylan's POV
"Ummm, Francis?" I tapped his shoulder at tinignan niya naman ako.
"O, Dylan? May kelangan ka ba?" He pushed his glasses back with his middle finger. Nasa laboratory ako ngayon ng culinary arts. Tumingin-tingin ako sa paligid ngunit hindi ko talaga makita si Chase, I gripped the strap of my bag at tumingala sa kanya. "Nakita mo ba si Chase?" Tahimik na tanong ko.
"Wala eh." He sighed. "Ilang araw na din siyang hindi pumapasok." Napatingin siya sa akin, "Akala ko nga alam mo eh. Tutal mukhang close naman kayo."
I bit my lower lip at umiling ako, "May alam ka ba kung bakit?" Nag-isip muna siya at umiling, "Wala eh. Hindi niya ako tinitext kung bakit siya absent, kahit na ang iba naming kasama hindi rin alam."
Bigla akong kinabahan, baka kung ano na ang nangyari kay Chase. "S-Salamat ha." I tried my best to smile. Lumabas ako ng laboratory na malungkot at nag-aalala. "O? May alam ba sila?" Sinalubong ako ni Riley si doorway. "Wala eh." Tinignan ko siya. "Hindi daw siya pumasok ng ilang araw." Hinawakan ko ang kamay ni Riley. "Ley, nag-aalala ako. P-Paano kung may nangyari sa kanyang masama? Paano kung na aksidente siya? Na hit and run at hinayaan na lang mamatay sa kalsada? Paano kung binaril siya ng riding in tandem? Paano kung--"
"Shhh. Tama na, okay? Grabe ka naman mag-isip." She hold my hand tightly and we started to walk. "Baka nag-iisip lang yang si, Chase. Nagmomoonie-moonie kumbaga. Diba sabi mo bibigyan mo siya ng oras para mag-isip?" She assured me. Pero kahit na, hindi naman ibig sabihin nun na kelangan niyang umabsent. "Hindi naman niya kelangan umabsent eh."
"Ley, natatakot ako."
Tumigil kami sa paglalakad at niyakap ako ni Riley. "You're just over-thinking. Na try mo na ba siyang e-text o tawagan?" Tumango ako. Everytime na tumawag ako hindi niya sinasagot o di kaya off siguro ang phone niya.
"Kasalanan ko 'to eh." I run my fingers through my hair and let out a shaky breath. "K-Kung hindi ako dumikit sa kanya at sinabi ang nararamdaman ko hindi dapat nangyayari ito ngayon."
"Look." Sabi ni Riley. "Wala kang kasalanan. Sinabi mo lang naman sa kanya ang nararamdaman mo, walang masama dun Dyl. At hindi mo din kasalanan na mahuhulog din pala si Chase sa'yo. Desisyon na iyon, Dyl." Kahit na ano'ng sabihin ni Riley parang nabibingi lang ako.
Kelangan kong makita si Chase o kahit na marinig man lang ang boses niya.
...
Lumipas pa ang isang araw at hindi pa rin pumapasok si Chase. Pumunta ulit ako sa laboratory ngunit hindi pa rin daw siya pumasok, wala din daw silang natatanggap na text o tawag sa kanya. I tried calling him and texting him, pero pareho pa din ang resulta. Walang sumasagot. Bwisit. I was dying of worried for him. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Hindi na ako makapag-concentrate sa lahat ng ginagawa ko dahil sa pag-iisip kung okay lang ba siya.
Alam ko naman ang sinabi ko na bigyan niya ng oras ang sarili niya na mag-isip tungkol sa aming dalawa. Pero, I didn't mean it this way. Na hindi na siya papasok o hindi niya na ako kakausapin.
BINABASA MO ANG
Boy Meets Boy(BoyXBoy)
Storie d'amoreIs it possible for a two boys to fell in love with each other? Warning! BoyXBoy! Read at your own risk.
