Chapter 3~

10K 162 1
                                        

SALAMAT SA PAGBABASA!!!

COMMENT, FOLLOW &VOOOOOTE!!! 

---

“Hey,”

     Tumingala ako kay Riley. Iniabot niya sa akin ang isang pirasong chocolate lollipop na may putting ribbon pa. Nasa may football field kasi ako ngayon nakaupo sa damuhan. Umupo si Riley sa tabi ko at inakbayan ako. “Come on, cheer up na. Sige ka papangit ka niyan,” sabi niya at pinahiran ang luha ko gamit ang kamay niya. Yes, umiiyak ako. Dahil kay papa. I laugh a little at nilagay ang lollipop sa bag ko. “Thanks,” tinignan ko siya at ngumiti ako ng matipid. Nilagay ko ang ulo ko sa balikat niya at bumuntong-hininga. “Ummm, gusto mo bang matulog sa bahay mamaya?” Alok niya.

Umiling ako. “Okay lang noh. Ilang araw lang si papa sa bahay,” sabi ko.

“Patingin ka ng best friend ko,” tinignan ako ni Riley ngunit niyakap ko lang siya.

“Ba’t ba kasi ayaw niya sa akin, Ri? W-Wala naman akong ginagawang masama ah?” Medyo napapaiyak na ako ngunit pinigilan ko ito.

Niyakap din ako ni Riley, “Shhh… Tahan na, Dyl. Matatanggap ka rin niya,” sabi niya.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ngayon na nasa bahay si papa.

“Okay, class! Yung project natin this semester will be individual. I repeat invidual siya ah,” sabi ni Ms. Annie yung photography teacher namin. Siya yung nagtuturo sa amin kung paano mapaganda ang isang litrato kapag kinukunan ito.

     Naka-tingin na naman ako sa labas. Walang tao ang field ngayon, tinignan ko ang langit. Maitim ito at mukhang malungkot. Parang kagaya ko. Pinilit kong makinig kay Ms. Annie para naman malaman ko ang gagawin ko this sem, pero parang ano’ng gawin ko ayaw makinig ng tenga ko at ayaw e-absorb ng utak ko ang mga sinasabi niya. Napabuntong-hininga na lamang ako at nilagay ang dalawang kamay ko sa ilalim ng chin ko.

Peste talaga ang buhay ko.

Inisip ko, ano naman kaya ang gagawin ko pagkatapos ng last period ko?

Uuwi? Ayoko. Nandoon si papa.

Pupunta kina Riley? Pwede din. Pero ayoko muna ma istorbo siya. Alam kong marami ang ginagawa niya. Pareho kaming nasa art department at interior designing naman ang kurso niya.

Sasama kay Will? No, no… Basta sa pagkakataong ito ayoko muna sa kanya hindi ko rin alam kong bakit.

Argh!!!! Wala akong maisip!!!! Mag-mamall na lang siguro ako. Kahit mag window shopping man lang.

     Tinignan ko ulit si Ms. Annie na patuloy pa rin sa pagpapaliwanag ng big project this sem. “Alam niyo class mag-eenjoy talaga kayo ngayong sem!” Pinilit niyang ngumiti sa buong klase na mukha namang haggard ang buong itsura. “Since kokonti lang tayo nag-imbeta ako ng mga let’s say may mga itsura sa ibang department. They will serve as your models. Yung theme natin will be…” Kumuha siya ng chalk at nag-sulat sa blackboard.

“A place where angels fly,” sulat niya.

Weird huh?

     “Maganda, diba? Gusto kong e interpet niyo ang theme na yan. Bahala kayo kung paano niyo gagawin yan but ayokong makakita lang ng maganda. Gusto ko yung pinaghirapan. Ginugulan ng oras at syempre ang passion niyo for photography,” paliwanag niya. Medyo napangiti naman ako sa theme namin, at least may pagkakaabalahan ako ngayon. Habang nag-eexplain si Ms. Annie ng mga criteria namin, nag-bbrainstorm naman yung utak ko kung ano ang magandang gawin sa magiging modelo ko.

Boy Meets Boy(BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon