Nandito ako ngayon sa bahay ni Riley dahil nga may meeting de avance kami patungkol sa hinihingi ni Chase na kapatawaran. Kailangan ko na ang payo nila ngayon, ayaw ko ng tatanga-tanga ulit. They're my best friends at alam ko they know what's best for me. Kilala nila kung sino ako, kaya alam nila ang gagawin.
"Alam mo, hindi tayo magsisimula habang wala yang GGSS na si Will." Sabi ni Riley habang nanonood kami ng tv sa sala. "Ba't ba ang tagal niya? Maligo lang higit trenta minutos ang ma-coconsume? Ke lalakeng tao ang tagal maligo! Haist!" Reklamo niya.
Napabuntong-hininga ako. Napaka-dependent ko talaga sa ibang tao, sariling buhay ko hindi ako makapagdesisyon. Narinig kong huminga ng malalim si Riley at alam ko na she's on her limits already sa paghihintay kay Will. Oo, nga ba't ang tagal niya? May ginagawa ata siyang kababalaghan sa banyo eh. Just saying lang naman. Mag-rereklamo ulit si Riley ng biglang bumukas ang pinto.
"Hi! Pasensya na late ako." Aniya. "Matagal ba kayong naghintay?" Pumwesto siya sa tabi ko.
"Hindi, Will...!" Tinapon naman ni Riley sa kanya ang isang unan, umilag naman siya dito. "Isang minuto ka lang naman late eh! Tignan mo o! Fresh na fresh pa yung mga mukha namin ni Dyl sa kahihintay sa'yo!" Sarkastikong sabi ni Riley. "Sorry na o." Will pouted. "Jusko naman o! Ba't ba ang tagal-tagal mo!? May problema ang kaibigan natin dito! Hindi natin dapat siya pinaghihintay... Jusme." Bulalas ni Riley. Umirap ako and I lean back on my sofa, parang mag-syota ang dalawang 'to eh. Yung lalake na late daw sa traffic ng mag-dadate sila, 'tas yung babae supeeeeeeer tagal ng hintay.
"Sorry na." Will poked Riley on the shoulder. "Ano ba!" Riley spat at umirap. May kinuha si Will sa tabi niya at iniharap kay Riley ang isang plastic bag. "Bumili kasi ako ng mango ice cream eh. Kung ayaw mo, edi solo namin nito ni Dyl." Inilayo niya na sa mukha ng babae ang plastic bag. Binuksan pa ito ni Will para makita ni Riley na hindi siya nagbibiro, nagsasabi nga naman siya ng totoo. Tumambad sa harap ni Riley ang isang galon ng mango ice cream.
At paboritong-paborito niya ito, ipagpapalit niya kahit na kaluluwa niya para sa unlimited mango ice cream.
Aagawin sana ito ni Riley ngunit dali-dali naman itong inilayo ni Will para hindi niya mahawakan. "Reklamo ka ng reklamo jan eh." Will mumbles as he settles down beside me. "Kaya kami nalang ni Dylan ang kakain nito. Ok ba sa'yo yun, Dyl?" Nakangiti niyang tanong. I shook my head slowly and roll my eyes. Parang kidlat naman sa bilis ng tumabi si Riley kay Will at niyakap ang braso nito. "Uy! Ano ba!?" Will shook his arm para alisin ang mga tentacles ni Riley na nakapalupot sa kawawang braso niya.
"Will." She whines and pouts.
"Ano?" Will's trying his best to get away from her tight grip. "Alis na nga! Dun! Dun ka na muna!" Tinuro ni Will ang pwestong inuupuan ni Riley kanina. Ngumuso si Riley at bumalik sa pwesto niya kanina.
"Ano sa tingin niyo?" They looked at me ng mag-salita ako, "Bibigyan ko pa kaya ng pangalawang pagkakataon si Chase?"
"Oo, naman.... Kung ang Diyos nga kaya magbigay ng pangalwang pagkakataon tayo pa kaya na tao?" She hopped in to Will, "Kaya bigyan mo na ako ng ice cream. Plesssshhhh?" Will shake her off at tinawag si Rimi, binigay niya kay Rimi ang ice cream para ilagay ito sa freezer. "Ito ah... Yung sa akin." Sabi ni Will. "Kung ako sa'yo pabayaan mo na lang siya. Sinaktan ka niya, diba? What's the point na patawarin mo siya kung uulitin lang niya?"
Mukhang tama naman si Will, history repeats itself nga. Kung papatwarin ko siya may chansang sasaktan niya ako ulit. Hindi ko pa naman lubos na kilala si Chase, nag-assume lang ako noon na kilala ko na siya.
Pero hindi pa pala.
Pero may point rin naman si Riley eh. Kinaya nga ng Diyos magpatawad eh, ako pa kaya? Kung masasaktan man ako, parte na ng buhay yun. Sa akin na lang ang desisyon kung masasaktan ako o hindi, depende yun sa pipiliin ko.
Nag-aaway pa rin sina Will at Riley tungkol sa ice cream. Ayaw kong magkamali, at ayaw na ayaw kong masasaktan. "Oi," Sabi ko. "Hindi ko alam ang gagawin o." I run my fingers through my hair. "Sundin mo kung ano ang nararamdaman mo jan, Dyl." Riley pointed on my chest. "Yun ang da best method. Gamitin mo ang puso mo."
"Hindi, gamitin mo ang utak mo Dyl. Niloloko ka lang nitong si Riley. Hindi pa nagka-boyfriend yan, palibhasa siksik ang utak niyan ng mga pocketbooks at romance movies." Umirap si Will. "Sasaktan ka lang ulit nun, Dyl."
I lean back on my chair and sighed, parang anghel at demonyo itong dalawang kaibigan ko. Yung isa, punong-puno ng positive hormones. At yung isa naman nangingibabaw sa negative vibes. Hindi ko na alam kung sino ang susundin ko, naguguluhan na ako.
"Nakapag-desisyun na ako," tumigil sa pag-aaway sina Riley at Will at tinignan ako.
---
Mag a-alas sais na at katatapos lang ng last period ko. Palabas na ako ng classroom ng may bumati sa akin.
"Hi."
Napatingin ako at nakita ko na nakasandal si Chase sa isang pader sa gilid ng pintuan. "Hi...?" Nag-aalangan na sabi ko. Tumigil ang iba kong kaklase sa paglalakad para maki-usi sa nangyayari, tinignan sila ni Chase at dali-dali naman silang umalis. "Ummm... May gusto ka bang sabihin?" Nagsimula na kaming maglakad. "Mag meryenda tayo." Aniya. "Pagbigyan mo naman sana ako, Dyl. Ayaw kong maulit ang nangyari last time. Please."
He gave me his infamous, puppy dog eyes and put his hands under his chin in an amen style. Abnormal ako kung hindi ko naiisip na cute siya, I fidgeted with the strap of my backpack at nakita niya na kinakabahan ako. "Mag-uusap lang tayo, yun lang..." Tahimik niyang sabi. Bumuntong-hininga ako at tumango, "T-Talaga?" He asked surprisingly. "So, huwag na lang? Ayaw mo? Ok, lang. Uuwi rin naman ako eh." Tatalikod na sana ako para maglakad ngunit hinawakan niya ang braso ko. "T-Tara na?" Tanong niya.
...
Tumigil kami sa isang 24 hours diner. Umorder na si Chase ng pagkain at naghintay naman ako sa isang mesa, pagkatapos ng sampung minuto bumalik na siya na may dala-dalang tray ng pagkain. Nilagay niya sa harap ko ang chicken burger at fries. Tahimik pa rin ako, sa totoo lang napakarami kong gustong sabihin pero ayaw ko itong ilabas. Si Chase ang nag-yaya diba? Ba't ako dadaldal?
"Una sa lahat." He clears his throat at napatingin ako sa kanya. "Sorry talaga, Chase. Nagalit lang kasi ako ng sobra eh." He leans back on his chair, "A-Alam ko hindi ko na maibabalik ang dati nating pagkakaibigan, pero... Mapatawad mo lang ako sapat na yun." Yun... Yun yung mga salitang napakatagal ko na sanang gustong marinig na galing sa kanya. Kumain ulit ako, "Oo na, napatawad na kita." Mahinang sagot ko at nalaglag naman niya ang tinidor niya.
"S-Seryoso ka?" Tanong niya. I sighed irritatedly, bakit ba sa lahat ng sinasagot ko kailangan niya ang kumpormasyon kung totoo yun o hindi? "Nagmumukha ba akong nagbibiro, Chase?" I looked at him straight in the eyes. "Eh... Hindi naman. Nagulat lang ako."
Pakiramdam ko parang bumalik kami sa stage one, kung saan una kaming nagkakilala at medyo awkward pa kami sa isa't-isa. Dahil yun ang nararamdaman ko sa kanya ngayon. "Sana ok na tayo." Aniya. "Sana nga..." Bulong ko as I chew on my fries.
Pagkatapos nun wala na kaming pinag-usapan. Hinatid niya ako sa bahay namin.
---
Ugly chapter, alam ko. Please wait for the next chapter, gagandahan ko yun:)
Comment, vote & follow:D
Xoxo,
CHiZUMi
![](https://img.wattpad.com/cover/9356428-288-k315776.jpg)
BINABASA MO ANG
Boy Meets Boy(BoyXBoy)
RomanceIs it possible for a two boys to fell in love with each other? Warning! BoyXBoy! Read at your own risk.