Hullo!!!
Please comment, vote & follow. Thank you for reading:)
Xx,
Elle
----------
"Anak, sino yan?"
She nods towards Chase's direction na nasa likuran ko lang. Biglang nangatog ang tuhod dahil hindi ko alam ang sasabihin o gagawin. Feeling ko parang nasa larong chess ako. Reyna na ang kalaban ko samantala ako ay isang pawn na walang matatakbuhan.
"Uh uhmmm..." Think of something Dylan! I scold myself.
Kung hindi ako magsisinungaling kay mama, baka naman magalit sa akin si Chase. Sa lahat ba naman na ginawa niya sa akin, ganito lang ang igaganti ko? Eh, kung hindi naman ako magsisinungaling baka mahampas ni mama si Chase ng cover ng trash can na hawak-hawak niya ngayon.
"Ah, magandang gabi ho Mrs. Alegre." Magalang na bati ni Chase. "Hinatid ko lang po pala si, Dylan. Sana naman huwag niyo itong ikagagalit." Medyo napangiti naman ni Chase si mama.
"Ah ganun ba iho? Mag-ingat ka ah."
"Opo."
"Teka, kaibigan ka ba ni Dylan?"
"Manliligaw po."
WHAT!?
"Ah! Hehehehe! Nagbibiro lang po si Chase, ma! Wala hong ligawang nagaganap!" I spread my arms and blocked Chase from my mom. "Manliligaw!? Anuka mo!?" Tinulak ako ni mama sa gilid para tignan si Chase. "Kay gandang lalake mo! Ano bang pangalan mo?" Excited na tanong ni mama habang nag-fafangirl sa harap ni Chase. "Chase Ortega po."
"Di mo naman agad sinabi na manliligaw ka ni Dylan eh! Pasok kayo. Kumain na ba kayo?" Hinawakan ni mama si Chase sa braso at kinaladkad ito sa loob ng bahay. Wala naman akong magawa kundi ang sundan sila. Haist, ano'ng gulo na naman ba ito?
"Riley!" Sigaw ni mama. "Riley, anak! Lumabas ka dito daliii!"
Umupo ako sa sofa at tinabunan ang mukha ko ng aking kamay para man lang masagip ang sarili ko sa kahihiyan. Dali-dali namang lumabas si ate mula sa kusina para tignan ang nangyayari. Her jaw dropped ng makita si Chase. "S-Sino ho yan?" Nagtatakang tanong niya.
"Si Chase, anak! Manliligaw ni Dylan! Akalain mo, may manliligaw pala ang bruhang 'to!" I sunked myself on the sofa. Nakakahiya na ang ginagawa ni mama, pramis. Kung pwede lang sana ako kainin ngayon ng lupa. O di kaya matunawa sana ako. Nag-iinit na ang pisngi ko dahil sa kahihiyan, at sumisigaw pa si mama.
"Ma! Hinaan niyo lang po ang boses niyo. Baka marinig kayo ng mga kapitbahay." Sabi ko. "Hmp, ewan ko sa'yo! Upo ka, Chase at kukuha ako ng meryenda niyo." Umupo sa tabi ko si Chase, "Ah, huwag na po Mrs. Alegre. Kumain na po kasi kami sa labas ni Dylan eh."
"Omigosh, nag-date kayo!?" Ate Aliyah gasped at pinandilatan ko naman siya. "Sorry," she mouthed. Umupo siya sa harap namin.
"Date! Talaga!? Aba, aba Dylan ah. Nagtatago ka na ng sikreto ah!"
Salamat sa Diyos naman at makalaan ang ilang minuto mukha kumalma na sa excitement si mama. Hindi ko rin gets kung ba't na-eexcite siya eh. Porket ba may manliligaw ako excited na siya kaagad? Sana maalala niya na si ate lang ang makapag-bigay ng apo sa kanya.
"Matagal na ba kayong magkakilala ni Dylan, Chase?" Tanong ni mama.
Kinuwento ni Chase kung paano kami nagkakilala at kung paano kami nakaabot sa aming relasyon ngayon. Leaving out some events and details na kaming dalawa lang ang nakakaalam.
BINABASA MO ANG
Boy Meets Boy(BoyXBoy)
RomanceIs it possible for a two boys to fell in love with each other? Warning! BoyXBoy! Read at your own risk.
