Chapter 30~

4.6K 104 6
                                    

Omg unexpected UD. Medyo maikli lang siya hoho:) Enjoooy.

Thank you for reading. Comment, vote and follow:)

---

Dylan's POV

     Pagkatapos ng nangyari sa amin ni Chase, hindi ko na siya muli nakita na pumasok sa university. I mean, wala na akong pake sa kanya. Pero aaminin ko nasaktan talaga ako ng sobra. Kung akala ko na mala-fairytale na ang nangyari sa akin mauuwi din pala sa happily and never after.

     Pero taas noo kong sinasalubong ang bawat araw ng buhay ko. Ayaw kong sayangin ang buhay sa pagmumukmuk lang sa tabi. Life goes on, so I must move on. Nagdadasal ako na sana may dumating din na tao na para talaga sa akin.

     Yung hindi ako sasaktan. Yung palaging nandiyan at yung hindi nangiiwan. Sana nga dumating siya.

     Maaga akong nagising dahil ihahatid na namin si papa sa airport. Kailangan niya na kasi bumalik sa abroad para makapagtrabaho ulit. Ayaw ko pa sanang umalis siya dahil we have so much to catch up with each other. Kung kelan pa kami nag-bati, doon pa siya aalis. Oh well, wala naman akong magagawa eh. Kelangan niyang magtrabaho para sa amin.

     Kakatapos ko lang maligo at nagbibihis na ako ng biglang tumunog ang notification tone ng cellphone ko. Sino naman kaya ang magtetext sa akin ng ganito kaaga? I grabbed my phone para matignan ang message, baka importante kasi o ano. Unknown ang number. Nakapagtataka ah.

"Good morning:)" Sabi sa text.

Agad naman akong nag-reply. "Sino ito?"

Tumunog naman ulit ang phone ko habang nagsusuot ako ng medyas, "Na delete mo na pala yung number ko? Si Chase ito, pasensya na sa istorbo:)"

Chase? Bigla kong nabitawan ang phone ko. At ano naman ang tinitext ng gung-gung na yun sa akin? Pinulot ko ang phone ko at agad na ibinura ang text.

Yep dinilete ko na ang number niya. I dont wanna be associated with him again.

     Nakarating na kami ng airport at kelangan na namin magpaalam kay papa. Sa pagkakaalam ko ito ata ang first time na nakahatid ulit ako sa kanya sa airport. Usually, hindi kasi ako naghahatid sa kanya sa airport noon eh. Nabbwisit kasi siya sa akin, pero ngayon masaya ako dahil magagawa ko na ang paghatid sa kanya. Medyo malungkot ang pamamaalam kay papa, maluha-luhang niyakap ni mama si papa at may sinabi sa kanya na hindi ko na narinig. Niyakap niya rin si ate and lastly it's my turn.

"Alagaan mo ang mama't ate mo ah?" Nakangiti niyang sabi at niyakap ako. "Mag-ingat ho kayo dun." He nods and ruffles my hair.

"Kung may problema ka, tawagan mo lang ako." I smiled a little.

Sinundan namin siya hanggang sa hindi na kami makapasok sa parteng iyon ng airport. He waves at us at pumasok na sa loob.

...

     Naglalakad ako papunta sa ikalawang klase ko ngayong hapon ng mangyari ang hindi dapat mangyari. I saw him.

Boy Meets Boy(BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon