Chapter 12~

6.4K 102 4
                                        

COMMENT, VOTE AND FOLLOW!! I LOVE YOU ALL GOISE. SALAMAT SA PAGBABASA:))

—-

"People like us we're gotta stick together, put your hands up nothing lasts forever...~"

     I grunted as I picked up my phone. Bwisit ke aga-aga sino na naman bang letche ang tumatawag sa akin? Puyat pa naman ako sa pag-iisip kung ano ang pipiliin ko sa mga litrato ni Chase. Haist kabadterp talaga o. Kung alam lang nila na nagiging leon ako kapag ginising ako. Hmp!!!

"Hello." Sabi ko na hindi man lang tinitignan kung sino ang tumatawag.

"D-Dyl? Ikaw ba yan?" Anak ng... Diba tinatawagan mo ako kasi alam mo ang number ko.

"So, huwag nalang? Kumuha ka ng number ko tas'—" natigilan ako ng e-replay ko sa utak ko ang boses.

     I cover my mouth and sat up. Shet, shet, shet!!! Si Chase!!! Si Chase ang tumatawag!!! Oh my god! Kung ano-ano pa namang kabalastugan ang sinabi ko. Good job, Dylan! "I-Ikaw pala Chase! S-Sori sa mga sinabi ko. Ummm... May kelangan ka ba?" Napahawak ako sa sheets ko. I smiled ng marinig ko ang mala-musika niyang tawa. "Yep. Ginising ba kita? Pasensya ka na ah." Hay naku Chase! Kahit na nasa kalagitnaan ako ng pagbabawas kapag ikaw ang tumawag huwag na huwag kang humingi ng despensa. "Ah? Hindi, hindi!" Pinilit kong tumawa. "Kakagising ko nga lang din eh."

"Ok then. Mamayang hapon pa ang klase mo diba?" Pagtatanong niya.

     Alam niya ang sched ko!? Ay anak ni Squidward, siyempre alam niya. Ilang linggo na kaming nagkikita sa klase noh. Assumero talaga ako. "Oo. Bakit?" I tried not to sound impatient kahit na atat na atat na ako malaman. "Eh... Ummm... Kasi kelangan ko ng taster at helper para sa charity event namin bukas. Ok lang ba na tulungan mo ako?" Tanong niya. Taster? Holey moley! Taster ng ano??? Hihi... "Taster?" Tanong ko. "Y-Yeah. Alam mo na kung pasok bas a panlasa ng ibang tao ang niluluto ko." How cute, kahit na alam kong expert na siya sa ginagawa niya humihingi pa rin siya ng tulong sa ibang tao.

At sa akin pa talaga siya humingi ng tulong ;)

"That sounds fun. Sure pupunta ako. Magbibihis lang ako."

...

     Naglalakad or shall I say tumatakbo ako papuntang lab nina Chase. I was already beside the doorway. I straightened my clothes at huminga. Tas' ngumiti ako. Kumatok ako sa pinto kahit na bukas ito, respeto man lang sa mga kasamahan niya. Kokonti lang ang mga tao dun about seven lang ata, uminit ang mukha ko ng tumigil sila sa pagkukuwentuhan at lahat ng mata nila napatingin sa akin. I gave them a small smile.

"Uy, Dyl!" Chase waved at me at naglakad ako papunta sa table niya na nakayuko.

"Sila pala ang mga kasamahan ko. Guys si Chase pala, siya yung photographer ko na sinasabi ko sa inyo."

     Napatingin ako sa kanya. He talks about me? Nalipat ang atensyon ko ng magpakilala na sa akin ang mga kasamahan ni Chase. I try my best to memorize all their names. "Oh my loligosh! Ang cute at ang gwapo!! May girlfriend ka na?" Hinawakan ni Amanda ang mga kamay ko at tinignan ako sa mga mata. "W-Wala pa eh. Hehe..." Sagot ko. "Napaka-pedo mo talaga, Amanda. He's like what? Freshman?" Ouch ang sakit ng sinabi ni Francis. "He's not freshman, Frans!" Chase chuckled. "Junior na siya, diba Chase?" Agad naman akong tumango.

Their jaw dropped. As expected.

     I sighed. "Tama si Chase. Kahit tignan niyo pa po yung birth certificate ko." Sabi ko. "What!?" Lumaki ang mga mata ni Amanda na parang mga pinggan. "Junior!? P-Pero paano? Bakit?" Ininspect niya ang mukha ko pati ang katawan ko. "Hindi ka man lang ba dumaan sa puberty?" Napatingin ako kay Chase na para bang humihingi ng tulong pero ngumiti lang siya at nagkibit-balikat. Natigil ang pang-iinterrogate nila sa akin ng dumating na ang mga helpers nila. Siyempre, masayang-masaya ako dahil pinili ako ni Chase.

Boy Meets Boy(BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon