Hallo!!! Salamat po sa pagbabasa. Comment, vote and follow!
Xoxo,
CHiZUMi
---
"Left left... Hindi... Medyo kanan ng konti... Ayun!"
Nasa isang mall kami ngayon inexbit kasi yung mga picture na kinuha namin. May mga tao na ring tumitingin sa exhibit namin, binuksan ko yung mineral water ko at uminom ng tubig. Nakakapagod rin pala ito! Napatingin ako sa cellphone ko ng mag-vibrate ito, si Will pala.
To: Dylan
From: Will:)
"Sa isang araw na ako pupunta sa exhibit Dyl ah. Nasa Singapore kasi ako ngayon eh."
Sinabi sa akin ni Riley na pinatawag daw siya ng mama't papa niya. I'm guessing for business purposes yun. Thrice a year lang ata umuuwi ang parents ni Will, palagi kasing nasa ibang lugar yun inaasikaso ang kanilang negosyo. Kaya hindi malapit si Will sa mga magulang niya, mula pagkabata kasama niya na yung Yaya Anna. Naawa rin ako kay Will eh, palagi lang siya nag-iisa; tuwing kaarawan niya at tuwing pasko. Kaya I always try my best na maging mabuting kaibigan para sa kanya.
"Dylan, nasaan ba si Will?" Naka-pout na tanong ni Maine sa akin. Binalik ko ang cellphone ko sa bulsa ko, "Sa isang araw pa daw siya pupunta, Maine. Nasa Singapore daw siya ngayon eh." I gave her a sorry smile and saw her shoulders slumped in disappointment, "Pero! Huwag kang mag-alala, pupunta yang si Will! He always keeps his promise." I reassured her. Ngumiti sa akin si Maine, "Sana nga."
"Oi! Mag ice cream daw tayo guys! Treat ni Ryan!" Tawag ng isa naming kaklase.
Tatakbo na sana ako papunta kina Ryan ng, "Nandito ka pala ngayon." Napatingin ako sa may-ari ng boses at nakita ko si Chase nakatayo sa harapan ng isang litrato. He turns around to face me, "Ummm... Oo. May exhibit kasi kami eh." Lumapit ako sa kanya. "Nga pala! Ayun yung picture mo o. Medyo nilakihan nila kasi yung tatlong nagwagi." Tinuro ko sa kanya ang picture niya na may kalakihan ang size at may ilaw pa. Nilapitan niya ito at tinitigan. Bigla naman akong kinabahan. Paano kung hindi niya nagustuhan? Ayaw niya ba ang ganyan kalaki? Baka nag-aattract yun ng atensyon?
"Uhmmm... Ipapatanggal ko na lang kung--"
"Bakit? Maganda naman ah?"
I touch my cheek, m-maganda daw yung gawa ko. At least pinuri niya diba? Tumabi ako sa kanya, but I made sure na may isang metrong space ang namamagitan sa aming dalawa. "B-Baka kasi ayaw mo because it attracts too much attention." I said uneasily. Tinignan niya ako, "Obra mo yan diba? Dapat huwag mong ikahiya." Bumuntong-hininga siya.
"Ano'ng ginagawa mo rito?" Nagtatakang tanong ko, may klase kasi siya ngayong oras eh. "Nandito ka ba para tumingin sa exhibit namin?"
"Yep, isa yun... Wala naman ang professor naming ngayon eh." Sabi niya na nakapamulsa sa pantalon niya. "Pwede ba akong humingi ng kopya nito, Dyl?"
Agad naman akong tumango, "O-Oo naman! Sana sinabi mo ng mas maaga para naibigay ko sa'yo kaagad." Napakamot ako sa likuran ng ulo ko. Ba't ba kapag nag-uusap kami umuusbong talaga ang awkwardness? "Ito na ang isa sa pinakamaganda kong litrato, Dyl." Napahawak siya sa frame habang tinitignan ito. "Ang galing ng pagkakakuha mo... You're really are a one of a kind photographer." Napangiti siya. "And I'm glad to work with you."
Sana nakapaghanda ako ng recorder para man lang na e-record ko yung sinabi niya. Napakasaya ko, una dahil pinuri niya ang gawa ko at pangalawa dahil siya mismo ang pumuri ng gawa ko. I don't care kung gaano ka sikat na photographer ang magbibigay ng magandang critic sa gawa ko, iba ang pakiramdam kapag si Chase mismo ang nagsabi.
BINABASA MO ANG
Boy Meets Boy(BoyXBoy)
RomanceIs it possible for a two boys to fell in love with each other? Warning! BoyXBoy! Read at your own risk.
