Chapter 13~

7.6K 113 6
                                        

THANK YOU FOR READING!

PLEASE COMMENT, VOTE AND FOLLOW..

—-

Masaya akong gumising ngayong araw. I woke up on the right side of the bed kumbaga hihi. Niligpit ko ang kama ko, nag-toothbrush ako at nag-shower. Binuksan ko ang cabinet ko. Ano kaya ang magandang suotin ko ngayon? Hmmm... Kinuha ko ang isang dark brown na jeans. Yung top naman, kinuha ko ang isang green na t-shirt at v-neck na long sleeves. Eenie meenie miney mo, alin sa inyo ang susuotin ko? I stared at the green shirt tas' tinignan ko ang kulay brown kong jeans na nakalatag sa kama. Pucha, mag-mumukha akong puno pag-green pa ang tinerno ko sa pantalon ko. Ibinalik ko ito na naka-fold at sinuot na ang v-neck long sleeves. Tumingin ako sa salamin ko at ngumiti, haaay ang saya ko! Naglagay ako ng konting concealer sa paligid ng mata ko. Concealer lang meron ako ah! Wala akong lipgloss at blush-on. Kelangan ko naman talaga kasi ang concealer dahil sa pagpupuyat ko.

Alam niyo kung bakit ako masaya?

Sikret! Hihi!

     Biro lang, para akong loka-loka haha! Ni-request kasi sa akin ni Chase kung pwede niya raw ako isama ngayong araw na ito para maibenta ang mga niluto niya kahapon. Siyempre ako ba naman ang aayaw? Bumaba na ako at umupo sa usual spot ko. Nag-timpla ako ng kape at kumagat ng pandesal na hawak-hawak ko. "Ate," tawag ko sa atensyon ni Ate Aliyah. "Hm?" Binaba niya ang tab niya at tinignan ako. "Huwag mo na akong sunduin mamaya... May pupuntahan kasi ako eh." Sabi ko. "Ahhh..." Tumango siya at nagpatuloy sa ginagawa niya sa tab niya.

"Tapusin mo na yang almusal mo para makaalis na tayo." Aniya.

...

     Nagpaalam na ako kay ate at bumaba ng kotse. Nasa labas ng university sina Chase at ang mga kasama niya. "O! Last na ba yan?" Narinig kong tanong ni Chase sa kaklase niya. Tumango naman ang kaklase niya na hawak-hawak ang isang box. He spun around at nag-wave sakin. Tumalikod ako para tignan baka may iba siyang kinakawayan, ng wala naman akong nakita ngumiti ako at tumakbo papunta sa kanya. "Sure ka bang ok lang umabsent ka sa klase mo ngayon?" Nag-aalalang tanong niya. Umirap ako pero hindi yung malditang irap, "Ok lang kaya! Isang klase lang naman yun eh. At gusto ko rin bumawi sa'yo," umakyat na kami ng bus at umupo ako sa tabi ng bintana. "Don't you think you've done enough?" Aniya. Umiling ako, "Eh, gusto lang naman kitang tulungan eh... Ayaw mo ba?" Nagulat siya sa tanong ko. "H-Hindi siyempre! Tuwang-tuwa nga ako eh," tinabihan niya ako at uminit naman ang mukha ko.

     Naku! Kung alam mo lang Chase. Kung alam mo lang kung gaano ako kasaya na makasama ka. Ikaw ang nagbigay sa akin ng pag-asa na walang problema na ma in love ulit ako. "Bakit di ka tumabi dun sa mga classmates mo?" I motion him with my head na umupo sa likod. "Ayaw mo akong katabi?" He pouted. "Ikaw talaga... Hindi naman sa ganun." I give him a playful punch. "Nanggigigil talaga ako sa'yo!!" Inakbayan niya ako ang swing my body back and forth. Tumawa ako ng ilagay niya ang dalawa niyang kamay sa bewang ko, "Chase nakikiliti ako!" Tumawa ako, naramdaman ko ng sumasakit ang tiyan ko sa tawa. I bit my lip ng pisilin niya ang tagiliran ko, "Chase! Ha ha ha! Tama na!" I pushed him at pinuntirya ko naman ang kili-kili niya. "Etong sa'yo!" Tinusok-tusok ko ang kili-kili niya gamit ang mga daliri ko habang tumatawa.

"Dylan! Ano ba!" Tawa niya.

     "Mas malakas ako sa'yo ha!" He pushed me and I landed on my back sa foamy chair ng bus. Tinigilan niya ako sa pangingiliti niya ng maramdaman namin na wala na kaming may ihihinga pa. He was on top of me at tinignan ko ang mukha niya na ilang inches lang ang layo sa akin. I stared at his brown eyes going down to his moist lips. I stopped myself na huwag halikan ang nanunukso niyang mga labi. Nakita kong gumalaw ang Adam's apple niya, lumunok siya siguro. I pushed him away slowly, "Ang bigat mo ha!" Sabi ko trying my best to lighten the mood.

Boy Meets Boy(BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon