Chapter 6~

7K 119 3
                                        

     "Nasaan ba tayo?" Tanong ko kay Will habang naglalakad kami papasok ng rest house. "Basta... Mag-eenjoy ka talaga," sagot naman ni Will. Hawak-hawak ko pa rin ang kamay niya, huy mga malisyosa! Wala itong meaning ah. Ni-hindi nga ako kinikilig, kelangan ko lang talagang pampawala ng kaba. Medjo abnormal kasi ako, kung sa ibang tao napakadali lang makihalubilo sa taong hindi nila kilala at mag-party. Well, on my side para sa akin hindi talaga ako okay. Feeling ko hindi ako makahinga at nanginginig yung mga laman ko. Kulang lang talaga ako siguro sa experience. Si Riley naman nasa loob na. Baka... Baka, pinatay na siya ng isang lalakeng nakatakip ang mukha at may dala-dalang chainsaw. Waaah! O di kayo paano kung pinatay siya ni Freddie sa Nightmare at Elm Street kasi nasa Elm Street pala kami? Double waaaaah!!!

Hinigpitan ko ang paghawak sa kamay ni Will ng binuksan niya ang pintuan ng rest house.

     Nang bumukas ito nagulat naman ako ng makita ko ang mga classmates ko at si Ms. Annie at yung boyfriend niya, Mico ba yung pangalan nun? Bigla kong binitiwan ang mga kamay ni Will, ayaw kong tuksohin siya ng dahil sa akin. Hindi naman siya kumibo ng gawin ko yun. "Aba. Himala ah? Paano niyo nakumbinse ang batang yan?" Ms. Ann pointed at me gamit ang hawak-hawak niyang kutsara. Nagkakape siguro siya. "Sikreto na lang po namin yun," nag-pout ako sa sinabi ni Will.

"Ano po ba ang meron?" Tanong ko.

     Tumingin ako sa paligid. Mukhang naglilinis sila at nag-dedecorate ng bahay. "May party kasi mamaya. Dyl." Sagot sa akin ni Ian na classmate ko. "Yap. Alam mo na, kasama ang mga models natin. I'm so excited!" Sabi naman ni Maine. Tinignan ko si Ms. Annie at hinintay ang sagot niya. "Tama sila, Dyl. Siguro naman kelangan niyo mag-saya before the preparation diba?" Umupo si Ms. Annie sa isang malaking couch. It took awhile bago nag sink in yung mga sinabi nila at tumango ako. "Eh, bakit nandito yan?" Turo ko kay Riley. "Wala naman yang business dito eh,"

"Ang sama mo talaga! FYI ako ang naging alarm clock mo ngayong araw!" Nag-cross arms si Riley at umupo sa tabi ni Ms. Annie.

"Ano pang hinhintay mo jan, Dyl?" Tanong ni Ms. Annie na nakataas ang isang kilay.

"Move!" Sabi nila ni Riley ng sabay. Agad naman akong kumuha ng paintbrush para man lang may gawin ako. Kung makapag-utos naman tong si Riley, pshhh.

     Nakita ko sa corner ng mga mata ko na nag-aayos sina Will ng mga speakers at electronis chu chu. "Kanino bang rest house 'to?" Tanong ko kay Maine na nasa tabi ko. "Kina Will daw eh. Nag volunteer daw siya na kanilang rest house na lang ang gamitin para sa party," sagot naman ni Maine. Napatingin ako kay Will. Lecheng gung-gung na yun! Hindi ko alam na may rest house pala sila!?

...

5:00 pm

     Natapos na namin lahat ng gawain at mukha akong basura. Magulo ang buhok ko. May mga bahid ng pinta ang mukha, pantaloon at damit ko. Buti na lang may dala pa lang extra si Riley, may lahing girl scout talaga ang babaeng yun. Tinulungan daw siya ni mama na pumili ng damit na dadalhin namin. Ano 'to excursion? Party lang naman eh. Nag-shower ako at nagpalit ng damit, para naman hindi ako bad impression pag nakita ako ni Chase mamaya.

About 6 ng hapon at dumating na din siya.

Grabe ang gwapo niya sa suot niya.

Naka black v-neck shirt siya, gray pants na medyo loose at naka-chucks. Tas' magulo ang buhok niya that give him the sexy bad boy look.

     Siyempre una niyang binate ang ahas na si Chenille. Sana nag-panty na lang ang gaga sa iksi ng short niya. Naka neon green short-shorts lang naman kasi siya tas' naka sleeveless white blouse. Yung suot ko naman, siyempre yung usual na suot ko. Naka white shirt ako sa loob at may suot din akong brown jacket na my hoodie. Nakatingin lang ako sa mga taong lumalabas at pumapasok. Naguguluhan kasi ako at nahihilo pa. Feeling ko parang pinapatingin ako sa flashlight habang sumasayaw-sayaw ang iba't-ibang kulay ng ilaw. Yung mga tao naman inom dito sayaw doon. Tawa dito, sigaw doon. Parang nakita ko nga rin si Ms. Annie na nakikipaghalikan sa boyfriend niya dun sa may kanto.

Boy Meets Boy(BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon