Chapter 45~

2.2K 51 6
                                    

Hello! So ito na yung huling bahagi ng part one ng Boy Meets Boy. Don't worry, I'll upload the part two maybe next week or the week after that. Pero may karugtong pa ho ito! It'll still be uploaded in this story, hindi ko siya e-seseparate ah. So please watch out for that.


There'll be more Dylan and Chase to come. Kampai!!^__^v


  Please comment. Trust me, it's get better when you comment.


Xx,


Elle



Pinindot ni Dylan ang doorbell nina Riley. Ding dong...! Narinig niyang tunog nito. "Sana naman kausapin niya na ako." He thought. Mag-dadalawang araw na silang hindi nag-uusap ng kaibigan. Grabe naman kasi kung umiwas ang dalaga. One morning he tried waiting for her outside their house, ngunit ng makita siya ni Riley dali-dali itong pumasok sa loob at hindi na nagpakita pa.


Pagkatapos ng ilang minuto may nagbukas ng gate. "Nandiyan ba yung ate mo?" Tanong niya sa nakababatang kapatid ni Riley na si Rimi. Umiling naman ito, napairap si Dylan dahil alam niyang nagsisinungaling ang bata. "Alam ko nandiyan siya sa loob, Rimi. Papasukin mo naman ako o." Pagmamakaawa niya rito. Napabuntong-hininga na lang si Rimi, "Ayaw ka po kasing kausapin ni ate. Nabadtrip talaga siya sa inyo." Sabi nito. "Ano ba kasing ginawa mo at napagalit mo si ate ng ganoon?" Nagtatakang tanong ni Rimi . "Personal iyon... Adult issues." Paiwas na sagot ni Dylan.


"Sige aalis na lang ako." Nanlumo ang binata. "Sabihin mo sa kanya na gusto ko siyang kausapin ha." Aniya at umalis na.


Isinara na ni Rimi ang gate at muntikan naman itong mapasigaw ng makita ang ate niya sa likod niya. "Kausapin mo na kasi si Kuya Dylan, ate. Para matapos na ito o." Isang 'Hmp!' lang sagot ng dalaga, binuksan niya ang gate nila para tignan kung nasa labas pa ang kaibigan. Nang makitang wala na ito, lumabas siya.


"Alis muna ako, Rimi. Pupunta ako kina Will."


Tumakbo si Riley papunta sa bahay ni Will na ilang metro lang ang layo sa bahay nila. "O, Riley? Ano'ng ginagawa mo rito?" Mag-dodoorbell na sana siya ngunit nasa labas pala ng bahay ang katulong nina Will, mukhang katatapos lang nito magtapon ng basura. "Nandiyan po ba si Will sa loob, Tita Anna?" Tanong niya. Binuksan naman ng matanda ang gate at pinapasok ang dalaga, "Nandoon siya sa kwarto niya, iha."


"Sige, salamat po."


Pumasok na si Riley sa loob ng bahay ni Will. As usual, walang tao sa loob since hindi naman umuuwi ang mga magulang ni Will. Inakyat niya yung second floor ng bahay at pumunta na sa kwarto ni Will. She didn't even bother to knock at tuluyan na lang niyang binuksan ang pinto.


"Ano ba!" She found Will lying down on his bed, his body was covered by a blanket. Yung isang kamay nasa loob ng kumot at yung isa naman nakahawak sa kanyang cellphone. "Hindi ka ba tinuruan ng nanay mong kumatok!?" Galit na sabi ng binata. "Parang may ginagawang something pa ata." Riley thought. Binaba na ng binata yung kumot at umupo ito sa kama niya, "Bakit ka nandito?" Tanong niya. Sasagot na sana ang dalaga ngunit pinigilan siya ni Will, "Hep, hep mukhang alam ko na eh. Hindi mo na kailangan sumagot." He scoffed.

Boy Meets Boy(BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon