THANK YOU FOR READING!
PLEASE COMMENT, VOTE AND FOLLOW..
—
"Hello! Si Chase ito. Medyo busy ako ngayon eh. I'll try to call back asap! Please leave your message after the beep..."
Sumuko na ako after five calls. Ewan ko ba kung ma ginagawa siya ngayon o sindaya niyang e-on yung voicemail niya, bwisit. Chase... Kung hindi mo man ako kayang harapin ngayon, maawa ka naman o. Kelangan kita sa awarding sa Biyernes. Kahit na hindi ako manalo basta makarating ka lang. Ayaw kong magmukhang tanga sa harap ng mga taong makatulong sa akin sa hinaharap. Lumunok ako tinawagan siya ulit. Pagkatapos kong marinig ang beep, "Chase... Uh... Umm... Si Dylan ito. Gusto ko lang sana malaman mo na kailangan nating umatend sa awarding ng best photo sa Biyernes. Yun kung gusto mong pumunta... B-Bye." Bumuntong-hininga ako at yumuko.
Huwag ka ng umasa, Dylan... Hindi siya dadating. Tama ng sinubukan mo.
Huwag ka ng magpakatanga.
Ayaw mong masaktan diba?
Dinuraan ka niya... Minura... Hindi siya concern kung ano'ng nararamdaman mo.
In short wala siyang pake...
Pero gusto ko si Chase eh... Everyone deserves a second chance diba?
Ginago ka nga eh, second chance? Hello, nasa 20th century na tayo. Hindi na uso yun.
Alam ko naman na may rason siya sa ginagawa niya eh.
Rason!? Ha! Maawa ka nga sa sarili mo, Dylan Alegre. I'm sure tinatawanan ka na ngayon ng bastardong yun.
I grabbed big chunks of my hair at umiyak. Parang may dalawang tao na nagdedebate sa isip ko. Nakakapagod... Nakakapagod... "Argh!" Tinapon ko yung unan ko at sumigaw, nagdabog at sumipa na parang batang inagawan ng kendi. Gusto ko ng mamatay, nakakapagod. Ayoko na. Tama na...
"Ano bang—" Biglang bumukas ang kwarto ko at narinig ko ang boses ni papa. "Anak?" Humina ang boses niya ng makita niya ako.
Tinignan ko siya and I sniffed. Luha, pawis at sipon nagmimix sa mukha ko. "U-Umalis na ho kayo..." Mahinang sabi ko. "Sa ganitong sitwasyon niyo ako gustong makita, diba!?" Hindi ko alam kung saan galing yung mga salitang sinasabi ko, pero hindi mapigilan. "Papa! Tignan niyo ako o! Ito na siguro ang karma ng Diyos kung tawagin niyo! Masaya na ba kayo? Masaya na ba kayo na nakikita niyo akong malungkot at galit na galit!?" I stomped my foot at sumigaw.
"Anak ano bang nangyayari sa'yo bata ka?"
Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko. "Tumingin ka nga sa akin." Hinawakan niya ako sa balikat para harapin siya ngunit tinapik ko yung kamay niya. "Dylan, tignan mo ako." Striktong sabi niya. I slowly turned my head and looked at him. Kinuha niya ang tuwalya na nakasabit sa balikat niya at pinahiran ang luha at sipon ko. "Ang laki-laki mo na umiiyak ka pa rin... Sino na naman bang umagaw ng lollipop mo?" Pagkasabi niya nun niyakap ko siya. "Papa..." Iyak ko. "Gusto ko na hong mawala..." Niyakap niya rin ako. Pumikit ako and I bury my face on his neck. Napakasarap sa pakiramdam pala ang yakap ng isang ama, matagal na panahon rin akong pinagkaitan nito. I cried my eyes out ng niyayakap niya ako.
"Tahan na anak... Tahan na... Nandito si papa." Lalo akong humagulhol ng sabihin niya iyon.
Nang kumalma na ako, tinignan niya ulit ako sa mukha at pinahid ang tuwalya niya sa buong pagmumukha ko. "Bakit ka naman umiiyak? Na-failure ka bas a exams? Sabi ng mama mo kahit kelan hindi ka naman daw bumagsak." Umiling ako, I was hesitant to say something. "Ano na naman bang problema mo ngayon?"
BINABASA MO ANG
Boy Meets Boy(BoyXBoy)
RomanceIs it possible for a two boys to fell in love with each other? Warning! BoyXBoy! Read at your own risk.
