Chapter 33~ <3

4.6K 97 4
                                        

Sorry kasi hindi po ako nakapag-UD last week. Alam niyo naman siguro ang reason lol. Anyways, ito na ang hinhintay niyo!

 

Babalikan pa kaya ni Dylan si Chase?

 

Hoho. Read to find out.

---

Chase's POV

     I plucked my guitar humming some random tunes that I don't even know. Kada sampung minuto tumitingin ata ako sa orasan kung malapit na mag alas singko. Tsk, alas kwatro pa lang. Ba't ba ang tagal ng oras pag may sabik na sabik kang makita? Haist. Muntikan ko ng matapon ang hawak-hawak kong gitara ng biglang bumukas ang pinto. Nang makita ko ang pagmumukha ni Vincent agad akong umiwas ng tingin.

     Mula kasi ng dumating ako galing bakasyon, hindi ko na nakita si Vincent kaya nagulat ako na may balak pa pala siyang bumalik rito. Baka may kukunin lang siya o ano. Dahil kung iinsultuhin niya na naman ako.

     Makakatikim na talaga siya sa akin. Hindi ko na palalampasin ang pagiging gago niya.

     Hindi ko siya pinansin ng pumasok siya ng kwarto, pinagpatuloy ko ang pagpplucking ng gitara ko. "Dumating ka na pala." Like you care. Nag-paparty ka siguro ng umalis ako, ano? "Ba't ka ba nandito? Kung kukuha ka ng mga gamit mo, kunin mo na. Huwag mo na akong kausapin." Sabi ko. Narinig ko siyang bumuntong hininga at umupo sa kama niya.

     "Natural. Dito ako nakatira noh." Umirap na lang ako. 

     "Chase?" 

     "Look." Sabi ko. "Kung nandito ka para naman lecturan ako o insultuhin, aalis na lang ako. Makapag-empake nga." Tumayo ako at pumunta na sa drawer ko. Bago ko pa man buksan ito, "Sorry." Sabi niya. "Ako dapat ang umalis dito, ginugulo ko ang buhay mo eh." Napatigil ako sa balak ko at tinignan siya. Nakita ko naman ang sincerity sa mukha niya at mga mata niya.

     "Napag-isipan ko na napaka walang kwenta kong kaibigan, Chase. Imbes na tanggapin ka at suportahan, baliktad pa ang ginawa ko." Aniya, he slides his eyes to the side to avoid looking at me. "Kaya ako na lang ang aalis kung iyon ang makabubuti." Tumayo din siya. "Pasensya ka na pre ah." He gave me a sad smile.

     Since humingin naman siya ng tawad, mas mabuti pa siguro na huwag ko ng palakihin pa ang isyu. I need to act like a mature man, twenty-one na ako. Hindi na ako bata. "Kalimutan mo na yun." I mumbled and lean my back against the drawer looking at his worried eyes. "Hindi mo naman sinasadya. Nagulat ka lang siguro." I force myself to smile, tinignan niya ako. "T-Talaga? Hindi ka na galit?" Tanong niya. Umiling ako and he gave a sigh of relief. He lie down on his bed with a grin, "Akala ko naman lalayas na ako dito sa dorm." He snickered. "Sayang din naman ang binayad ko."

     "Kelan ka ba bumalik?"

     "Two weeks ago ata. Ikaw? Saan ka naman tumira?"

     "Kina Maya."

     "Mabuti naman hindi ka napatay ng landlady nila." I chuckled.

Boy Meets Boy(BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon