“It’s Saturday! Saturday, gotta get up on Saturday! Everybody’s looking forward to the weekend, weekend!”
Tinabunan ko ng unan ang ulo ko para hindi marinig ang out of tune na boses ni Riley. Dakilang sintunado rin itong best friend ko eh. Hindi na ako magtatanong ko papano siya nakapasok sa kwarto ko, pinapasok siya ni ate o di kaya ni mama. “Gumising ka na, Dyl! And sing with meeeee, Saturday Saturday gotta get up on Saturday,” nag-pause siya at kinuha yung unan na nakapatong sa ulo ko. “SATURDAY SATURDAY! GOTTA GET UP-” kumanta siya ng full force sa tenga ko.
“Oo na. Oo na, gising na ako Riley, for god’s sake. Hindi mo kelangang ulit-ulitin na Sabado na. Alam ko yun,” umupo ako at humikab.
Nagulat ako ng tinulak niya ako para pababain ako sa kama ko. “Ano ba!? Bahay mo ba ‘to?” I waved her off. “Shoo, shoo muna. Mamaya na ako makikipag-chikahan sa’yo. Matutulog pa ako eh,” hihiga na sana ulit ako pero tinulak niya ako ulit kaya nahulog ako sa kama. “Amp*ta naman Ley o! Ano ba!?” Nayayamot kong sabi. “Eeeeh, mag-bihis ka na. Mag-paparty daw tayo sabi ni Ms. Annie.” Leche ginising niya ako para sa walang kwentang party na naman? Hindi ako party gal noh. Party pooper ako, mabuti pa na matulog ako kaysa mag-party noh.
“Don’t tell me ayaw mong sumama!?” She gasped.
Humiga ako at nagbaluktot sa ilalim ng sheets ko. “Yep!” Sagot ko. “Kaya umalis ka na. Byeeee!” I waved her off and closed my eyes. Brrr! Ang ginaw pa naman sarap matulog! Kekeke…
“Will, o! Ayaw niyang bumangon!” Tawag ni Riley.
Narinig kong bumukas ang pinto ko. “Kahit kelan party pooper talaga ‘tong si Dyl. Kaya di nagkaka love life eh,” wow ha nag lakas loob pa na ibulong ng bruha ang mga sinasabi niya eh rinig na rinig ko naman eh. “Nag-salita ang my love life,” I said in a muffled voice. “FYI, Dyl. May love life ako ngayon. Hindi mo lang alam. Diba may manliligaw ako, Will? Sabihin mo kasi.”
“Sino naman yang manliligaw mo? Si Johnny Bravo?” Pinigilan kong hindi tumawa.
Narinig kong tumawa si Will. “Hahaha! Sapul!” Sabi niya.
“Grrr… Ewan ko sa inyo! Hmp! Gisingin mo na kasi yang baklang yan, Will!” Sabi ni Riley
Nakarinig ako ng katahimikan, lumabas na siguro ang dalawa. Haha, sabi ngang ayaw kong sumama eh pinipilit pa kasi. Nag-sasayang lang sila ng oras sa panggigising sa akin. Haaay sa wakas, makakabalik din sa beauty sleep ko. Dahan-dahan kong pinikit ang aking mga mata, ngunit ng lumipas ang isang minuto napasigaw ako ng binuhat ako ni Will. Take note, bridal style pa. “Ibaba mo ako!” Hinampas-hampas ko ng kamay ko ang dibdib niya ngunit balewala lang ito sa kanya. “Rise and shine, princess!” Ngumiti siya sa akin at umirap naman ako. I punch and kick hanggang sa napagod ako ngunit hindi niya ako binaba. Instead diniretso niya ako sa banyo ko at binaba ako sa loob.
“Maligo ka na at mag-breakfast!” Riley poked her head sa doorway ng cr ko.
“That’s because weeeee’ll,” nag-pause siya at sumayaw-sayaw sila ni Will, ang wild ng sayaw nila. “Paaaaaarty! It’s Saturday Saturday, gotta get up on-” pakanta-kanta silang dalawa, sinara ko yung pinto ng banyo ko. Napabuntong-hininga ako ng marinig ko pa rin na patuloy pa rin sila sa pagkanta.
Sheesh, sira na naman yung weekend ko. Grrr! Gusto ko pang matulog eh!
…
“Maaa! Ba’t mo ba kasi pinapasok yung dalawang yun!?” Reklamo ko kay mama, katatapos ko lang kumain ng almusal.
“Dyl, mga kaibigan mo sila. At sabi ni Will mag-paparty daw kayo, kaya sumama ka na. Para naman may social life ka,” ouch ha. Ibig sabihin wala akong social life. “Ang sakit nun ma ah” bulong ko.
“Ehhh, ma-”
“Dylan! Pag-sinabi kong punta, punta! Gets?” Nagdabog si mama papuntang kusina.
“Dylan, pag-sinabi kong punta, punta! Gets?” Ginaya ko yung high pitch na boses ni mama.
“Ano’ng ginagawa mo?” I squealed ng nakita ko si papa na nakatayo sa likod ko. Kagulat naman kasi si papa eh, bigla-biglang nag popup-out kung saan-saan. “Wala po,” sagot ko sabay kamot sa likod ng ulo ko. Sinundan niya si mama sa kusina.
“Makaalis na nga,” bulong ko. Nag-paalam na ako kina mama’t papa at kay ate.
“Yaaaay! Sasama na si Dyl!” Patalon-talon na lumapit sa akin si Riley at niyakap ako. Tinignan niya ako, “Waaaah! Ang cute mo talaga kahit kelan, Dyl. Hindi ka tumatanda!” Inalog niya ang buong katawan ko. Pumasok na kami ng kotse at nadatnan ko na may kausap si Will sa cellphone niya. “Opo, andito na po siya. Babay,” pinatay niya kaagad ito ng pumasok kami ni Riley. “Wow ha… May callmate pala itong si Will,” biro ko. Tumawa-tawa siya na animo’y nakakatawa yung joke ko. He started the engine at umalis na kami.
“Saan ba tayo pupunta?” Nakita kong wala man lang may nakikinig sa akin. Si Riley may binabasa sa phone niya at si Will naman nag-coconcentrate sa pagmamaneho, nakakunot pa ang noo ah. “Dahan-dahan lang Will baka matunaw ang daan sa kakatitig mo eh,” tinapik ko yung braso niya at tinignan kung ano ang binabasa ni Riley. “Ano’ng binabasa mo?” I put my arm on her shoulder para makita yung binabasa niya. “Porn story yan noh?” Sabi ko. Tinignan niya ako with a disgusted look, “Hindi ako manyak noh,” aniya. “Wattpad kaya ito,” aniya.
“Wattpad? Ano yun?”
“Website kung saan makakabasa ka ng free stories around the globe,”
“Talaga? Waaah, ma-try nga yan. Ano’ng story yang binabasa mo?”
“Ummm… Opposite Attracts ni Chizumi,”
Since may wifi yung sasakyan ni Will nag-download ako ng Wattpad app sa phone ko. At ni-search yung story na sinasabi ni Riley. Grabe ang astig naman ng bida dito. Nakakakilig din si Robbie ah, wagas kung maka-care kay Andi. Tinignan ko pa ang ibang story ng author. Kahit na homo ako I still enjoy reading straight romances, kinikilig din kasi ako hihi. Pero mas kinilig ako ng mabasa ko yung The Accidental Girlfriend, nakakakilig na nga nakakatawa pa! Napahagikhik kami ni Riley sa mga binabasa namin. Natigil ito ng maramdaman namin ang pagtigil ng pag-andar ng sasakyan ni Will.
“We’re here,” pag-aannounce niya. Binaba ko yung bintana ng sasakyan para matignan ang paligid.
Ayoko ko kasing bumaba na hindi tinitignan kung nasaan kami. Well for safety purposes lang naman diba. Baka kasi pagbaba ko may zombie na aatake sa akin o di kaya may leon na maghahabol sa akin. Exaggerate much noh? Haha. Dapat na kasi ako sigurong tumigil sa panonood ng zombie themed movies, masyado ko kasing binabase ito sa reality eh hehe. Nasa harap kami ng isang malaking rest house, wala mang dagat ang likod nito ngunit masasabi mo talaga na makaka pag-relax ka dito. Medyo maginaw ang paligid, maraming puno at bulaklak. At parang nasa ibabaw siya ng burol kasi mag-lakad ka lang mula sa kinatatayuan ng sasakyan namin, makikita mo ang buong syudad.
“Ang ganda… At ang bangooo!” Nasa labas na pala ng sasakyan si Riley at kami na lang ni Will ang natira sa loob.
Nag-aalangan ako kung lalabas ba ko o hindi. Yes, inaadmit ko natatakot ako. Wala akong nightlife o social life o facebook life o twitter life. In short, lifeless ako. Natatakot kasi ako baka masaktan ako o di kaya pagtawanan ako. Ito siguro ang napapala ko sa hindi ko paglabas sa bahay maliban lang kung papasok ako o may bibilhin ako. “Buksan mo na yan,” narinig ko si Will na nakatingin sa akin frontview mirror. “P-Pwede mo ba akong ihatid na lang pauwi, Will? Ayoko namang sirain yung araw niyo sa pagiging party pooper ko,” mahinang sabi ko. Natatakot kasi ako makihalubuli sa mga taong hindi ko naman kilala. “Haaay, Dylan…” Bumaba siya sa sasakyan at binuksan ang pinto sa gilid ko.
“Let’s go?” Sabi niya na nakangiti. He took out his hand at tinignan ko naman ito.
“Nandito lang ako. I assure you, walang mangyayaring masama.” Since sinabi yun ni Will hinawakan ko yung kamay niya at bumaba na ako ng kotse. I trust him.
BINABASA MO ANG
Boy Meets Boy(BoyXBoy)
RomanceIs it possible for a two boys to fell in love with each other? Warning! BoyXBoy! Read at your own risk.
