Chapter 44

32 1 0
                                    

Ngayong araw dapat ang Day 2 schedule ng island hopping namin ngunit dahil kailangan daw si Drake bilang representative ng kanyang daddy, kasama s'ya sa pagtitingin ng lupa na bibilhin dito sa Batangas. Akala ko ay para sa business pero private resort pala ang itatayo.

Nagpunta kami sa isang malawak na lupain na maraming puno at ang harap ay asul na asul na dagat. Buhay ang kulay nito dahil tirik na ang araw. Mag aalas nuebe na rin kasi ng umaga. Parang ganito sa amin sa probinsya. Malapit ang bahay namin sa dagat at doon kami kumukuha ng ikabubuhay. Si tatay ang nanghuhuli ng mga isda sa laot habang si nanay ang nagbibilad ng mga isdang nahuhuli ni tatay upang gawing daing at ibinebenta sa palengke o terminal pang pasalubong ng mga turista. Napabuntong hininga ako. Sobrang namimiss ko na sila.

"You okay?" Halos mapabalikwas ako sa kinauupuan ko dahil sa gulat. Nakaupo ako sa isang bench na gawa sa kawayan na nakaharap sa dagat. Ang mga sanga ng puno na maraming dahon ang nagbibigay ng lilim sa akin. Marahil ay tapos na nilang i-check ang lugar. Napalingon ako sa likuran n'ya ngunit wala doon ang mga kasama namin. Habang chinecheck nila Drake ang lugar na ito ay nag kanya kanyang libot ang mga kasama namin. Hindi na ako nag abala na sumama dahil pakiramdam ko ay pagod pa rin ako. Saka malapit rin kami sa dagat kaya parang hindi na rin bago sa akin ang makakita ng beach. Ako lang ang bukod tanging nagpaiwan. Ayaw sanang humiwalay sa akin si Drake ngunit kailangan n'yang sumama sa pag inspect since siya ang representative ng kanyang daddy. Nilingon ko siya, takhang nakatingin siya sa akin marahil sa naging reaksyon ko. Kumunot ang noo niya habang nakasimangot. Sa halip na irapan siya dahil sa kung ano na naman ang iniisip n'yang iniisip ko ay natawa na lamang ako. Mas lalo tuloy kumunot ang noon n'ya.

"Why are you laughing?" Seryosong tanong n'ya. Napaisip tuloy ako kung magkaroon kami ng anak tapos manahin ang kasungitan n'ya. Panigurado marami ang magkakagusto sa anak ko. Mas nakaka-attract kasi talaga pag masungit ang lalaki.

"Hoy babae! Ano'ng iniisip mo?" Hindi ko namamalayan na kanina pa pala s'ya nagsasalita kung hindi lamang bahagyang tumaas ang boses n'ya.

"Huh?" Yon lang ang naisagot ko. Naningkit ang mga mata n'ya lalo.

"Who the hell were you thinking?" He asked in a serious tone.

"Who agad? Hindi ba pwedeng what?" Asar na sagot ko ska ako nag crossarms. Hindi ko napigilan mapairap. Ayoko sana mag sungit ngayon ngunit sinusubok talaga ni Drake ang pasensya ko.

"Okay, what were you thinking? I hope it's not that bastard." He said but I didn't hear the latter part cause it's almost a whisper.

"What?" I asked as I lift my right brow.

"Hey, I asked first." Angal niya. Nanatili siyang nakatayo sa harapan ko.

Ngumiwi ako. Kelan ba ako nanalo dito. Bumuntong hininga ako ska umirap sa kanya bago tumingin sa dagat na humahampas ang alon sa dalampasigan. Kasabay ang pag sayaw ng mga halaman sa hangin.

"Iniisip ko lang kung paano pag nagkaroon tao ng baby tapos manahin yang kasungitan mo. Tsk." Wika ko saka ipinatong ang mga siko ko sa aking mga hita saka pumangalumbaba. Nilingon ko ang walang imik na si Drake. He looks shocked. Ano na naman ba ang nangyayari sa kanya?

"Xandra." Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses na tumawag sa akin. Nandyan na sila Fritz. Tumayo na ako at iniwan si Drake na parang minaligno.

"Ano'ng nangyari kay Drake?" Tanong ni Levi nang makalapit ako habang takhang nakatingin sa likuran ko. Takhang sumulyap din si Fritz. Hindi na ako nag abala pang lumingon. Ang hirap kay Drake laging sinisira ang momentum. Ni wala man lang comment sa sinabi ko. Di man lang nagpakita ng maski anong reaksyon na kinilig. Asar.

"Hayaan mo d'yan baka nakakita ng duwende." Sagot ko at nauna nang maglakad. Nilampasan ko sila.

"Baka ni-torrid kiss ni Xandra tapos nagulat." Bulong ni Fritz na narinig ko naman. Napasimangot ako dahil doon. Gusto ko sanang lingunin si Fritz para sungitan pero mas nangingibabaw ang inis ko kay Drake. Bwisit talagang lalake 'yan.

Playing Casanova (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon