Chapter 42

20 1 0
                                    




A pair of feet suddenly appeared in front of me. I looked up to see who it was. I let out a big sigh and lower my gaze to my feet when I saw it wasn't him. Why am expecting that he will look for me? That he will chase after me? I am not a big catch for him. Again, I sighed.

"Grabe naman. Wag mo naman ipahalatang disappointed ka." I heard a bitterness from his tone.

Nilingon ko siya at ngumiti ng matipid. "I'm sorry, Chase." Iyon lamang ang tanging nasabi ko. Gusto ko man sabihin sa kanya na hindi ganon ang ibigsabihin ng pagbuntong hininga ko ay hindi ko na magawa dahil pakiramdam ko ay napapagod na akong mag explain pa. Tumingin aka sa harap kung nasaan ang dagat. Pinagmasdan ko ang mga alon na humahalik sa dalampasigan. Lumalayo ngunit babalik muli. Kahit gaano kalayo ang atras ng alon, bumabalik pa rin ito. Mas malayong atras, mas malakas ang impact sa pagbalik.

I think I can compare myself to these waves at si Drake ang dalampasigan. Dahil kahit lumayo ako kay Drake, babalik at babalik pa rin ako sa kanya na para bang magkadugtong na kaming dalawa.

"Xandra" tawag n'ya sa pangalan ko kaya nawala ako są pag-iisip.

"Hmmmm?" Sagot na hindi tumitingin sa kanya. Ayaw kong ipakita ang mukha ko dahil alam kong mababasa ang kalungkutan dito.

Gusto ko lang makausap si Drake. Ayoko ng ganito kami. Kung kailan naman naging kami na ska naman napapadalas ang pag aaway namin.

"You like him, right?" Aniya na halos bulong o nadadala ng malakas na hangin ang mga salita n'ya kaya ito humina.

"Oo. In fact, mahal ko na siya." Walang pag aalinlangang sagot ko.

I wanted to be honest. I want to be true not just to other people but also to myself. Alam kong matagal kong itinatanggi at binabalewala ang ang nararamdaman kong ito para sa kanya. Noong una na ay naguguluhan pa rin ako kaya hindi ko kayang aminin pa pero this time, I'm sure. Sigurado akong mahal ko na siya.

Tanging malakas na hangin at bagsak ng mga alon ang sumakop sa katahimikan naming dalawa. Hindi ko alam kung anong naging reaction niya sa sinabi ko. Wala na akong pakielam kung ano man ang isipin nila sa akin. Gusto ko lang magpakatotoo sa nararamdaman ko. Kung masaktan man ako, siguro ito ang magpapaalala sa akin na na natuto akong magmahal hindi lang sa pamilya, sarili at mga kaibigan ko.

"Ang swerte n'ya." Pag basag n'ya sa katahimikan. Agad naman na napalingon ako sa kanya. Hindi ko makita ang expression n'ya dahil sa nakatanaw din ito sa dagat at tila pinanunuod ang mga alon gaya ng ginagawa ko kanina. "I'll go ahead na. Total marami ng tao ang I'll ask the security to keep an eye on you." Aniya sabay tayo sa duyan. Tumalikod na siya at nag simulang lumakad papalayo. Sinundan ko siya ng tingin habang ang mga bakas ng kanyang mga paa ay bumabakat sa puting buhangin kaya naiwan ang mga yapak nya doon. Nakita kong nagtungo siya sa isang resto di kalayuan at kita kong kinausap niya ang isang lalake doon na naka-uniporme ng pang security at tumuro kung saan ako nakapwesto. He's really thoughtful. Hindi ko alam kung bakit hindi ko talaga kayang magustuhan si Chase samantalang mas ideal siya kesa kay Drake.

Matapos iyon ay naglakad na siya papalayo hanggang sa hindi na siya maabot ng mga mata ko.

Mabilis akong tumayo. I need to find Drake.

Halos matumba ako nang tumama ako sa isang matigas na bagay sa biglaang pagtayo ko mula sa duyan. Mabuti na lamang at napakapit ako sa lubid ng duyan. Napahawak ako sa aking noo. Agad na tiningnan ko kung saan alo tumama nang bumungad sa akin ang nakasimangot na si Drake.

Ano na naman ang probleman nito?

"You do like him, don't you?" Aniya na parang sigurado sa sinasabi.

Gusto ko siyang layasan ngunit mauuwi na naman lalo sa hindi pagkakaintindihan.

Bumuntong hininga ako ska ko siya hinawakan sa braso. Hinila sa dikalayuang sementong bench na naroon. Doon ko siya dinala sa kakaunti ang tao dahil nakakahiya kung sakali man lumakas ang boses ni Drake at least walang masyadong makakarinig sa amin.

Halos itulak ko siya paupo na siya namang ikinagulat niya.

"Ano bang problema mo?" Iritang tanong ko.

"Wala" Aniya ska ako inirapan. He crosses his arms. He looked away trying to avoid my gaze. Sarap sampalin.

"Ganito na lang ba lagi tayo? Lagi mo kong aartehan ng ganyan?" Gusto ko man magalit ng todo pero ang matitigan lang ang mukha niyang seryoso ay nawawala ang galit ko. "Why do you have to be so damn gorgeous?"

Mabilis siyang tumingin sa akin. He is looking at me with an amused or confused face. I don't know. Nagulat ako at hindi ko alam kung anong sasabihin ko kaya muli ay sinarado kong muli ang aking bibig. Kinagat ko ang labi ko at gusto kong sampalin ang sarili ko ngayon. Shit! I suddenly said that out loud. It's supposed to be only on my mind. Damn. Nakakahiya.

Suddenly, a smirk formed on his lips. Damn you!

"Gorgeous, huh?" Aniya sabay tumayo mula sa bench na kinauupuan niya.

Bahagya kong umatras. Hindi ko matukoy kung anong klaseng expression ang pinapakita nya sa akin ngayon. Nakangisi siya ngunit ang mga mata ay seryoso. Para akong paparusahan.

Nakalapit siya sa akin sa isang hakbang. Aatras sana akong muli ngunit napigilan ito nang bigla niyang ikawit ang isang kamay sa aking bewang.  He leaned to me and whispered to my ears.

"Gorgeous, you say? Hmmm." He said in a husky voice. Halos magtaasan ang mga balahibo ko sa katawan.

Hindi ako makagalaw at tila nanigas ang aking mga paa. Iba ang epekto ng bawat ginagawa niya sa akin.

"Who is more gorgeous? Me or Chase?" Muli ay bulong niya sa aking tenga. Halos mapapikit ako sa kiliti dahil sa ginagawa niyang pagbulong doon. Kakaibang sensasyon ang dulot nito sa akin. I want to grab him and kiss him right now. Damn it, Drake!

"Answer me, baby." Hindi ko mapigilan ang pag pikit ko. Halos habulin ko na rin ang hininga ko. Gusto kong imulat ang mga mata ko nang marinig ko ang marahan nyang halaklak. Marahil nakikita niya sa akin ang epekto ng ginagawa nya. He's enjoying it, huh? Hindi ako makakuha ng lakas para imulat ang mga mata ko. Pakiramdam ko pulang pula na ang aking mukha ngayon. Good thing at medyo madilim dito, tanging ilaw na kulay dilaw sa lamp post ang ang nagbibigay ng liwanag dito sa pwesto namin.

"Y-you." Nauutal na sagot ko. Damn it! I can't be like this.

"Who's more gorgeous? Me or the man you were staring at at the grocery store?" Aniya na may diin. There's a hint of jealousy in his voice, I think. Ngunit hindi ko na pinansin iyon dahil mas nananaig ang nararamdaman ko ngayon. What the hell are you doing to me, Drake? Bawat pagtama ng kanyang hininga sa leeg ko ay nakakapagdulot ng kilabot sa akin. Para akong lalong inaakit sa kanya. Ayoko ng iniisip ko. Para akong nagging mahalay.

"Answer me, Xandra." Utos niya sa tila nang aakit na boses. Humugot ako ng hangin at marahang idinilat ang  mga mata kong tila namumungay na. Lumingon ako sa kanya dahilan para muntik mag dikit ang mga labi namin. Kita ko ang pagkakagulat niya lalo pa nang magtama ang aming mga mata. Rinig ko ang pag singhap niya. I don't know what is happening to him this time. Bahagya siyang napalayo sa akin ngunit nanatili pa rin ang kamay na nakakapit sa aking bewang. Iniwas nya ang mga mata nya sa akin at nakita ko ang mariin na paglunok niya.


Inangat ko ang kanang kamay ko at inihawak sa kaliwang pisngi n'ya. Para siyang napaso dahil muli ay bahagyang napaatras siya dahil sa ginawa kong iyon. Iniharap ko ang mukha niya sa akin gamit ang kamay kong nakahawak sa pisngi niya. Gusto kong tumingin siya sa mga mata ko.


"It's you, baby." Wika ko na tila namamaos na rin. "It'll always be you. "

Playing Casanova (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon