Chapter 26

40 7 0
                                    

Xandra's POV

Naka-sampung ama namin, 7 luwalhati at 5 aba ginoong maria na ako ngunit patuloy lang sa paglakas ang tibok ng puso ko. Habang papalapit kami nang papalapit sa hotel kung saan ang venue ay lalo lamang nagwawala ang puso ko sa loob ng dibdib ko. Halos pigil ko ang hiningi ko nang magpark si Drake ng kanyang sasakyan sa tabi ng mga mamahalin ding mga sasakyan. Hindi maikakaila na hindi basta-basta ang mga taong narito ngayon. At dahil doon ay mas lalo lamang akong kinabahan.

"What is wrong with you?" Halos mapatalon ako nang biglang magsalita ang katabi ko. Tapos na pala nyang i-park ang sasakyan.

Nilingon ko sya at nakitang kunot noo habang nagtatakha syang nakatingin sa akin.

"Wag na kaya." I gulped.

Tinaasan lamang nya ako ng kilay at ska bumaba ng kanyang sasakyan. Umikot sya sa may pintuan ko at binuksan ito. He unbuckled my seatbelt and held my wrist. "Let's go." Aniya sabay hila sa akin.

Napangiwi ako dahil muntik na akong mapada sa pagkaladkad na ginagawa sa akin ni Drake. Bwisit talaga. Ang sakit na tuloy agad ng paa ko sa heels na suot ko.

Nang pumasok kami sa loob ng hotel ay parang maiihi na ako sa kaba sa dami ng tao. Hindi nga basta-basta ang mga bisita ng daddy nya. May mga kilalang politiko, sikat na mga artista at  model. At ngayon ay lalo kong nararamdaman ang layo ng agwat naming dalawa. Parang sumakit ang dibdib ko sa naisip kong iyon. Pinilit kong ayusin ang sarili ko dahil alam kong mapapansin iyon ni Drake. Marami ang sumasalubong sa kanya at gusto syang kausapin ngunit nilalampasan lamang nya ang mga iyon at hindi pinapansin. Karamihan pa doon ay mga kilalang tao. Wala talagang manners tong lalakeng to.

Nanlalakihan naman ang mga mata ng mga tao makakakita sa akin lalo na pag bumaba ang tingin nila sa kamay namin ni Drake. Hindi pa kami magka-holding hands nyan ha ganyan na sila makatingin. Nakahawak lang kasi si Drake sa wrist ko habang kinakaladkad ako. Oo talagang kinakaladkad nya ako dahil hila-hila nya parin ako habang mabilis syang naglalakad. Gusto ko na nga syang batukan e.

Huminto sya bigla at dahilan kaya nauntog ako sa likod nya. Napahawak ako sa noo ko dahil doon. Nang tingnan ko ay may tao sa harapan. Sa dami ng taong pumansin sa kanya kanina ay ito lamang ang nakapagpahinto sa kanya. Sino kaya to?

"Where you been ba? Tito is looking for you kanina pa." Maarteng sabi ng babae. At kasabay nito ang ikinagulat ko ngunit pinanatili ko ang normal na expression ng mukha ko. Hinalikan nya si Drake sa kanang pisngi. Si Drake kita kong nagulat base sa pagkaka-atras nya ng bahagya pagkatapos ay sandali pa itong natigilan at kalaunan ay tila binalewala nya na rin iyon at nag explain pa kung bakit sya late. Pinagmasdan ko ang babaeng nasa harap nya. Manipis ang mapula nyang labi, maputi at makinis ang balat, brown ang kanyang maikling tuwid na buhok na hanggang batok. Katulad ng buhok nya ay brown din ang singkit nitong mga mata. Matangkad ito ngunit hindi ko alam kung gaano ba talaga sya katangkad dahil sa suot nyang heels ngayon. Nakasuot sya ng tube royal blue na floorlength dress at may mahabang slit mula sa hita. Kung lalakad ito ay siguradong lumalantad ang malagatas na kulay ng hita nito.

Patuloy parin ang pag-uusap nila na parang wala ako dito. Alam kong nakita na ako ng babaeng ito dahil bahagya itong sumulyap sa akin kanina at hindi man lang nagtagal ng 2 segundo ang pagtapon ng tingin sa akin at ibinalik din agad kay Drake.

Kumawala ako sa hawak ni Drake at mabilis itong lumingon sa akin na nakakunot ang noo.
Muli nya akong hinawakan at ngayon ay sa kamay naman. Napatingin ang babae sa ginawang paghawak ni Drake sa kamay ko at kita ang tabang sa mukha nya na agad din nyang inayos ang itsura nya bago pa tumingin ulit sa si Drake sa kanya.

"See you around, Cess." Sabi ni Drake dito at tinapik ang balikat. "Let's go babe." Wika nito na hindi lumilingon sa akin at ska ako hinila.

Nang lingunin ko ang babae nang matapat ako sa kanya ay nakataas lamang ang kilay nitong nakatingin sa paanan ko at alam kong aakyat ang mga titig nya hanggang ulo ko. Pero bago pa magtama ang mga tingin namin ay ibinalik ko na lang ang tingin sa daan habang patuloy parin ang paghila sa akin ni Drake.

Nadaanan namin sina Ivan at Aiden na nasa may chocolate fountain kasama ang ibang mga bata na mukhang naiinis na sa kanila dahil tila sinosolo nila ang mga pagkaen doon.

Nakita ko rin si Dylan di kalayuan na nasa isang round table at tingin ko ay pang VIP iyon dahil iba ang dekorasyon noon sa iba pang mga mesa. May kausap syang magandang babae na sa tingin ko ay nasa mid-50 at lalake na nasa ganon din ang edad. Hawig nya ang lalake at parang kapareho ng mata ni Dylan ang mata ng babae. Parang nakita ko na sila dati hindi ko lang matandaan.

Nawala ako sa pag iisip nang pisilin ni Drake ang kamay kong hawak nya. Mabilis na napalingon ako sa kanya at nakanuot noo na naman syang nakatingin sa akin habang nakataas ang kilay. Nakahinto na pala kami ngayon. Hindi ko namalayan.

"Do you like Dylan?" He asked in an irritated tone.

Napangiwi naman ako sa tanong nya.

"Hindi no—" naputol ang sasabihin ko nang may marinig akong halakhak. Napatingin ako sa harapan at nandito pala kami sa harap ng table ng Daddy nya. Tumayo ito habang patuloy parin sa pagtawa.

"Dad." Tawag nito sa Daddy nya kaya natigil sa pagtawa.

"Happy birthday po." Nahihiyang bati ko.

"Thank you, Hija. Did my son tell you what present I want? I hope I can have it on my next birthday." Nakangiting wika nito. At hindi ko alam ang sasabihin ko kaya awkward nalang akong napangiti.

Playing Casanova (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon