Chapter 5

566 12 3
                                    

Xandras' POV

Sabay kaming lumabas ni Eason ng private garden. Pagdating namin sa labas ng gate ay naghiwalay na kami. Papunta ako ng classroom at sya naman ay sa parking lot dahil uuwi na daw sya. Kainis naman anong sasabihin ko kaya Drake nyan? Naglakad na ko pabalik ng building namin dahil malapit na magstart yung first subject ngayong hapon. Hindi pa nga pala ako nagla-lunch.

Gutom na gutom na ko. Malapit na ko sa room ng biglang tumunog ang cellphone ko.

Kinuha ko yung phone ko at nakita si Fritz ang nagtext.

From: BFF Fritz

Walang klase ngayong hapon. Dumiretso kana dito sa cafeteria after mo makipag-date.

Ano ba naman yan oh! Wala na namang klase.

Isa pa tong si Fritz. Bakit ba kasi nya iniisip nya na date yun? Sabi na ngang nakikipagkita lang e.

Pumunta na ako ng cafeteria. Aayain ko na syang umuwi dahil gusto ko pang matulog.

Fritzel's POV

Nakasimangot na naglalakad si Xandra papalapit sa table namin.

"Hi Besty!" Nakangiting bati ni Levi kay Xandra ng makalapit ito samin. Besty din kasi talaga ang tawag nya kay Xandra. Tumango lang si Xandra at ska umupo sa isang chair na nasa harap namin ni Levi.

"Mukhang pinagbagsakan ka ng langit at lupa ah!" Sabi ko sa kanya.

"Gutom na gutom na ko." Sabi nya ulit ng nakasimangot.

"Oh bakit? Hindi ka man lang pinakaen ng kadate mo?" Nagtatakang tanong ni Levi.

"Hindi yun date. Nakikipagkita lang yung tao. Pero di rin kami nagkita kasi nakaalis na din daw sya sabi ng kaibigan nya."

"Ah!" Tumango-tango lang si Levi.

"Si Levi kasi naubos nya yung pagkaen na para sayo e. Ang takaw kasi."

"By naman. Ang sabi mo kasi ubusin ko at sayang dahil may date naman si Xandra at siguradong kakaen na sya don." Sabi ni Levi habang nakapout. Para syang bata na nangangatwiran.

"Oo na. Bilhan mo nalang sya ng pagkaen."

"Levi yung pang tatlong tao ang bilhin mo." Sabi nya at ska kinuha ang wallet sa bag at kumuha ng pera ska inilapag sa table

"Okay lang kami besty. Busog pa kami." Sabi ko.

"Alam ko."

"E bakit pang tatlong tao?"

"Hello! Gutom na gutom na kaya ako."

Nagtinginan nalang kami ni Levi at nagkibit balikat.

"Sige na By. Bilhan mo na sya." Tumayo na si Levi at akmang lalakad na ng magsalita si Xandra.

"Levi yung pera nakalimutan mo." Sabi ni Xandra at kinuha yung pera sa ibabaw mg table at iniaabot kay Levi.

"Hindi na Xandra. Dito na." Sabi ni Levi

"Oo nga besty! Ipunin mo nalang yan pandagdag sa padala kila Nanay." Sabi ko at umalis na si Levi at nagpunta sa counter.

"Thank you besty ha."

"Ano kaba napakaliit na bagay lang nyan noh."

"Malaking bagay na yan para sakin." Sabi nya at ngumiti. Parang gusto kong maiyak sa sinabi nya. Dapat sana nararanasan din nya ang mga bagay na nararanasan ko. Yung may lovelife, nag-eenjoy at nabibili ang lahat ng gusto hindi yung ganyan na siya ang kumakayod ng para sa pamilya nya. Hindi ko naman masisisi si Xandra, siya lang kasi talaga ang inaasahan ng pamilya nya.

Playing Casanova (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon