Chapter 23

61 1 0
                                    




Xandra's POV

"Pasok na ko Fritz." Wika ko nang makita sya sa sala na nakatutok sa Macbook nya habang ako ay pababa ng hagdan.

"Okay. Mag-ingat ka."

Nilampasan ko sya at lumabas na ng bahay.

3 buwan na ang nakakalipas nang mangyari ang bangungot na iyon sa buhay ko. Noong una hindi ko alam kung paano ako magsisimula ulit na parang normal at walang nangyaring ganoon ngunit dahil sa tulong ng mga mabubuting taong nakapaligid sa akin ay unti-unti nawawala na sa isipan ko ang masamang pangyayaring iyon at napapalitan na ng mga bagong ala-ala.

"Xandra, ito na yung mga request." Sabi ni Zen nang iabot nya sa akin ang isang papel na naglalaman ng mga kanta. Nandito kami sa dressing room at kung saan din kami ang re-rehearse.

Papalapit ako sa may mahabang sofa nang mapansin mukhang tulala ni Flynn. Nilingon ko si Marco sa kabilang sofa kung saan nakakunot ang noong nakatingin din kay Flynn. Ano kayang problema nito?

Nang mapansin siguro nyang nakatingin ako sa kanya ay lumingon sya sakin mula Flynn. Lumingon ako kay Flynn at ibinalik ang tingin sa kanya ska binigyan sya ng nagtatanong na tingin. Nagkibit balikat naman sya at tiningnan nalang ang pyesa ng mga tutugtugin para mamaya.

"Ready na daw tayo sabi ni Boss Ferdie. Start na daw in 10 minutes." At parang doon palang bumalik ang wisyo ni Flynn. Tumayo sya at kinuha ang gitara sa tabi nya.

Nagtungo sya papunta sa akin kung saan sa likod ko ang pinto.

"You okay?" tanong ko sa kanya bago pa sya makalampas sa akin.

"Xandra?" Aniya nang lingunin nya ako. Parang kinilabutan ako sa pagtawag nya sa pangalan ko dahil sa lamig ng boses nya at mga seryosong titig nya. Never seen him like this before. Masayahin kasi itong si Flynn, laging nakangiti at kung magseryoso man ay tuwing tumutugtog lang. Maraming babae ang mga nagkakadanrapa sa mga ka-banda kong ito dahil kahit saang anggulo mo sila tingin, gwapo talaga sila.

Si Flynn ay may matangos na ilong, well lahat naman sila ay matatangos ang ilong, kulay ash blonde ang buhok nya, may maputi at mamula-mulang balat hindi katulad sakin na parang putla na sa sobrang puti. Kulay gray ang mata at minipis ang mapulang labi. Matangkad at magandang ang tindig at hubog ng katawan. Sinisiguro kong swerte ang babaeng magugustuhan nya dahil hindi lang sa magaling syang mag-gitara at maganda ang boses kundi dahil gwapo at mabait pa sya.

"Hmmm?"

"Nagkaboyfriend kana ba?" Aniya na seryoso parin.

"Huh?" Halos manlaki ang mga mata ko sa tanong nya. Ano kayang problema nitong si Flynn? Babae?

"Ah oo ng apala si Drake boyfriend mo diba?"

"Hindi pa." Pagtanggi ko. Hindi naman talaga. Hindi ko pa sya sinasagot pero parang kami narin dahil sa mga kilos namin. Hay! Ewan.

"So manliligaw pala?" Parang sa bawat pagbigkas ng mga salita ni Flynn ay may bakas na pait. Ano ba talagang problema nito.

"Oo." Kasi napag usapan na namin yan dati.

Tumango-tango sya at ibinaling ang tingin sa harapan nya.

Bumuntong hininga sya. "Manhid ka din ba Xandra? O isa ka sa mga paasa?"

Hindi ko na mapigilan ang paglaki ng mga mata ko sa mga sinabi nya. Napansin ko rin na nalaglag ang panga ni Marco sa likod nya na nakaupo parin sa sofa.

Muli ay lumingon sya sa akin. "Gusto mo ba si Drake?"

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko dahil hindi ko ma-absorb ang mga pinagsasabi nya. Hindi na nya ko hinayaan pang sumagot at dinugsungan nya na ang sinabi nya.

Playing Casanova (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon