Chapter 40

57 2 1
                                    

"Do you want to kill me?" He asked in a serious tone.

Mabilis na nag angat ako ng ulo dahil sa tanong nyang iyon. Tiningnan ko sya na naguguluhan. Nang lingunin nya ako ay gusto ko na lamang muling sumubsob sa kanya. Parang may kakaibang kuryente ang dala ng tingin nya na biglang dumaloy sa bawat ugat ng katawan ko.

Ako naman ang parang kinakapos ng hininga. Hindi ako magagalaw, pakiramdam ko naninigas ang katawan ko.

"Baby..." He said, almost a whisper. Tumama ang mabangong hininga nya sa mukha ko. Hindi ako makasagot at gulat pa rin na nakatingin sa kanya.

"These past few days, I noticed something. You keep surprising me by your strange actions. And I don't know if I should be glad or feel afraid about it." Hindi ko maintindihan kung ano bang pinupunto nya kaya nanatili pa rin akong nakatingin sa kanya. Hindi ko alam ang dapat sabihin.

Bumuntong hininga sya nang walang makuhang sagot sa akin. Tinitigan nya ako sa aking mga mata at hindi ko alam kung kaya ko bang tagalan iyon.

"I'm getting shocked when you do things like that. Don't get me wrong, don't ever think that I don't like it, it's just that I am not used to it and you know that." Malambing na paliwanag nya. Tama naman sya, hindi naman ako ganito sa kanya noon kaya natural lamang na magkaganyan sya. Ngayon naiintidihan ko na.

"E di masanay kana." Seryosong tugon ko na sya namang ikinagulat nya at bahagyang nanlaki ang mga mata. Simula kagabi, isinuko ko na ang lahat. "Wala nang atrasan to." Dugtong ko.

Kita ko ang dumaang kislap sa mga mata nya at umangat kumurrba pataas ang labi nya.

He leaned in to kiss me. I closed my eyes, waiting for his lips to touch mine....

"XAAAAAANDRA! TARAAA NAAAA!"

Halos malaglag kami sa duyan dahil sa gulat.

F%^*#*! REALLY, FRITZEL MAUREEN?!

Nag angat ako ng tingin at hinanap si Fritz. Naroon na silang lahat at naghihintay sa amin sa pwesto kung saan kami nag p-picture nila Fritz kanina. Hindi kasi mainit roon dahil may lilim ng puno. Hindi naman siguro sinadya iyon ni Fritz, at ska malayo ito para makita nila ang gagawin sana namin. Gagawin? What the hell! It's just a sweet kiss lang sana.

"GEEEEEEEEE! LET'S GOOOOOO!" Tawag naman ni Ivan. Tumayo na ako at bugnot na tumayo rin si Drake doon. Sabay kaming nag lakad. Hinawakan nya ang kamay ko at sabay kaming lumapit sa kanila.

Kulang nalang ay maging puti ang eyeballs ni Cess dahil sa pag ikot ng mga mata nya kanina nang makita ang magkahawak na naman naming mga kamay.

Mga nakakalokong ngisi naman ang nasa mukha nilang lahat maliban kay Dylan na naka-poker face at Aiden na nakasimangot. Sa ibang direksyon naman nakatingin si Chase. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Chase is a good friend, pansin ko lang na simula kagabi nang makita nyang nakasama ko si Drake sa labas ng reception area ay hindi na nya ako kinibo. Mamaya ay kakausapin ko sya. Gusto kong malaman kung mayroon bang problema.

Isang isla pa ang pinuntahan namin bago kami nag stop ulit sa isang isla para sa lunch. Sa pangalawang isla na pinuntahan namin kanina ay saglit lang kaming nag picturan doon at halos ubusin namin ang oras sa pag i-snorkeling. May dala rin palang GoPro si Drake sa loob ng kanyang ocean pack. Iyon ang ginamit naming dalawa kanina pang video at pang picture na rin.

Nasa isang open cottage kami na malaki at doon kami magl-lunch. Pangatlong isla na ito at dalawa nalang mamaya bago umuwi. Pinong puti ang buhangin na akala mo pulbos. Hindi ito katulad ng beach na hubad. Marami ritong puno kaya malilim at hindi mainit. I think pine-preserve talaga nila itong island at inaalagaan ng mabuti. May nakikita rin kami sa paligid na halos kakatanim pa lamang na mga puno.

Wala rin makikitang mga basura at sobrang linis.

May mga waiters na nag s-serve na ng food. Unlike sa iba na usually nag b-boodle fight pag ganito pero iba ito. Iba sila. Sabagay, mayayaman ba naman mga kasama e. Pero si Fritz, I know she likes boodle fight too. Madalas naming iyon gawin sa probinsya pag nag p-piknik sa ilog o kaya falls.

May salad na pako na mas mukha lamang pinasosyal dahil sa malalaking shrimp. May inihaw din na pusit, isda at mga karne. Iba't-ibang prutas din ang hinanda at parfait bilang desserts.

"Here, baby." Ani Drake sa malambing na boses. May pusit na nakatusok sa kanyang tinidor na gustong isubo sa akin.

Narinig ko naman ang pekeng ubo ni Eason.

"Sana all." Biglang imik ni Ivan at nag apir sila ni Eason. Lahat sila nakatingin sa amin ngayon. Hindi ko tuloy alam kung paano ko ito isusubo. Naiilang ako.

Hindi rin nagtagal ang pangangantyaw nila sa amin dahil binibigyan na sila ni Drake ng pamatay nyang tingin. Naging masaya pa rin ang tanghalian dahil sa mga malolokong kwento ni Ivan tungkol sa nakilala raw nyang babae noong nagpunta sila ng Samal sa resort nila Eason.

Matapos kumain ay inaya ako ni Drake umalis. Hindi ko alam kung saan nya gustong pumunta o gusto nya magpababa ng kinaen. Dahil sa malilim dito at pino ang buhangin kaya nakaka-enjoy maglakad. Nagpaalam lang ako kay Fritz at tango lamang ang isinagot nya. Nakasandal kasi sya kay Levi at mukhang pareho silang inaantok sa kabusugan. Si Levi ay napapapikit na habang si Fritz ay bahagyang pikit na ang mga mata na nakatingin sa dagat. Nakaupo sila ni Levi sa pinagdikit na sun lounger. Ang mga kaibigan naman ni Drake ay pumwesto na sa bawat duyan na naroon kasama si Cess. Kaming apat lamang ang naiwan sa cottage. Hinawakan ni Drake ang kamay ko at ang kanan ay may hawak na Gopro.

Sa aming paglalakad, napagtanto kong sa isang rock formation kami patungo. Hindi kasi mainit roon. Mae-enjoy mong mag swimming na hindi ka napapaso sa init ng araw.

Huwag nyang sabihin na hindi pa lamang sya nakakapagpababa ng kinaen ay gusto na nya agad maligo? For sure ilalabas nya lahat yon kung nagkataon.

"Pakakainin mo ba ang mga isda? Sana nanguha ka nalang ng tira doon." Wika ko sa kanya.

Lito ang mukhang nilingon ako. "Pag nag swimming ka kaagad habang hindi pa bumababa ang kinaen mo, for sure, isusuka mo yan." Paliwanag ko.

Ngumiwi lamang sya at umismid. "I know right. I'm not stupid." He said in a duh tone. Ska muling sa daan humarap.

Sarap talagang sapakin.

Pumwesto kami sa ilalim, may bato roon na malapad at flat na pwedeng upuan.

Nakalublob ang mga paa namin sa tubig. Nakaharap kami sa dagat. Nasa tagong bahagi ito kaya hindi rin namin makita ang mga kaibigan naming mula rito.

Tiningnan ko sya at may inaayos sya sa GoPro nya. Nang matapos sya ay inangat ito at tinapat sa mukha namin.

"Say, memories." Aniya at ginawa nga namin iyon. Nang tingnan nya ang larawan na kakakuha ay imbes sa picture namin ako nakatingin ay natulala ako sa mukha nya dahil sa ganda ng ngiti nya.

Nilingon nya ako na naka-plaster pa rin ang ngiti sa mukha. Mabilis naman akong nag iwas ng tingin, inilipat ko ang mata ko sa screen ng GoPro nya.

"Let's make more memories." Malambing na wika nya. Muling ibinaling ko ang tingin ko sa kanya. Nangungusap ang mga mata nya.

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko sasabog ang dibdib ko sa saya.

Napaka-sincere ng ngiti nya. Hindi ko maintindihan kung bakit ganon na lamang ang epekto ng ngiti nya sa akin. Baliw na ba ako sa kanya?

Hindi ko na rin napigilan at ngumiti ako ska tumango.

Hinawakan nya ang mukha ko gamit ang kaliwang kamay nya. Marahan nyang inalis sa mukha ko ang mga hibla ng buhok na naroon at isinabit sa tenga ko. Pakiramdam ko uminit ang pisngi ko. Gusto kong yumuko ngunit hinawakan nya ang baba ko para pigilan at muli nyang inangat at hinarap sa kanya.

Gusto kong matunaw sa paninitig nya. Seryoso na ngayon ang mukha nya.

Dahan-dahang nyang inilalapit ang mukha nya sa akin at mabilis namang tumitibok ang puso ko. Pakiramdam ko ay lalabas na ito. Nahihiya ako na baka marinig nya.

Pumikit sya at napapikit na rin ako nang maramdaman ang mainit nyang labi sa akin.

Playing Casanova (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon