Chapter 3

635 17 15
                                    

Xandra's POV

"It's Gion Drake Ortega-Lee"

"Okay! Bye, Gion Drake." At nag wave ako sa kanya ng kamay.

Nag wave din sya at ska pumasok na sa kotse nya at umalis.

Pumasok na ko sa loob at agad umakyat ng kwarto. Nag palit ako ng damit dahil gusto ko na talaga matulog ako. Inaantok pa ko. Bwisit kasing Fritz yan e, ang aga-aga ako pinagising. Tsk! Teka nga muna speaking of that bruhilda bakit di pa sya nagrereply?

Kinuha ko yung phone ko sa bag at itetext ko nalang sya na nakauwi na ko.

To: BFF Fritz
Nakauwi na ko

Message sent

Nahiga na ko sa kama at ipinatong yung cellphone ko sa ibabaw ng bedside table.

Gion Drake, parang hindi bagay sa kanya yung pangalan nya kasi parang pang bad boy e. Hmmm.. Ano ba tong iniisp ko.
Makatulog na nga.

May trabaho pa ko mamaya. Mapupuyat na naman ako.

*****************************
"Xandra.... Hoy!"

"Hoy, Xandra."

Nagising ako ng may maramdaman kong may tumutusok sa mukha ko.

Indinilat ko ng bahagya yung isang mata ko at nakita ko Fritz.

Ano ba naman babae to. Alam nyang natutulog yung tao.

"Xandra!" Ska nya ko niyugyog.

"ANO BA NAMAN YAN FRITZEL MAUREEN!" Sigaw ko at ska ako bumangon.

"Bakit kaba nagagalit? Ikaw na nga tong ginising para di ka malate e, ikaw pa yung galit." Nakasimangot na sabi nya.

"Ha?" Kunot noong tanong ko. Anong oras na ba? Mamaya pa sa gabi pasok ko ah. May kaadikan din minsan to si Fritz e. Kanina rin ang aga-aga nya ko pinapasok pero walang klase.

"Mag e-8 na."sabi nya habang nakapamewang.

"What?" Gulat na tanong ko at ska ako tumingin sa wall clock. 7:30 Oh shemay! Malapit na mag 8. 30 mins. pa naman ang byahe.

Nagmadali ako lumapit sa cabinet at naghanap ng isusuot na pamasok.

"E bakit naman kasi ngayon mo lang ako ginising?" Inis na tanong ko habang kumukuha ng damit.

"E sa ngayon lang e."

Puchang sagot naman yan Fritz. Napakaganda ng dahilan.

Hindi ko na sya pinansin at dumiretso na ako agad sa bathroom.

"Besty! Kaen ka muna bago ka pumasok may pagkaen na sa baba. Nasa kwarto lang ako." Sabi nya sa labas ng banyo.

After 10 mins. ready na ako. Dumaan muna ako sa kwarto ni Fritz para magpaalam pero tulog na sya.

Kumaen muna ako ng hapunan bago pumasok.

****************Bar

Palingon-lingon ako sa paligid nang pumasok ako. Hinanap ko si Boss Ferdie. Napansin kong napakadaming tao ngayon. Okay to, marami na naman akong tip sigurado.

"Boss, sorry medyo late ako." Sabi ko sa lalaking nakatayo sa harap ng bar counter ng makalapit ako. Si Boss Ferddie. 8:15 na ako nakarating dahil mahigit 5 mins. pa akong naghanap ng masasakyan.

"Oh Xandra, buti dumating kana. Kanina pa kita hinihintay. Ang daming customer ngayon. Eto yung mga request na kanta ko. Umakyat kana at kanina kapa hinahanap." Sabi ni Boss Ferdie na tuwang-tuwa.

Playing Casanova (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon