Chapter 4

478 12 6
                                    

Xandra's POV

Nandito na ko sa labas ng sinasabi nilang private garden pero hindi pa ako lumalapit. Sobrang taas ng pader yung tipong hindi mo matatanaw yung loob kaya siguro tinawag narin na private garden. Nagkalat din ang mga security dito. Hindi kaya nasa loob nyan ang presidente ng bansa?

Nakakatakot naman baka pag pumasok ako dito e di na ko makalabas ng buhay. Kawawa naman ang pamilya ko.

Teka! Ano bang pinagsasabi mo Xandra, pumasok kana kaya at baka kanina pa naghihintay si Drake.

Inhale... Exhale! Keri mo yan.

Lumapit ako sa gate at may dalawang security don.

"Ahmm. Hello po!" Bati ko at nagtingin yung dalawang guard.

"Yes, miss ano pong kailangan at pangalan nila?" Tanong ng nasa kanan na guard.

"Alexandra Ysabel Cruz po. Pinapapunta po ako ni D----"

"Ah opo ni Sir. Nanjan na po sya at ibinilin nga po kayo samin." Pagpuputol sakin ni Kuyang guard na nasa kaliwa.

"Kanina pa po ba sya jan?"

"Yes Ma'am. Pasok na po kayo."

Binuksan na nila yung malaking gate at namangha ako sa nakikita ko. Parang yung garden na nakikita ko lang sa internet to ah! Feeling ko nasa ibang bansa ako.

Pumasok na ko sa loob at isinara na nung mga guard yung gate.

Teka? Ang lawak nito, san ko hahanapin si Drake? Si Kuyang guard naman kasi isinara na agad nya yung gate e. Itatanong ko pa naman sana kung sang parte ng garden siya nandon.

Naglakad-lakad nalang ako at pinagmamasdan itong napakagandang lugar. Makapag selfie nga.

Inilabas ko yung cellphone ko at nagsimula na akong magselfie.

*click

*click

*click

Bawat mga bulaklak at mga puno na nadadaanan ko kumukuha ako ng picture kasi naman ngayon lang ako nakakita ng ganitong klase ng mga bulaklak at puno e. Ang gaganda pa. Hindi kaya mga fake lang to? Hmm.. Hindi naman siguro. Basta ang ganda.

Ayan pa.. Lumapit ako sa isa pang bulaklak na maganda at nagselfie ulit.

Ayun pa.. *click

Ayan pa ang isa. *click

Nawiwili na akong mag selfie ng maalala ko ulit si Drake.

Teka, hanapin ko na nga yung taong yun. Nagsimula na akong maglakad. After 35 years hindi ko pa din nakikita si Drake. Drake nasan kana ba?

Kung sang lupalop na ng garden ako nakarating pero di ko sya makita. Pero okay lang din naman kasi nalibot ko tong garden. May maze pa at sa gitna ng maze merong water fountain. Meron din maliit na bridge at meron din lake dito. Ang ganda talaga dito, feeling ko nga nasa ibang bansa talaga ako e. Pero masakit na din ang mga paa ko. Aray ko po, uupo na nga lang muna ako.

Lumakad ako papunta sa bench na malapit sa lake para magpahinga. Nang makaupo ako ay muli kong pinag masdan ang paligid. Ang ganda talaga dito. Parang ang sarap tumira sa ganitong lugar.

Pero nasan na ba kasi si Drake? Haist!

Napatingin nalang ako sa punong nasa harapan ko. Ano kayang puno to? Ang taas sobra.

Ano nang gagawin ko?

"Excuse me,miss?"

Agad akong napitingin sa nagsalita at nanlaki ang mata ko. Sino ang gwapong nilalang na to na nakatingin sakin? Pero parang mas gwapo parin si Drake.

Playing Casanova (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon