Chapter 10

223 12 4
                                    

Fritzel's POV

"Besty ano okay ka lang ba jan?" Tanong ko sa labas ng pinto ng bathroom dito sa kwarto ni Xandra.

Pagkapasok namin sa loob ng restaurant kanina hindi palang kami nakakaupo ng biglang sumakit ang tyan nya kaya ayan tuloy umuwi na kami agad.

"Oo besty okay na ko."sagot nya.

Umupo muna ako sa kama nya at hinintay syang lumabas.

"Besty, pasenysa kana ha. Ipagluluto nalang kita kung gusto mo." Sabi nya ng makalabas sya ng bathroom.

"Hindi na besty magpapadeliver nalang ako ng pizza."

"Pasensya na talaga ha."

"Ano kaba, okay lang yun noh. Sige na magpahinga kana muna at tatawagin nalang din pag nanjan na yung pagkaen."

At lumabas na ko ng kwarto.

Xandra's POV

Bwisit na lalaking yan. Humanda talaga yan sakin.

***flashback

"This way Ma'am."

Sumunod kami sa lalaki. Inililibot ko ang mata ko dito sa kabuuan ng restaurant ng may mahagip ang mga mata ko na hindi kanais-nais.

Walangyang lalakeng yan.

Nakita ko si Levi na may kasamang babae nandon sila sa dulo at medyo tago na part ng restaurant.

Nagsusubuan pa sila habang nagtatawanan. Ang kakapal ng mukha.

Pano na baka makita to ni Fritz. Kailangan gumawa ako ng paraan.

"Besty upo na tayo para makapagorder narin tayo. Gutom na ko e."

"Aray! Aray ko po!" Sabi ko habang hawak-hawak ang tiyan ko. Kunwari sumasakit ang tiyan ko.

"Besty anong nangyayari."

"Ma'am are you okay?" Tanong naman ng lalaki na sumalubong samin kanina.

"Besty, sa tingin ko kelangan na natin umuwi. Sumasakit talaga yung tiyan ko."

Yung ibang mga customer nakatingin na samin ngayon.

"Oh sige besty halika na."

Hinila ko no nalang paalis si Fritz ng makita kong lilingon na si Levi kung nasaan kami.

Tumakbo ko ng mabilis habang hila-hika si Fritz. Malapit na kaming makita ni Levi ng hawakan ng babae ang mukha nya dahilan para mapahinto sya sa paglingon.

Hindi nakaligtas sa mga mata ko ng halikan ng babae si Levi sa labi. Lalo tuloy akong nang-init.

Kung pwede lang siguro akong umusok sa galit.

Nakahinga ako ng maluwag ng makalabas kami ng restaurant.

"Besty naman muntik na kong madapa kanina."

"Sorry besty, halika na umuwi." Sabi ko at ska sumakay na kami ng sasakyan nya,

***end of flashback

Ayokong makita ni Fritz ang eksenang yon kaya gumawa akong ng paraan para makaalis dun. Sigurado akong masasaktan sya pag nakita nya yon.

Humanda ka sakin Levi. Wag lang sana ulit kita mahuhuli kundi tatamaan kana talaga sakin. Igaganti ko si Fritz.

Ivan's POV

"I'm starving." Reklamo ni Eason.

Pano ba naman kasi 8:00 pm na hindi man lang nag aayang kumaen tong si Gee.

Playing Casanova (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon