Chapter 34

53 1 0
                                    


Kinalas ko ang pagkakayakap nya sa akin at mabilis na lumakad palabas bago nya pa ako mapigilan. Alam ko naman kasing walang filter ang bibig ng isang ito. Masabi ang gustong sabihin ay walang pakielam kung marinig ng ibang tao.

Ramdam ko at rinig kong sinusundan nya ako dahil sa tunog ng mga yabag nya sa likod ko. Ilang sandali nang may humawak sa braso ko para pigilan ako at iharap.
Ine-expect ko na ang nakakunot na noo at galit na expression mula sa kanya ngunit nagkamali ako. Diresto ang mga mata nya sa mga mata ko at halos lumabas na ang puso ko sa dibdib ko dahil lungkot at pangungulila ang mababakas doon. At dahil sa nakita ay parang pinipilas ang puso ko. Ang magkaganyan sya ay masakit para sa akin. He is very transparent. Sa panahon na nagkasama kami, iyon ang natuklasan ko sa kanya. Kung anong nararamdaman nya, iyon ang makikita mo sa mga mata nya. Unlike sa iba na magaling mameke ng emosyon. Kaya ang makitang nalulungkot sya ay talagang malaki ang epekto sa akin.

Malakas na bumuntong hininga sya bago nagsalita.

"Why did you leave without telling me?" Aniya na sa mababang boses sabay iwas ng tingin. Gusto kong hanapin ang mga mata nya at patitigin sa akin ngunit hindi ko kayang makipagtitigan doon ng matagal dahil sa tuwing tatama ang mga mata nya sa akin ay nagwawala na ang puso ko at nanlalambot na ang mga binti ko.

Hindi ko alam kung ano ba ang sasabihin ko. Hindi ako makahanap ng nararapat na salita.

"And why are you with that guy?" Dugtong nya na at bakas ang inis doon. Kitang-kita pa ang pag igting ng panga nya.

Alam kong si Chase ang tinutukoy nya. Hindi ko alam kung bakit sya nagseselos kay Chase o baka talagang ganyan dahil kahit kila Zen na mga ka-banda ko ay pinagseseslosan nya tuwing nakikitang kasama ko ang mga iyon. Gustong manlaki ng mga mata ko ngunit pinigilan ko iyon. OMG! Kasama ko sila ngayon. Nakita kaya nya? Imposibleng hindi!

"And those guys? Why are they here too? Why are you with them?" Ngayon ay nakaplaster na ang kunot sa noo nya at magkasalubong ang mga kilay. Hindi nga nakaligtas ang mga ka-banda ko sa paningin nya.

Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Nag iwas na lamang ako ng tingin.

Tumikhim sya at kita ko sa gilid ng mata ko na lalapit pa sana sya sa akin nang biglang may magsalita.

"Let's go. Punta na tayo sa cottage then let's have our dinner na." Napatingin ako sa nagsalitang si Fritz na nakatayo malapit sa likod ni Drake at sa likod nito nakatingin bago inilipat ang tingin sa akin. Halatang nagpipigil ng tawa si Fritz hindi ko alam kung bakit. Kita ko pa ang naglalarong ngiti sa labi ni Levi na sumulyap kay Drake at sa akin bago umalis kasabay ni Fritz. Gusto ko sana syang simangutan kaso nakatalikod na sya.

Kasunod ang sabay na lumabas na sina Flynn at Zen sa may pinto ng reception, nasa likod nila sina Marco at Chase. Lahat sila ay tumingin rin muna sa amin bago nagtungo sa kabilang direksyon ng kinatatayuan namin ni Drake ngayon. Ang tatlo ay may kaparehong nakakalokong ngiti sa mga labi katulad ni Levi maliban kay Chase na may blangkong emosyon. Bitbit nya ang mga gamit ko. Nakakahiya! Nakita ko ring sinundan ni Drake ang tingin ko.

"Really?" Aniya sa matigas na boses.

Halos mapatalon ako dahil sa biglaang imik nya. Hinarap ko sya at kita ang tila nag aalab na galit doon.

"You like him!" Matigas na wika nya at hindi iyon tanong. Napa-irap nalang ako at bumuntong hininga bago sya hinarap.

"You know what? I think we need space." Inis na wika ko at umalis sa harapan nya. Nang nakakailang hakbang na ako ay unti-unting sumikip ang dibdib ko. Gusto ko syang lingunin para malaman kung bakit hindi nya ako sinusundan at pinipigilan pero ayoko din isipin nya na nagpapahabol ako. Kaya bago ko pa hindi mapigilan ang sarili ko sa paglingon ay mabilis na akong naglakad paalis doon.

Papaliko na ako kung saan pumunta sila Fritz nang makasalubong ko ang mga kaibigan nya. Lahat sila ay nakangiti maliban kay Cess na alam kong nakatuon ang mga mata sa taong nasa likuran na iniwan ko. Iniwas ko na ang tingin sa kanya at napabaling ako sa isang taong ramdam kong tumatama ang mata sa akin, kay Dylan. Tama nga ang hinila ko, nakatingin sya sa akin, nakatitig, hindi ko maintindihan kung bakit, siguro ay may dumi ako sa mukha? O nagtatakha kung bakit ako nandito? Hindi ko alam kung ano man ang iniisip nya. Sa halip na isipin pa iyon ay tumango lamang ako sa kanila at ngumiti ng tipid ska tuluyan nang lumiko at sumunod kila Fritz. Mabuti nalang at tanaw ko pa rin sila.

Halos tumakbo ako para maabutan ko sila. Dalawang family room pala ang kinuha nila. Sa bawat isang nipa ay apat hanggang anim na tao ang kasya kaya maluwag talaga ito at malaki. Ang bubong ay gawa sa pawid, ang dingding naman ay gawa sa kahoy na nilagyan ng varnish upang lalo pa itong gumandang tingnan, ang ibang parte ng dingding ay may kulay na cream na lalo pang nag paganda sa itsura nito. Ang style ng bintana ay vintage din parang ganoon sa mga bintana noong unang panahon ngunit babasagin at ang border ay brown. Ang pinakagusto ko dito ay ang porch. Pagpasok sa loob ay binabalutan ang mga dingding ng kulay off-white na pintura at may halong brown sa ibang parte nito. May tatlong abstract na painting doon sa sala habang ang kusina ay isa lamang.

Inilapag ni Levi ang gamit nya sa living room at habang buhat parin ang gamit ni Fritz. Ganoon din ang ginawa ni Chase habang nasa kanya pa rin ang isang bag ko. Kukunin ko na ang bag ko kay Chase nang biglang magsalita si Fritz.

"Let's go, Besty." Anyaya nya sa akin at naglakad patungo sa kaliwang pintuan. Agad na sumunod naman si Levi sa kanya, na sinundan ni Chase nang muli kong kukunin ang bag ko mula dito. Nang makapasok kami ay ibinaba na agad ng boys ang gamit at nagpaalam na pupunta na muna sa kanilang kwarto at mag aayos din ng mga gamit at mag d-dinner na sa resto after. Hindi katulad sa labas na off-white ang pintura na may halong brown, dito sa loob ay kahoy na may varnish ang kulay katulad sa labas. May dalawang paintings, ang isa ay gumamela at ang isa naman ay alon. Napakasimple pero ang ganda. Sa tapat ng kama ay may nakasabit pang dream catcher. Cream ang kulay ng bedsheet at ang mga unan. At kahit na hindi mo pa lamang ito nahihigaan ay alam mong napakalambot nito. Dalawa ang kwarto na may tag isang king-sized bed. May sariling malalaking cr din na may bath tub at isang common bathroom na nasa pagitan ng kitchen at living room. Kumpleto lahat ng gamit dito pati lutuan kahit na may resto naman itong resort. Siguro ay para ito sa mga pihikan na ibang guest nila at mas gusto ang sariling luto.

Nang matapos namin ayusin ang mga gamit ay napagpasyahan na naming lumabas upang kumaen.

Nasa pintuan pa lang ng resto ay naagaw na agad ang atensyon ko ng dalawang tao na nakapwesto sa table na nasa mismong gitna.

Playing Casanova (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon