Chapter 12

201 8 10
                                    

Xandra's POV

Nakatayo parin ako sa tapat ng mga taong nasa loob ng kotse at pinapanuod sila. Walangya ka talaga. Pano mo nagagawa yan sa bestfriend ko ha!

Lumingon-lingon ako sa paligid at naghanap ng isang bagay na pwedeng ipambasag.

"Besty?" Tawag sakin ni Fritz. Napatingin ako sa kanya na nakatayo di kalayuan sakin?

"Anong hinahanap mo?" Tanong nya.

"Maghanap ka ng tubo." Sabi ko.

Nanlaki ang mga mata nya.

"Seryoso ka? A-anhin mo naman yun?"

"Basta." At ska lumingon-lingon ulit ako para humanap ng tubo o kahit anong bagay na pwede pangwasak.

"Besty lasing kana ata." Sabi ni Fritz at akmang lalakad na sana sya palapit sakin nang biglang akong maglakad palayo papunta sa bagay na hinahanap ko.

Patay ka sakin Levi.

Ivan's POV

Kasalukuyang nagdadrive ako ng dahan-dahan papunta sa parking lot ng Brett Gold Bar na nakareserve lamang saming lima nang makarinig ako ng malakas na ingay. Parang may nabasag na salamin.

Nagtakbuhan ang mga tao papunta sa pinanggalingan ng ingay at dahil curious ako bumaba din ako sa kotse ko kahit hindi pa nakapark ng maayos. Kay Aiden naman ang bar na to kaya okay lang.

"Where are you going?" Nilingon ko si Eason na nagsalita at nakababa na din sa kotse nya. Ako kasi ang nauuna at kasunod ko ang kotse ni Eason at kasunod naman ng kotse ni Eason ang kay Gee, sunod kay Dylan at pang huli ang kay Aiden.

"Titingnan ko kung anong nangyayari." Sagot ko. Nakita kong bumaba na din ng kani-kanilang sila Gee.

Muling nakarinig kami ng malakas na pagbasag at sabay-sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng ingay at agad na nagtungo doon.

Sumingit kami sa taong mga nag u-umpukan. Nang makita nila kung sino kami ay mabilis na nagbigay sila sila ng daan at tumambad samin ang basag na basag na windshield ng isang SUV.

Woooh!

Saklap naman nyan.

"BABA!" Napatingin ako sa babaeng sumigaw na may hawak na bakal na tubo. Nakatalikod sya samin kaya hindi ko makita ang mukha. Siya pala ang may gawa. Teka! Anong bang nangyayari?

"Ano ba ang nangyayari dito?" Napalingon ako sa lalakeng kadarating lang na nagtatanong sa katabi nyang babae. Katulad namin nakikiisyoso din.

"Parang girlfriend ata ng lalaki na nasa loob ng kotse yang babae na nagwawala at yung girl na nasa loob ng kotse na kasama ni lalaki e other woman naman nya. Aniya na lumilingon pa sa amin. So ganon pala!

Nako po! Pag ganito ang girlfriend mo talagang dapat tumino ka!

Ibinalik ko ang tingin doon sa babaeng may hawak na bakal na tubo.

"HINDI TALAGA KAYO BABABA HA!" Muling sigaw nya at binasag naman ang window ng passenger's seat.

Parang familiar ang boses ng babae.

"Besty tama na!" Pakiusap ng isang babae na sa tingin ko ay kasama nya.

"Diba si Fritzel yan?" Rinig kong tanong pa ng lalaki sa babaeng kausap nya.

"Sino?" Tanong naman nung babae.

"Yung babae na nakiusap sa babaeng nagwawala."

Muli ay lumingon ako sa dalawang nag uusap.

Tiningnan ng babae mabuti ang ang tinutukoy ng lalaki. Tila ba minumukhaan nya ito.

"Ah yeah. Si Fritzel Park. Oo sya nga. Student sa Diamond Bettencourt University."

Playing Casanova (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon